06

4 1 0
                                    

Day 2 na ng Math Camp at ang gagawin lang ng ngayon ay Quiz bee, charade game at 1st appearance ng Mr. And Ms. Mathenik. Buong umaga ako busy dahil ako ang nag aayos ng upuan para sa mga mag qu-quiz bee at ako din naag aayos ng stage.

"Woy!" Sigaw ni Dion sa baba ng stage

"Natalia! Tara kain!" Sigaw ulit nito

Medyo nag tatampo na ko kasi hindi n'ya ko sinabayan pumasok kanina, muntik pa kong ma late.

"Uy" tawag ni Dion na ngayon ay nasa gilid ko na

"Galit?" Tanong nito

"Tara kain na kasi, wag kana magalit" natatawa pa sya

"Ok lang, busog ako" simple kong sagot at tumayo para kunin ang pang disenyo sa gilid ng hagdan

Tumango lang s'ya at iniwan ako sa stage, tinapos ko ang pag didisenyo ng stage. Nang matapos ay pumasok ako sa Classroom para kunin yung tubig ko, drink your water bitch

"Nana!" Tawag ni Ian saakin

Tiningnan ko lang s'ya habang umiinom ng tubig, di pa ako makaupo kasi depungal 'tong si Mark nakaupo sa upuan ko nag lalaro tapos pag namamatay ako sinisisi ang gulo ko daw.

"May nabasa akoo!" Sigaw nito nang makalapit saakin

"Mag part-time job kaya tayo ngayong summer" maligayang suhestyon nito

"Tara!" Rinig kong sigaw ni Lele mula sa bintana

"Doon tayo sa Fast Food mag trabaho!" Maligayang sabi ni Ian

"Ay oo nga! Tapos sabay sabay tayo" sabi naman ni Lele na ngayon ay nasa  tabi na ni Ian

Katulad ng sinabi nila, gumawa kami ng Resume at ipinasa sa isang fast food chain sa Nuvali. Binigyan kami ng mga requirements pero dahil may pasok pa hindi pa namin maasikaso agad ang mga kailangan.

Mabilis lang lumipas ang araw, huling dalawang linggo nalang namin sa paaralan at may Juniors night pa kami sa huling linggo. kaarawan na rin ni Mark bukas. Lahat kami imbitado, syempre para madala si Julia dapat imbitado lahat kaso sa kasamaang palad may date si Julia with Friends kaya hindi nakasama.

"Kasama ba si Rey?" Tanong ko kay Charles ng maabutan ko s'yasa likod na nag lalaro

"Hindi e" sabi nito habang tutok na tutok sa cellphone

"Hindi nalang ako sasama" sabi ko agad

Ayokong sumama kapag hindi kasama si Rey, kaya lang naman ako pupunta para maharot ko e.

Bahagyang tumawa si Charles at agad tinawag si Rey noong aalis na ako hinawakan ako ni Charles.

"Rey sasama ka sa borday?" Nakangising tanong nito habang nakahawak sa palapulsuhan ko, nakaupo pa ang loko kaya hindi ko mahila kamay ko baka mahulog s'ya sa upuan

"Pass pre, alaws pamasahe" sagot si Rey at umupo sa harap ni Charles

"Nana sama ka ah, mag tatampo si Mark sigi ka" nakangising sabi ni Charles

"Nag tatampo na nga e, wala kasi si Julia" sabi ko

"Sasama ka?" Tanong ni Rey na nakatingin saakin at bahagyang napatingin sa kamay ni Charles

"Hindi bawal ako"

Bawal akong sumama kapag di ka sasama

"Sama kana" pag pupumilit ni Charles

Tumango si Rey at nag paalam na mag babanyo lang daw, tinitigan ko si Charles na panay ang tawa

"Pipilitin ko si Rey, jusme naman Nana" natatawang sabi nito

Night SkyWhere stories live. Discover now