Maaga akong umalis ng bahay kasi na receive ko text ng teacher na mag hahandle ng math camp next week. Pumunta ako sa library at umupo ako sa tabi ni Dion na ngayon ay naka nap, ka aga aga pa e nag na-nap na.
"Hoy, tulog ka?" Bungad ko sakanya
"Hmmm"
"Bebe time pa more" natatawang sabi ko
Dahan dahan kong kinuha ang earphones sa tenga n'ya at inilagay sa tenga ko. Maganda music taste nito si Dion, kase puro twice ang nasa play list nya. Nilamon na ng kpop ang sistema nitong kaibigan ko.
Kaibigan ko si Dion mula sa pag kabata, hindi kami ganon ka close dati ngayon lang. At may friendsarry kami August 5 pa diba daig pa namin mag jowa pag nag cecelebrate, kain dito kain doon pero dapat kkb.
Si Dion mukhang black American, mukha lang dahil yung kulang ng kutis n'ya at tangos ng ilong pati yung mga labi ay may kalakihan pero si Dion ay kulot, matangkad s'ya pero di ganon kahilig sa Basketball 'di katulad ni Rey na Ball is life at lol is life. Puro games 'tong si Dion, games, bebe at acads ganyan lang palagi ikot ng buhay n'ya.
"Natalia, ikaw dito doon sa sophomores mag check." Sabi ni Maam Gema at iniabot saakin ang check list "'yung pera lahat ng koleksyon sayo iaabot ah, sa sabado mo iabot saakin." Dag dag niya
"Mamayang mga 3 meeting ulit tayo, balik na kayo sa classroom n'yo" sabi nito
Sabay kami ni Dion dahil mag kaklase din naman kami, bakas pa sa mukha n'ya yung antok.
"Di ka nag kape?" Tanong ko
"Hindi e, sasabayan dapat kita kanina pumasok kaso nag rereklamo si bebe sinundo kopa sa inchikan" sabi n'ya
"Ok lang baliw, bukas nalang tayo mag sabay" sabi ko
Ng makarating kami agad kong binaba ang bag ko sa upuan dahil mag sisimula na ang flag ceremony, sa may coridor lang kami nag fa-flag ceremony pero kailangan kasi naka lock ang classroom bago mag start.
Dali dali akong nag lakad pero sa kasamaang palad ay naabutan ako ng tugtug sa loob malapit sa pintuan, si Rey nakatayo sa harap ng upuan n'ya at nakalagay sa dibdib ang kamay si Dion naman nakalabas na kaya kaming dalawa nalang ni Rey ang nandito. Nang matapos ang tugtog lalabas na sana ako pero tinawag ako ni Rey.
"Nana! Sabay na tayo" sabi nito at mabilis na pumunta sa kinatatayuan ko
Sabay kaming pumila at parehong nasa dulo kami dahil late. Pag tapos ng flag ceremony nag simula din ang klase. Lumipat si Red sa tabi ni Dion kaya ngayon ay wala na kong katabi, matiyaga akong nakikinig sa tinuturo ng teacher namin ng biglang tumabi si Rey saakin.
"Nana" tawag n'ya
Pero nag susulat ako kaya hindi ko pinansin, tinititigan n'ya ko at nilagay pa ang kamay sa likod ng upuan ko. Napaka harot lord oh!
"Nana, Calamares tayo mamaya" pabulong na sabi n'ya na ngayon ay aktong nakikinig sa sinasabi ng teacher
Tumango lang ako, keylan ba ko tumanggi sa kanya kahit nga ata sabihin nitong tumalon ako sa building tatalon ako e, ganon ako kasunurin basta utos nya.
"Nana, tabi tayo!" Pag pupumilit ni ian dahil English class na at ayaw n'ya katabi si Boni dahil madaldal daw
"Katabi ko si George mamaya, assign seats kaya dapat para may attendance " sabi ko habang kumakagat sa turon na puro wrapper nalang, grabe parang isang hiwa lang ng saging ang nilagay nila tapos puro wrapper na
YOU ARE READING
Night Sky
RomanceIsang Julian Caparas ang naniniwala na ang tadhana ang gumagawa at oras ang pumapatay. Walang nag mamahal ang 'di nasasaktan at walang nasasaktan ang 'di nag mamahal.