Vhong's POV
Anong oras na ba? tanong ko sa sarili ko at tumingin sa relo sa loob ng kwarto alas 10 na pala ng gabi , nakatulog pala ako.
Gagalaw sana ako nang may maramdaman akong mabigat sa may balikat ko kaya tinignan ko ito , dahil sa liwanag sa labas inilawan nito ang magandang mukha na natutulog at nakaunan sa balikat ko
Ganda pabulong kong sabi at tinitigan ko lang siya ... at iniisip kong pano ako naging maswerte na kasama siya
You can take a picture kung gusto mo nagulat ako nang biglang nagsalita si anning , gising pala to ?!
g-gising ka pala? nahihiya kong tanong
yeah , and I know na maganda talaga ako natatawa niyang sabi at yumakap sa akin ng napakahigpit
ikaw talaga nakangiti kong sabi
Sarap ng ganito , just the two of us sabi niya habang sinisiksik ang mukha niya sa dibdib ko
Oo nga di natin masyado nagagawa to sagot ko naman
Okey lang naman , just be well then happy na din ako nakangiting niyang sabi at tumingin sa akin
nagkatitigan kami , alam ko na maganda ang mata niya pero mas gumaganda ito ngayon , tinignan ko ang ilong niya matangos , cute ... napunta ang mata ko sa mapula niyang labi ... Ano ba tong iniisip ko ? , binalik ko ang mata ko sa mata niya at nagkatitigan ulit kami
why? tanong niya
swerte ko at kasama kita pabulong kong sabi , magkalapit ang mukha namin
and we will be more lucky to spend our lives together nakangiti niyang sabi
di ko na napigilan , nilapat ko ang labi ko sa malambot niyang labi , nakita kong pumikit siya at pumikit din ako , hindi namin to first time na ginawa ni anne pero ewan ko sa tuwing hinahalikan ko siya parang first time lang , palaging may spark at kilig. nagtagal ng mga ilang segundo ang posisyon namin at napagdesisyunan na kailangan na naming huminga
I love you sabi ko sa kanya
I love you sagot niya at yumakap ulit sa akin ng mahigpit
Kuya ? ate anne? dinig naming tawag sa labas ng kwarto
Umupo naman ka agad si anne at binuksan ang pinto , si bunso pala kasama si ...... billy
Kayo pala bati ni anne sa kanila
Kasi late na di pa kayo kumakain eh kaya ginising na namin kayo nakangiting sabi ni bunso
si kuys ? gising na ba ? tanong naman ni billy
Yeah , pasok muna kayo yaya sa kanila at pumasok naman sila naka akbay pa si billy kay coleen
kuys ! musta tulog? ngiti niyang bati pero di ako sumagot at nakatingin kung asan ang kamay niya , napansin niya kaya agad niya nilagay sa bulsa ang kamay niya
kuya kain na kayo nakangiting sabi ni Coleen , dahan dahan akong umupo tinulungan ako ni billy na tumayo
yung iba? tanong naman ni anne
nasa baba ate , nanonood ng movie sagot ni Coleen
ahhh , sige tara sagot naman ni anne
bumaba na kami , andun nga ang iba sa may sala may popcorn pa sila , dumeritso na kami sa kusina para maka kain
BINABASA MO ANG
Stuck on you (Complete)
RandomAno ang gagawin mo kung magising ka sa katawan nang isang tao na Hindi mo kilala ...