29

125 5 0
                                    

Vhong's POV

Pagdating namin sa bahay , nagpasya ang barkada na magstay sandali sa bahay para daw mapagusapan yung mga dapat pag usapan namin

Kailan mo balak bumalik sa school? tanong sa akin ni Kaye

Siguro sa susunod na lunes , ayaw ko din makamiss ng marami sa klasi nakangiti kong sagot

pwede ka na nga di bumalik eh, 3 weeks nalang bakasyon na natatawang sabi ni Viceral

Puro ka talaga kalokohan Vice sabi ni billy at binatokan si Viceral

basta , yung vacation natin ha... one week lang tayo dun pero wala pang date kung kailan sabat ni Anning

Siguro mas maganda kung 2nd week natin gawin suggestion ni kaye

Oo nga kasi ang sched ng chemo ni Vhong is 2 times sa 1st week then ang sunod nun is sa 3rd monday of the month so okey na okey ang 2nd week sabi ni Viceral

Sige 2nd week of may , tayo !!!! ngising sabi ni Jasmine


Nagstay pa sila ng ilang oras sa bahay pero napagdsesisyunan na din nila na umuwi narin babalik nalang daw sila bukas pagkatapos nila sa school

Kuya,inayos ko na yung bed mo! nakangiting sabi sa akin ni Coleen

di naman , madumi yon ehhh panginis ko sa kanya

hmp , binigay ko ang ibang unan ko sayo diba gusto mo madaming unan ngiti niyang sabi

Ikaw talaga, hali ka nga dito sabi ko sa kanya , lumapit naman siya at niyakap ko siya ng mahigpit


di lang ako nagsalita , niyakap ko lang siya ... alam ko na nahirapan siya noon dahil sa sakit ko at ito na naman , mararanasan na niya naman .... habang nakayakap ako sa kanya naramdaman ko na parang may basa sa damit ko kaya bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan ito , umiiyak ang kapatid ko 

bakit ka umiiyak? malungkot kong tanong sa kanya 

ayaw ko naman talaga umiyak pero natatakot ako sabi niya habang patuloy sa pagluha

takot? saan? tanong ko ulit sa kanya

sa pwede mangyari ....... kuya promise mo ha lalaban ka , magpapagaling ka ... okey? sabi niya sa akin at yumakap ulit

Kailan ba hindi lumaban si kuya? mahinhin kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang bohok niya

Tigil niyo nga yan , pati ako naiiyak sabat naman ni mama


bumitaw ako sa pagkakayakap ay bunso at lumapit kami kay mama na may mga luha narin , masakit sa akin na makita silang ganito pero ang magagwa ko lang ngayon ey ipakita sa kanila na lalaban ako

Ma, bunso .... tandaan niyo to , kahit ano man ang mangyari , mahal na mahal ko kayo at kailanman hindi yan magbabago  sabi ko sa kanila habang nakalagay ang mga kamay ko sa mga pisnge nila 

Mahal ka din namin anak, hindi ka namin iiwan sa laban na ito sagot ni mama

alam niyo ano ang mas magandang gawin ? kainin yung luto ni mama kasi gutom na ako hahahhaha nakangiti kong sabi 

Oo nga , tigil natin tong ka dramahan natin sabi ni mama at lumakad na papuntang kusina


Viceral's POV

Mommy andito na ako!! sigaw ko pagkabukas ko ng pinto

dinning area , honey! sagot ni mama

Stuck on you (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon