0002

7 1 0
                                    

After kumain lumabas muna ako para mag yosi medyo nabusog ako at kinabahan kanina, ang matured na ni Acer maganda na din siya magstyle sa sarili niya sa 6b years ba naman syang nandon sa japan. Hindi ako umiimik kanina kahit napapansin kong nagnanakaw sya ng tinggin sakin baka kinikilala ako o kaya Hindi na ko kilala, taon nga naman talaga sinong di makakalimot. Kinakamusta siya kanina ng lahat ganun din ako pero isang tanong isang sagot lang ako sumagot Hindi katulad niya halos ikwento niya mula umpisa hanggang wakas.






"Genki desu ka?" Naubo ako ng may magsalita sa tabi ko si Acer pala. "Hala wait kukuha ako tubig" tapos tumakbo siya papasok sa loob









Pagbalik niya may dala dala na syang tubig tapos inabot sakin "salamat",






"Nagulat ka ba?"






"Apparently, Hindi ako nakakaintindi ng nihonggo"






"Sorry na, pero bat ka ba kasi naninigarilyo dito?" Kinakausap niya ko na parang isang araw lang kami Hindi nagkita, kinakausap niya ba ko para malaman yung pangalan ko o nagpapansin lang to.










"Smoking area to, acker name k---"










"Grabe ka! Anong tingin mo sakin nakakalimot?!" Sigaw niya syaka pinagpapalo ako na parang Bata










"Weh? Kilala mo pa ko?" Pangaasar ko










"Para namang tanga acker!"








"Akala ko Kasi hapon ka na HAHAHAH"











"Matanda ka na pero yung pangiinis mo Bata pa din HAHAHAHA",











"Kesa sayo nagbaby talk pa HAHAHAH"










"Oh pasalabong ko syaka regalo ko sa mga past birthday mo and Christmas" sabay abot niya ng paper bag






Kinuha ko yung paper bag sabi niya buksan ko daw eh nung bubuksan ko syaka naman lumabas si mama tapos nagyaya na umuwi. Hindi na nagulat si Acer na hindi ako sa bahay nila nakatira dahil dati naman nung umalis siya Alam niya din na aalis din kami. Nagpaalam na kami sakanila tapos sumigaw pa si acer na buksan ko daw paguwi yung pasalubong niya.


Nagdrive na si mama papuntang condo, pero maggrogrocery muna daw kami kasi Wala ng laman yung ref namin wala na kaming kakainin mga pare. Mula nung lumipat kami sa condo hindi na din pinapapunta si mama sa ibang Bansa para icheck yung mga business nila Acer don dito nalang siya sa pilipinas taong office na siya kahit late na siya umuuwi okay lang Kasi Alam ko nasa pilipinas lang naman siya. Kanina nung dumating si Acer para syang demonyo HAHAHAHAH jk lang para syang princesa, if I know unika hija naman talaga sya ng Tuizon family. Tumanda na siya pero ang daldal pa din niya. Nahiya din ako na kausapin siya kanina nung bigla syang sumulpot sa tabi ko nung nagyoyosi ako hindi naman Kasi siya sanay na Makita ako na gumagamit ng ganon. Hindi naman ako madalas nagyoyosi minsan lang talaga pag sobrang stress at kabado napapakalma Kasi ako pag nagyoyosi ako. Ilang years na yung lumipas madami na kong natutunan bukod sa pagyoyosi umiinom na din ako at gumigimik pero hindi naman madalas minsan lang pag nayayaya ng barkada.

Sa loob ng 6 years mas natutunan kong maging independent na Tao madalas Wala akong kasama sa bahay, gumising ako na Wala na si mama matutulog ako na Wala din siya dahil late na siya dumadating. Mula nag high school ako may sarili akong service dahil yon ang bigat ni tita Acandra hanggang ngayon na college na ko yung kotse na dati pinagseservice lang sakin binigay na ni tita Acandra para magamit ko, medyo may kalayuan din ang school ko. Sa loob ng 6 years nagkaroon ako ng mga bagong barkada minsan talaga makaalis ka sa comfort zone mo. I met new people lalo na nasa University ako ngayon. At Alam Kong ganon din si Acer may barkada din siya don Hindi naman malabo dahil halos lahat ata ng tao kinakausap niya.





"Kumuha ka nung queenisland na butter acker" uto ni mama sakin, pumunta na ko sa may butter section syaka hinanap yung queenisland butter.








"Ma eto na, ma kuha Kadin ng bacon ha" bilin ko bago nagtungo sa mga junk foods





Natapos mag grocery si mama kaya dumeretso na kami umuwi sa condo nagayos lang siya ng mga groceries tapos ako naman pumasok na sa kwarto para magpalit ng damit.





Seyah calling...

[Acker natapos mo na ba yung product presentation natin?]




"Natapos ko na kahapon pa, yung part mo ba natapos mo na?"






[Oo kakatapos nga lang eh ako na magpapasa kay Mrs. Flor]






"Sige"



Barkada ko din yon si seyah kapatid ng librarian namin, madami akong barkada hindi lang siya. Nanjan din sila Aj, Junce,Fia, William syaka yung magkapatid si Winona syaka si Paulo high school barkada ko sila except kay seyah na ngayon lang namin nakilala. Mga mahihilig gumimik pero lagi kaming kasama sa over all rankings.





"Acker tignan mo tong pasalubong ng tita Acandra mo sakin ang ganda diba" sabay pakita niya ng isang Gucci bag na satingin ko nagkakahalaga ng 20-30k sweldo na ni mama yon ng isang buwan eh Hahahha.







"Andami mo ng bag ma lahat galing kay tita Acandra"







"Hindi ko naman hinihingi sakanya to nak, binibigay niya ng kusa" may binulong pa siya pero pumasok na ko sa kwarto ko para ako naman magbukas ng pasalubong din ni Acer para sakin








Pagkaopen ko ng paper bag na malaki may tatlong box, yung isang box isang Jordan na sapatos tapos yung pangalawang box naman may isang belt bag tapos yung isang box may laman na dalawang box sa loob. Pero may nakalagay pang letter.



Ko ni chi wa,

Ayan ah sa 6 years tayong hindi nagkita sana nakabawi na ko suotin mo yan ah proud ako sayo!




Binuksan ko na yung isang maliit na box na naglalaman ng anklet na may pendant na parang sumbrebro ng mga cheff, how did she know na Yun ang course ko? Nilagay ko na agad yin sa ankle ko syaka binuksan yung pangalang box na naglalaman ng mahahaling pen. Inayos ko na lahat syaka nilagay na sa mga dapat paglagyan. Tinawag na din ako ni mama para mag dinner, busog pa ko pero ngayon lang namsn kami magsasabay kasi ngayon lang siya nasa bahay.





To Acer;

Hoy salamat sa pasalubong mo nagustuhan ni mama

Mabilis syang nagreply nagulat nga ako eh kala ko ksi di siya makakapag reply Kasi baka na access oa sa Japan Yung phone niya.



From Acer

Binigay mo kay tita?!

Natawa ko kala niya naman talaga binigay ko kay mama


To Acer

HAHAHAHHAHAHAHAHAGS sakin mo binigay malamang sakin diba?





Hindi na siya nagreply anong oras na din baka nakatulog na yon sa sobrang pagod sa byahe.



Namiss din kita my maple tree

Let It FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon