1

685 17 0
                                    

Vhong's POV

Panibagong araw , panibagong pag-asa ...

Alas -6 nang umaga ako nagising tama lang kasi  Alas 8 pa naman ang pasok sa school , hmmm ba't Parang ang tahimik ata nang bahay ngayon . bumaba ako para masagot ang tanong ko , nakita ko ang kapatid ko na naghahanda nang agahan

Magandang umaga bunso , napabalikwas siya , napalakas ata ang pag greet ko sa kanya , nilingon niya ako habang nagpapout Sabay irap sa akin at bumalik sa pagluluto

Ang lakas kuya ha! nawala tuloy concentration ko dito inis niyang sabi ... Ano ba niluluto niya at kailangan niyang mag concentrate, kaya tumayo ako sa likod niya yung sakto lang na makita ko kung ano ang niloluto niya , natawa naman ako nang malakas nang malaman  kung ano ito

Grabi naman dapat ba mag concentrate pag naglulto nang itlog ? Natatawa kung sabi , tumingin siya sandali sa akin at umirap hmmm nakakrami nato ha , umupo ako sa may mesa Hindi pa ako bihis Pero mabilis lang naman yun , gutom narin kasi ako.

Dapat lang na mag concentrate ako noh! Ang napakabait kung kuya ko kaya ang kakain nito , kaya dapat perfect ! Nilagay niya sa harap ko ang niloto niya ahhh sunny side up pala infairness  halos perfect ang pagkaluto  , nagsimula na kaming kumain nang mapansin... ko asan pala si Mama?

bunso , si Mama? Hindi siya tumigil sa pagkain Pero nakatingin ako sa kanya nakakatawa ang lakas kumain ang liit naman nang katawan  ahmmmm siguro lahi talaga kami nang payat hahah

Maaga umalis si Mama , pumunta nang palengke para madami siyang mabenta na isda may mga bagong bagsak daw   napatigil naman ako sa pangnguya nang pagkain ko , kumain na kaya yun?

Bunso , bilisan mo diyan at pagkatapos mag ayos ka na , sasaglit tayo Kay nanay papuntang school dalhan lang natin nang pagkain pagkasabi ko ay binilisan na namin ang kilos at matapos ang 45 minutes ay umalis na kami

Ganito talaga kami ni Coleen Sabay kumain at Sabay din pupunta nang school minsan pati si Mama kung hindi siya maagang pumupunta sa palengke  , dapat bantayan to si bunso Dami  kasing umaaligid dito mahirap na Baka may mangligaw , baby patong bunso ko

------_-----------------------------------
-------------------

Ma! Tawag ko Kay mama na dahan dahang nilalagay sa mesa na gawa sa semento ang mga isda na ititinda niya

Oh! Ba't kayo nandito Vhong ?! , mangangamoy isda pa kayo dito. Pinahid niya ang kamay niya sa sout niyang apron para makapag mano kami

Dinalhan lang po namin kayo nang agahan Ma ! Kasi sabi ni Bunso maaga ka raw umalis , baka di kapa kumakain. Sabi ko na ngumingiti nang malaki sa kanya... kasi Alam ko ang ngiti lang namin ni Coleen ang nagpapawala nang pagod niya

Stuck on you (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon