Continuation...
N-Niko? utal kong sabi
Hi kuya Vhong, kumusta po? nakangiti nitong bati at tumayo ito at humarap sa akin
Bakit ka andito? gulat kong sagot
bawal po sabihin ehhh sagot nito
eh , ikaw lang ba mag isa? tanong ko sa kanya at tumango naman siya
sige , alis na ako ha sabi ko sa kanya at umakma na na umalis
Kuya Vhong , pwede ba ako sumama sayo? tanong nito habang nakahawak sa kamay ko
huh? bakit? nagtataka kung tanong habang nakatingin sa kanya
wala po kasi akong mapupuntahan , sama nalang ako sayo ngiti nitong sabi
huh? di pwe-- hindi niya ako pinatapos
sige na po , promise magpapakabait ako sabi ntio at nag promise sign
hay! kumain ka na ba? tanong ko sa kanya , umiling naman siya
dahil nga di pa siya kumain dinala ko siya sa jollibee pero siya lang ang kumakain kasi kasali to sa bawal sa akin eh. Pinagmamasdan ko lang siya , ang saya niyang tignan habang kumakain , may magic talaga tong jollibee sa mga bata
kuya Vhong , ayaw mo po ba? tanong ni Niko sa akin at inoffer ang manok na hawak niya
hindi , busog pa ako , sayo na yan nakangiti kong sabi, tumango naman siya
bakit ka ba bumalik ? curious kong tanong
ehhh ,bawal nga po sabahin sagot naman nito at nagpatuloy sa pagkain
sige na nga, may matutulugan ka ba? tanong ko ulit sa kanya
opo , meron nakangiti nitong sagot
mabuti naman , saan? pabalik kong tanong
sa inyo po sagot niya , siya ang kumakain pero ako ang nabilaukan
ano? sa amin? gulat kong tanong
opo ,pleaseee pagmamakaawa nito
di mo ako madadala diyan sabi ko
sige na po , ikaw lang kasi at si ate anne ang mapagkakatiwalaan ko po sabi nito habang nakapout
sige na , sige pero wag kang malikot okey? strikto kong sabi
opo! nakangiti nitong sagot
pagatapos niyang kumain , may nadaanan kami na dirty ice cream at binilhan ko siya , sarap na sarap naman siya ... mag aalas 5 na nang makauwi na kami sa bahay at sigurado ako na naka uwi na sina coleen at mama kaya pumasok na ako
andito na po ako bati ko sa kanilang dalawa na napatigil sa paglalakad sa loob ng bahay
hay bata ka! saan ka ba galing?! ha? bakit ang tagal mo umuwi ? di ka man lang nagtext o tumawag kung as n ka! Nag aalala kami sayo akala namin kong ano na ang nagyari sayo inis na sabi sa akin ni mama na may luha sa kanyang mata
sorry po , nawala po kasi sa isip ko ang oras , sorry po ma , bunso sabi ko habang nakayuko
kuya naman ehhh... wag mo na ulit gagawin to iyak na sabi ni Coleen
BINABASA MO ANG
Stuck on you (Complete)
RandomAno ang gagawin mo kung magising ka sa katawan nang isang tao na Hindi mo kilala ...