08

0 0 0
                                    

Katulad ng madalas na routine, pumapasok ako ng kasabay si Dion at pag dating sa school nag pa-practice para sa Juniors Night kung wala namang practice nag aaral.

"Wala pa akong susuotin" reklamo ni Lele

"Parang ayoko sumali," sabi ni Ian "wala namang kwenta 'yon." Dugtong nito

"Ano kaba!" Sabat ko kasabay ng pag hampas sa balikat n'ya "importante ang gabi na 'yon para saatin, kung iniisip mo ang make-up ako na ang bahala, aayusan kita." Pag ko-kombinsi ko

"Oo nga, and'yan naman si Nana kaya n'ya 'yan" maligayang sabi ni Lele

"Tsaka kawawa yung magiging partner mo, tapos yung partner mo pa sa sayaw kawawa din" dadag ni Lele

"Si Boni lang naman partner ko sa sayaw, tapos kapag lalakad na ang partner n'ya si Kyla" simpleng sagot ni Ian

"Edi tayo nalang mag partner sa pag lakad" pag iimbita ni Lele

"Tinatamad ako," sagot ni Ian

"Basta pupunta ka." Pinal na sabi ko

Huling practice na namin kaya kailangan maging maayos na. Pumila ako at katulad padin ng dati si Jordan wala nanaman, keylan ba s'ya umattend. Sinisira lang ng lalaki 'to ang Juniors Night ko.

Nag simula na sa pag sayaw, at ang kasayaw ko ay ang hangin. Gusto konang maiyak kapag naiisip ko na sa Juniors Night ganito ang magiging itsura ko. Kawawa naman ako

"Natalia!" Sigaw ni Cristobal mula sa stage

Napahinto ako sa pag sasayaw nang senyasan n'ya ko na lumapit sa kanya. At yun ang ginawa ko, lumapit ako sa kanya, umakyat ako ng stage at tumabi sa kanya na nakatayo ngayon.


"Baks bakit?" Para akong tuta na kailangan pa mag pa cute para hindi pagalitan, natatakot ako matanggal sa sayaw

"Wala si Jordan?" Galit na tanong nito

"Wala," simple kong sagot

"Tangina naman, ilang beses koba kailangan sabihin na dapat kompleto tayo?!" Sigaw nito na nag patigil sa mga ka-klase ko sa pag sasayaw



"Tobal, nasa clinic ata si jods" sagot ni Boni

"Ano?! Araw-araw nasa clinic?!" Galit na tanong ni Tobal kay Boni, bahagya akong umatras baka kasi sampalin na ko dito di ko keri

Nag kibit balikan lang si Boni at umupo sa sahig. Ganon din ang ginawa ng iba, walang nag tangka na umalis sa pila. Si Cristobal naman ay umalis kaya bumaba nadin ako ng stage.

"Gago yon si Jods" sabi ni Rey na nakatayo padin

Wala na akong ibang gagawin dahil hindi naman ako interesado na tumulong sa pag aayos ng nga upuan, kaya uuwi nalang ako.

"Dion!" Tawag ko sakanya ng madatnan ko s'ya na may binabasa sa papel, tiningnan n'ya ako at hinintay na makalapit sakanya




"Uuwi kana?" Maligaya kong tanong

"Hindi pa, kailangan ko tumulong sa pag aayos ng upuan." Simpleng sagot nito bago mag paalam na umalis



"Baks!" Tawag ni Cristobal  "tara sabay tayo" anyaya nito


Ipinakita namin ang id namin sa guwardya at lumabas na, sabay kami ngayon dahil ayaw n'ya daw na mangitim kakatulong sa sa pag aayos sa mga upuan, stress nadaw s'ya sa sayaw kaya ayaw na ayaw n'ya.




"May damit kana?" Tanong nito

"May damit naman talaga ako," pabiri kong sagot


"Gaga su-suotin kasi para sa Juniors Night" irita nitong sabi na nag patawa saakin

"Meron na, black gown sis off shoulder para daw bongga" biro kong sabi


"Oh? Sanaol" natatawa nitong sagot

"Samahan mo ko, kailangan kopa bumili ng turtle neck" anyaya nito

"Sa balibago tumingin kana ba?" Tanong ko

"Mahal ghorl" simpleng sagot n'ya "sa divisorya tayo" maligayang anyaya nito

"Gagi ang layo non" sabi ko agad

"Dali na, isasama ko si Rey yiee"

"Pag iisipan ko" simpleng sagot ko

Katulad ng palagi kong ginagawa, papasok para mag practice at sasayaw ng walang ka partner. Pumayag din ako sa alok ni Tobal na samahan s'ya sa pag bili ng damit nya sa divisorya.

Ready at excited na ang lahat para sa Juniors Night si Ian ay sasali na din dahil papahiramin s'ya ng gown ni Mary. Halos karamihan ay di na mag kaugaga panay ang tanong ng mga damit na susuotin, may iba na hindi pa sinasabi ang kulay at disenyo ng damit para 'surprise' daw. 

"Nana sinong partner mo?" Tanong ni Ian

"Si Jordan diba?" Simpleng sagot ko

"Sa Grand Entrance di Jods padin?" Tanong ni Lele

Nag kibit balikat nalang ako, di ko alam kung yung partner pa sa sayaw ay partner nadin sa Grand Entrance. Tsaka ok lang din naman na ako lang mag isa mag lalakad noh, i'm an independent women who can stand alone because i'm independent cheret lang

Nakita ko si Rey na nag lalakad sa may corridor kasama si Lyn, di ako nag seselos pramis. Ang saya pa nila nag tatawanan pa sarap pag untugin di naman ako nag seselos e pero sarap hilain ng buhok. Ang saya saya nilang pumasok ng classroom, ang saya nila noh. Happy ka ghorl? Bungian ko yan e

Nang mapansin kong papunta si Rey sa bandang inuupuan ko agad akong nag nap, kuyari tulog kasi nakakatampo. Napaka landi naman nakikipag tawanan pa, bahala s'ya suyuin nya ko. Cheret bawal mag tampo kay crush kasi baka di na ako pansinin forever

Ramdam ko na tumigil s'ya sa gilid ko, bahagya pa akong kinulbit. Ng hindi ako tumingin lumakas pa ang kulbit n'ya, dapat pag gigisingin ako ang sabihin nya 'babe gising kana' ganern di pakulbit kulbit.

"Ano ba!" Inis na sabi ko ng iniaangat ko ang ulo ko

"Uy! Sorry, Dion bakit?" Nahihiya kong tanong



Umupo lang s'ya sa tabi ko at isinandal ang ulo n'ya sa balikat ko, bahagya s'ya huminga ng malalim at niyakap ako mula sa gilid. Naramdaman ko ang biglang pag init ng balikat ko, bahagya kong hinarap si Dion para maibaon ang ulo nya sa dib dib ko.

Marahang tumataas baba ang likod nya, unti unti ko nang nararamdaman ang pag basa ng damit ko tila ba ulan ang dahilan ng mga ito. Hinaplos ko ang ulo n'ya gamit ang kaliwang kamay ko at niyakap ko s'ya gamit ang kanang kamay ko.



"Shhh" pag tatahan ko


Patuloy sa paghikib si Dion, nadudurog ang puso kong makita s'yang ganito. Hinayaan ko syang umiyak sa dibdib ko hanggang sa maubos na ang lahat ng lakas nito sa pag hikbi.



"Magiging ayos din ang lahat" pag a-alu ko

Tahimik ang pag hibik si Dion, nanatili kami sa ganong pwesto hangang sa dahan dahan itong kumalma.



" 'di ko alam kung anong kulang saakin" napapaos nitong sabi "hindi kona alam"







Night SkyWhere stories live. Discover now