Pumayag akong sumama kay Cristobal sa Divisorya, hindi ko alam ang sasakyan at kung saan baba. Wish ko lang na di kami mawala
"Gaga, saan na tayo?" Tanong ko ng makarating kami sa Balibago
"Teh di ko alam!" Masaya pang sagot n'ya
Binuksan ko ang cellphone ko at nag search sa google 'how to go to divisorya' medyo maalam ang google at may direction agad, naroon na din kung ano ang sasakyan namin. Sumakay kami ng bus, maaga kaming pumunta para hindi kami gabihin kasi ang paalam ko lang ay may bibilhin akong para sa school, pero ghorl! Sa divisorya ang punta namin.
Bumaba kami sa hindi ko alam kung saan, kasi kinausap ni tobal ang kundoktor at sila lang nag kaintindihan. Pag baba namin sumakay na kami ng Jeep deretso divisoya, medyo may kalayuan at traffic pa.
"Ano na? Saan na tayo?" Bulong na tanong ko
"Pag bubaba yung naka-salamin baba din tayo"
"Gaga ayokong mawala, paank kung hindi divisorya baba nya?" Tanong ko
"Divisorya baba nya teh, di ka kasi nakikinig" sabi pa nito at inirapan ako
At ganon nga ang nangyari, sunod kami sa babae na naka salamin noong pumara sya pumara nadin kami. Masyang madaming tao sa nilalakarab namin, hindi ko alam kung divisorya naba to. Dumeretso kami at dinaanan namin ang mga nag titinda ng street food at nag patianod sa alon ng mga tao.
'Divisorya' ang nakalagay sa taas ng isang tindahan, agad kong nilingon si Tobal at parehas kami ng tinitingnan bahagya akong natuwa dahil Achievement to ang layo na ng gala ko inpernes.
"Saan na tayo?" Tanong ko at hinawakan ko ang t-shirt n'ya, ayokong mawala sis
"Pasukin natin yung mga parang target mall tapos tanong tayo kung mag kano turtle neck, tawaran na din natin kung keri" sagot nito
Dumeretso kami at isa-isang pinasok ang mga store na nag titinda ng damit, pati ang mga kunyari ay mall. Nadaan namin ang mga sapatusan at bumili din si tobal ng sapatos, ang balak ko lang namang bilhin ay nail extensions para bongga. Hindi na kami nag abala na kumain at pumasok kami sa mall na ang pangalan ay hango sa numero. Nag sukat ng turtle neck si tobal at mupa sa tatlong daan ay natawaran n'ya ito ng two hundred fifty, ayos na din kasi maganda ang tela.
"Maganda ba sis?" Tanong nito noong hindi na mapakali dahil nabalot na sa plastic
"Oo, kalma kalang di na mapapalitan yan" natatawa kong sagot
Ako nan ang sumunod na bumili, nakabili ako ng complete set na nail care at nail extensions sa halagang dalawang daan. Namahalan ako pero ang sabi ni Tobal ay mababa na daw yon kung ikukumpara sa mga Mall. Ng matapos kami ay umikot kami kapara tingnan ang bagsak presyo na sapatos na nasa isang daan ang iba at ang iba naman na may mga tatak o yung mga replika ay nasa one-hudred fifty hangang two-hundred ang presyo. Naakit ako sa Fila kaso naiisip ko din na sayang ang pera kung bibili ako kaya panay lang ang hawak at tingin ko, habang si Tobal gustong gusto ng bumili.
"Sis bili tayo!" Masiglang yaya nit
"Mahal ayoko baka wala na kong pamasahe pauwi" pag bibiro ko, may pera pa naman ako kaso ayoko gastusin dahil may sapatos pa ako
At ayon, sa katagalan kakatingin ng Tobal ay napabili s'ya ng isang Fila. Kung susumain mas madami ang nabili n'ya kesa saakin, at syempre s'ya din ang pinaka magastos mahilig kasi sa materyal na bagay 'tong si bakla.
"Gutom na ko, ikaw di ka nagugutom?" Tanong ko, ang haba ng nilakad namin halos naikot na namin lahat at napasukan lahat ng tila ba ay mall
"Gutom, pero sa bahay na wala na kong pera ubos" natatawang sabi pa nito
"Gaga paanong di mauubos yan e bili ka ng bili ng mga di naman kailangan" sabi ko
"Tange minsan lang to" sambit nito
"Gaga nag dadahilan kapa, last mona 'yan ah mamaya wala kanang pamasahe" pag papaala kong sabi
Tumango ang bakla at itinaas pa ang kaliwang kamay at sumenyas ng 'nangangako ako'.
"Tara na umuwi na tayo" pag aaya ko
"Tara, hala! sis di ko alam pauwi" nag pa-panic na sabi nito
Minsan nakaka buwisit, ayoko sana mag labas ng cellphone kasi baka ma-hablot alam nyo naman ang divisorya di maiiwasan ang nakawan. Walang choice kaya nilabas ko ang cellphone ko, at himala walang missed call si mama at wala ding text. Nag check ako sa google kung paano umuwi at ang sabi sumakay daw ng jeep at baba sa jack linner 'yung sakayan ng bus. Sinabi ko kay Tobal at lumabas kami ng divisorya, pero walang jeep na dumadaan kaya nag tanong kami ang sabi sa loob daw ang sakayan, kaya bumalik kami sa loob pero wala naman.
"So ayon po mga kababayan 'di na kami makakapag Juniors night dahil nawawala na kami at 'di na makauwi" pang aasar ko kay Cristobal na pikon na pikon sa babaeng nag turo ng maling direksyon
Nag tanong kami sa iba at ang sabi sa labas daw, may mga jeep daw na masasakyan papuntabg sakayan ng bus at sinunod namin 'yon, nag lakad ulit kami pa labas. Sa may bukana may tindera na singkit ang pinag kakaguluhan.
"Teh kanina pa s'yang pinag kakaguluhan, ano kaya 'yong binebenta nya?" Tanong ni Tobal
Sa sobrang curious namin ay nilapitan namin ang tindera, akala ko chinese 'yun pala ay Taiwanese. Nag bebenta ng mga alahas at per sukat ang presyo nito, ng makarating kami ni Tobal ay agad syang hinila ng tindera at sinukatan ng gintong kwintas. Magaling sa sales talk ang tindera kahit hirap sa pag sasalita mg English.
"This? 10 peso!" Sabi kay Tobal at sumenyas pa ng sampo
Umiiling si Tobal at hindi makapag salita panay ngiti lang sya, ako naman tinitingnan ko lang sila.
"This!" Turo ng babae sa manipis na alahas "six peso!" Sabi nito
Tumingin si Tobal saakin at nangungudap ang mga mata "ano teh?"
Wala ako sa wisyo dahil nagagandahan din ako sa mga benta ng babae kaya tumango lang ako, sinukatan si Tobal ng kwintas at pinutol nag labas ito ng sampong piso para ibayad kaso umuling ang Taiwanese na ipinag taka ko.
"Three-hundred!" Sabi nito na ikinagulat namin
"10 pesos per 1 cm yan" sabi ng lalaki sa gilid ni Tobal kaya tumawa ako ng malakas na para mapansin ng babae
Tatanggihan sana ni Tobal kaso ayaw ng babae dahil naputol na n'ya ito. Wala akong choice kundi pahiramun ng pera si Tobal dahil wala na s'yang pera at umalis kami ng divisorya na may dala ng sama ng loob.
YOU ARE READING
Night Sky
RomanceIsang Julian Caparas ang naniniwala na ang tadhana ang gumagawa at oras ang pumapatay. Walang nag mamahal ang 'di nasasaktan at walang nasasaktan ang 'di nag mamahal.