35

131 5 0
                                    

Billy's POV

nandito padin kami sa hospital , hindi padin nagigising si Kuys Vhong mag 2 oras na siyang tulog pero sabi naman ni Teddy mas maganda para makapagpahinga daw ng mabuti si Vhong . Andito na din sina Jasmine at kaye andito na din si Coleen pero nasa labas lang siya 

Nasabi na din namin sa kanila ang sinabi ni teddy kanina , napuno ng iyakan at pagkatapos tahimik na ulit na para bang sinasarili namin ang lungkot at ayaw ipa alam sa lahat , kaming lahat ay nakatingin lang kay Vhong na para bang ayaw namin mawala siya sa paningin namin

Nabuhayan ang lahat ng biglang gumalaw si Kuys Vhong at unti unting minulat ang mata niya , tumabo agad ang lahat sa tabi niya ako naman ay lumabas ako para tawagin si Coleen

Leen , gising na ang kuya mo mahinhin kong sabi sa kanya , tumingin siya sa akin at halata na umiiyak parin siya kaya sinara ko ang pinto at sinamahan muna siya sa labas

okey ka lang? tanong ko sa kanya

Mabait naman na tao si Kuya , bakit siya pa ang binigyan ng sakit na ganito? iyak na sabi ni Coleen

Kahit ako ay ganyan din ang tanong, pero kailangan tayo ng kuya mo ngayon sabi ko sa kanya at inakap siya

Di ko kayang wala si kuya sa pagkasabi niya nun ay humagolhol na siya sa pagiyak at naiyak na din ako

tayo ang lakas ni Vhong ngayon, kailangan nating ipa kita sa kanya na matatag tayo ... Magpapakatatag para sa kanya okey? sabi ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisnge niya , tumango naman siya

wag kanang umiyak , malulungkot si kuys pag nakita ka niyang ganyan nakangiti kong sabi at pinunasan ang luha sa mga mata niya

pasok na tayo , baka hinahanap na tayo nun yaya ko sa kanya at pumasok na kami sa loob


pagpasok namin naapaligid padin ang lahat kay kuys , si Niko naman nakahiga sa tabi ni Vhong , kahit nahihirapan na si Vhong pinapakita niya parin ang ngiti niya sa lahat

kuya! bati ni Coleen kay Vhong

San ka galing bunso? tagal mo naman nakangiting sabi ni Vhong , lumapit naman si Coleen sa kanya at inakap ang kapatid

kamusta ang pakiramdam mo? tanong ni Coleen kay Vhong

Okey lang ako sagot nito at nakangiti parin

Kuys may gusto ka bang kainin o ano? tanong ko sa kanya

Ayos lang kuys , gusto ko lang umuwi sagot nito

Kuya Vhong , binilhan ako ni Ate Anne ng maraming damit at mga laruan masayang sabat ni Niko 

Talaga? gaano ka dami? masiglang tanong ni Vhong

Madaming madami po , nahirapan nga akong dalhin eh sagot naman ng bata

napagastos ka ata anning  , pagpasensyahan mo natong bata na to sabi ni Vhong kay Anne habang ginugulo ang buhok ng bata

Para naman sa baby Niko ko , kaya okey lang nakangiting sagot ni Anne

ang spoiled naman ng bata na iyan malokong sabi ni Viceral

syempre baby ko ata yan nakangiting sagot ni Anne

Hello napatingin kaming lahat sa taong pumasok

Teddy bati ni Vhong

kamusta ang pairamdam mo insan? tanong ni Teddy kay Vhong at lumapit dito

Maayos naman , may balita ba? pabalik na tanong ni Vhong

Gagawa kami ng test bukas para malaman natin kung ano ang pwede nating gawin para bumagal ang pagkalat ng sakit mo sagot ni Teddy

Anong oras po kaya , kuya? tanong ni Coleen

Umaga  bago ka kumain , wag ka muna uminom ng tubig pagkagising mo bukas , magfafasting ka simula alas 10 ngayong gabi hanggang bukas ng umaga okey?  sagot ni Teddy , tumango naman si Vhong at tumango din kaming lahat

Pwede ba kami mag stay dito teddy? tanong ko kay Teddy

Oo , sinabihan ko na si mommy , pumayag siya na magstay kayo dito nakangiting sagot ni Teddy

Buti nalang may damit ako sa sasakyan sabat ni Kaye

ako din haha sabi ni Anne

ako kailangan ko umuwi , wala kasi akong dala eh malungkot na sabi ni Jasmine

It's okey jas ... balik ka nalang bukas ng umaga sagot ni anne at tumango naman ang kapatid

at tyaka insan pagkagising bukas may surprise ako sayo nakangiting sabi ni teddy

Ano yun? tanong ni Vhong na halatang excited

Surprise nga ,, basta bukas na , sure ako magiging masaya ka sabi ni Teddy di na din namilit pa si Vhong


nagkwentuhan lang kami , ginagawa namin lahat para mataas ang energy sa kwarto at para din di makaramdam si Vhong ng lungkot . kung ano katahimik kanina ay siyang ingay naman ngayon


Viceral's POV

Mag hahating gabi , nakatulog na din si Vhong katabi niya si Niko na nakatulog na din . si Kaye , anne at jasmine nasa extended sofa nakahiga kami ni Billy nakaupo sa sofa malapit sa bintana , si tita naman nasa isang corner ng kwarto pinagiram kasi siya ni teddy ng folding bed 

Vice , tulog ka na? sabi ni Billy

Di pa , bakit? pabalik kong tanong

Kape tayo yaya niya sa akin , tumango naman ako at lumabas muna sa hospital at pumunta sa malapit na starbucks


mabuti nalang wala masyadong tao kaya madali lang kami naa order , pagkatapos naman mag order umupo kami malapit sa labas kasi daw gusto daw ni Billy magpahangin

Vice , mawawala ba si Vhong sa atin? malungkot na niyang tanong sa akin at dahil sa tanong na iyon napatingin ako sa langit

ayaw kong isipin .... di ko kaya sagot ko nakatingala parin sa langit

Pagkatapos nun biglang tumahimik , para bang ayaw na naming magtanong kasi alam din naman namin na masasaktan lang kami sa bawat sagot na maririnig namin, tahimik lang namin iniinom ang kape namin sa totoo lang hindi ko pa nakita si billy na ganito katahimik at ganito kalungkot .

Naalala ko sa kwarto din kung asan si Vhong ngayon doon ko din siya nakitang umiyak ng sobra panimula ni Billy , nakikinig lang ako sa kanya

Grabe ang iyak niya nun, halos mahimatay na siya ... Idol niya kasi  si tito pero yun lang maagang nawala dugtong ni billy , nakikinig lang ako at di nagsasalita

siguro kung nandito pa si tito , di matutulog yun hanggang hindi niya napapagaling si Vhong o kaya hindi aalis yun pag hindi niya makita na nakangiti si Vhong , kasi diba sabi niya si Vhong ang Junior niya malungot na sabi ni billy

Oo nga , nang nawala si tito , alam kung nawalan din si Vhong ng taong iniidolo niya sabi ko , tumingin ako kay Billy na dahan dahang iniinom ang kape niya

ang hirap isipin na baka dadating ang panahon na mawalan din ng iniidolo si Coleen at Niko nakayukong sabi ni billy


Pagkasabi niya nun, naluha siya at naluha na din ako ... marami nang pinagdaanan si Coleen simula nung nawala ang papa nila , nung unang nagkasakit si Vhong at ito na bumalik ulit ,pero alam ko si Vhong din ang dahilan kung bakit naging matatag at malakas si Coleen 






Stuck on you (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon