Billy's POV
sa totoo lang di pa talaga ako tapos kumain pero nag aalala ako kay Kuys ganun din si Viceral kaya minabuti kong sundan siya , pagdating ko sa harap ng kwarto no Vhong di na ako kumatok , pumasok na kaagad ako pero wala siya sa kwarto niya , napalingon ako nang may narinig ako sa banyo , bukas ang pinto nang banyo kaya dumaritso na ako
pagpasok ko andun si Vhong , akap akap ang inidoro habang sumusuka , grabi din ang pawis niya , basang basa ang likod niya... bakit nangyayari na naman?!
Kuys! pumwesto ako sa likod niya at hinaplos haplos ang likod niya , sumusuka parin siya nang matapos na siya tumingin siya sa akin pero nagulat ako nang ningitian niya ako.... ito na naman siya
okey lang ako sabi niya sa akin na nakangiti
di ka okey Kuys! nangyayari na naman! padoctor na tayo nag aalala kong sabi sa kanya
di na , dahil lang siguro to sa mga kinain ko nakangiti parin siya, siraulo ba siya?!
Vhong! baka ano ang mangyari sayo! medyo napalakas na ang boses ko
Billy , please wag mo na ngayon e enjoy muna natin tong bakasyon natin nawala ang ngiti niya at nakikita ko na may luha na tumutulo sa mga mata niya
Vhong... mahina kong sabi
pagkatapos nito pangako pupunta ako kay teddy magpapachck up ako ngayon may panginginig na ang boses niya
di na ako sumagot , niyakap ko nalang siya at hinayaang dalhin siya ng emotion niya , kahit noon ganito siya sasabihin niya na okey ang lahat pero sa huli makikita parin ang takot sa kanya.
Mag ayos na tayo sabi niya at tumayo , inalalayan ko siya sa pagtayo kasi pagewang gewang kasi siya
kaya mo ba? tanong ko
Oo , kaya! ngayon nakangiti na ulit siya
alis na , baka gusto mong sumabay sa akin sa pagligo natatawang dugtong nito
loko! , sige na ... umayos ka ! seryoso kong sabi
Opo! nagsalute pa ang mokong at lumabas na nga ako ng kwarto niya
paglabas ko nagulat ako kasi nakasandal si Vice sa harap nang kwarto , nakayuko ito ... napatingin siya sa akin
ano nangyari? alalang tanong nito
Si kuys kasi panimula ko
Bakit? bumalik ba? alala niyang tanong ngayon ay nakayuko na siya
h-hindi ko alam... pinilit ko siya nag mag pacheck up kay teddy pag uwi natin sagot ko sa kanya , tumingin siya sa akin , umiiyak pala siya
pano kung bumalik , billy? nanginginig ang boses niya
Relax lang Vice , wag tayong mag isip na ganyan ... wag natin ipakita kay Vhong na takot tayo okey? seryoso kong tanong sa kanya at tumango naman siya
mag handa na tayo sabi ko , pumunta na kami sa mga kwarto namin at naghanda na sa joyride namin
nagdaan ang 30 minutes nasa labas na kami , inistart ko na din ang van para ready na ... isa nalang ang hinihintay namin , asan na ba siya?
sorry , natagalan ako bati sa amin ni Vhong
Okey lang ... okey ka na ba? tanong ni Anne , napatingin naman si Vhong sa amin ni Vice
Oo , okay lang ako , tara na sagot ni vhong
pumasok na kaming lahat sa van ako ang ang nasa driverseat tapos sa passenger seat naman si Vhong at yung tatlo nasa likod sila , ang ingay nga nila , si Vhong naman sumasali din siya sa usapan at pati rin ako
habang naghaharutan ang tatlo napansin ko naman si Vhong na biglang natahimik sa tabi ko nakatingin lang siya sa labas na para bang ang lalim ng iniisip niya
psst tawag ko sa kanya pero di ata ako narinig
pssssst tawag ko ulit , pero ngayon tumingin siya sa akin na parang gulat
ayos ka lang? tanong ko sa kanya habang nag dadrive
ayos lang maikling sagot nito at bumalik ulit ang tingin sa labas
hmmm sana wag na bumalik yung dati , kasi ang sakit makita si Kuys na ganon , kapatid ko na to si Vhong at di ako papayag na makita ulit siya na ganon
Vhong's POV
Kasalukuyan kaming nagroroadtrip nang barkada , gusto ko e enjoy to pero hindi mawala sa isip ko ang nangayari kanina , Oo natatakot ako pero kailangan ko maging malakas para sa sarili ko at para sa pamilya at mga kaibigan ko
Billy , stop mo sandali , bili tayo strawberry at ube taho sabi ni anne , agad namang tumigil si Billy sa pagmamaneho
bumili na nga sina anne , bumili din ako pero strawberry lang sabi kasi ni Teddy okey lang daw ang strawberry sa akin to pero di pwede yung strawberry talaga kasi daw baka may residue nang pesticide
inenjoy muna namin ang taho namin at nagstay muna dito , di ko alam kung anong lugar to pero madaming pines pero marami namang pines ang baguio ehhh
sarap talaga nito sambit ni Kaye
Oo nga sayang walang ganito sa manila nakapout na sabi ni Anne ang cute niya.... ayan na naman yang cute mamaya niyan iba na naman
Marunong ako gumawa nito plain kong sabi, lumingon sila sa akin
marunong ka? sabay nilang tanong
Oo , tinuruan ako ni mama kasi mahilig si mama gumawa nang mga ganito sagot ko
gawa tayo sabi naman ni Anne
sige , gawa tayo pag uwi natin sa maynila nakangiti kong sabi
nagtatalon naman silang dalawa ni kaye , ganito ba nila ka paborito tong strawberry taho ?
tara na guys , balik na tayo sa joyride natin yaya ni Billy
sumakay na kaming lahat , nag ikot ikot lang kami alas 6 na nang makauwi kami kila anne , kumain na din kami sa byahe , pagdating namin di ata nakaramdam nang pagod tong mga to nag yaya pa na mag movie marathon
A walk to remember talaga? cheesy sambit ni Billy
Che! ganda kaya niyan sagot ni kaye
bakit sinabi ko bang hindi? pailing na sabi ni Billy
shhhh , wag na kayong maingay , nasasttart na inis na sabi ni Anne
nanood na nga kami , gusto ko din tong movie na ito , ganda nang story nila pero sana lang wag mangyari yan sa akin ... naalala ko na naman hmmm
why? tanong sa akin ni Anne , nakatingin pala siya sa akin
w-wala sagot ko
unan ka lang dito kong gusto mong humiga nakangiti niyang sabi at tinuro ang binti niya , sakto sakit na nanglikod ko kaya humuga ako , tumingin ako kay anne nakangiti parin siya
BINABASA MO ANG
Stuck on you (Complete)
RandomAno ang gagawin mo kung magising ka sa katawan nang isang tao na Hindi mo kilala ...