pagdating namin , tahimik padin kami naglalakada papasok , walang nagsasalita .
Oi andito na pala kayo! bati sa amin ni Teddy
Pasensya na natagalan kami nakangiti kong paumanhin
Okey lang, si jugs pupunta na yon dito sagot ni teddy
umupo kami sa sa sofa na nakaharap sa mesa ni teddy , inikot ko ang mga mata ko sa paligid ... huminga nalang ako nang malalim
babalik pa pala ako dito malungkot kong sabi
wala paring imik tong dalawa , si billy direstso lang ang tingin tapos si Viceral naka yuko lang .
so may nangyari ba? tanong sa akin ni teddy
nanikip ang dibdib niya tapos nagsuka din siya sagot ni billy
ano pa? seryosong tanong ni Teddy
yun lang pagsisinungaling ko
Vhong, alam mo na di ko kayang mag diagnose kong magsisinungaling ang pasyente striktong sabi ni teddy
ahmm sumasakit yung ulo ko mahinhin kong tanong , ngayon nakatingin na sa akin si billy at Viceral
diba sabi ko sayo , pag may nararamdaman ka bumalik ka agad dito ? bakit ngayon lang Vhong? inis na tanong ni Teddy
na -- na busy kasi ako sagot ko
mag rurun tayo ng mga test , okey? sabi sa akin ni teddy
pe-- magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si Billy
wag kanang umangal Vhong , gawin na teddy sabi niya
kaya ginawa na nga , kumuha se teddy nang blood sample ko then inexray niya din ako at marami pang iba , dito kasi kay teddy kahit mahal ang ilang test ,mommy niya naman ang may ari nang hospital kay di nila ako pinapabayad ... magkapatid ang mama ni teddy at papa ko
baka bukas nang umaga pa ang result , bumalik kayo bukas nang umaga ha? sabi ni teddy
ako nalang , dadaanan ko papuntang school sabi ko at tumango naman ang lahat
Vhong, mag ingat ka sa mga pinag gagawa mo , sa mga kinakain mo ... alam mo namanang mga bawal diba? sana sinusunod mo parin sermon sa akin ni Teddy
ah, Oo , sinusunod ko sagot ko sa kanya
Hi guys! long time no see sigaw ni Jugs na kakapasok lang sa kwarto napatayo kaming lahat at inakap siya
Kailan ka pa bumalik? tanong ni Billy kay Jugs
last week pa naman , miss ko kayo sagot nito
namiss ka din namin... wala man lang bang pasalubong? ano ba yan?! tawang sabi ni Viceral
syempre meron , ito ou mga chocolates ... meron ka din Vhong pero kunti lang sayo kina tita at coleen yan okey? nakangiti niyang sabi at tumango ako
babalik ka pa ba ng amerika ha? tanong ko
di na muna , dito muna ako , mas gusto ko kasi dito ... nakakapagod kaya mag english don natatawa niyang sagot
buti naman sabi ko
labas naman tayo minsan , kung wala kayong pasok yaya niya sa amin
BINABASA MO ANG
Stuck on you (Complete)
RandomAno ang gagawin mo kung magising ka sa katawan nang isang tao na Hindi mo kilala ...