3rd person's POV
Boss , pinatawag mo daw ako? sabi ng bata na nakaputi
Naalala mo ba si Anne at Vhong? tanong ng lalaki na matangkad
ahh opo , sila po yung huling misyon na binigay niyo po sa akin sagot nga bata na nakangiti
sila din ang magiging bago mong misyon sagot ni Boss
po? diba okey na sila ? nagtatakang tanong ng bata
Oo , pero may pagdadaanan sila na mas mahirap , ikaw ang magiging gabay nila sagot ni Boss
ahh ganon po ba , sige po tinatanggap ko po ang misyon nakangiting sagot ng bata
Niko tandaan mo , may masasaktan , may luluha pero sa iyong haplos ito ay mapapawi at mapapalitan ng kaligayahan at sigla wika ni boss at hinaplos ang pisnge ni niko
po? tanong ni niko na naguluhan sa sinabi ng boss niya
wag kang mag alala , maiintindihan mo din sagot ng boss niya
nanatili ang bata na si niko sa kintatayuan niya at inisip ang sinabi ng kanyang boss , pero ni anong sagot ay walang pumasok sa kanyang isip pero ang saya na kanyang nararamdaman sa pag giging gabay niya kina Anne at Vhong ay di mapapantayan
ang saya sila pa din ang misyon ko haha wika nito sa sarili
Vhong's POV
Kuya? saan ka pupunta? nagtatakang tanong ni Bunso
nakabihis kasi ako kasi balak kung pumunta ng school para bisitahin si Anne at ang barkada 3 araw na din kasi nung huli silang dumalaw sa akin kaya ako naman ang dadalaw sa kanila
pupunta ako sa school , sasabay na ako sayo nakangiti kong sagot
kuya diba dapat nagpapahinga ka inis na sabi ni Bunso
mas lalala ako dito sa bahay , boung araw lang ako nakahiga palusot ko
pero yun ang sabi ni kuya teddy , baka ma pano ka sa labas sabi nito
okey lang ako , wag kang mag alala okey? tara na baka ma late ka pa nakangiti kong sabi sa kanya at wala na siyang nagawa
pagdating namin ng school hindi dumiritszo si bunso sa building niya gaya ng dati . simama siya sa akin na pumunta don sa tambayan ng barkada na sakto naman na andon na ang lahat
hi guys! bati ko sa kanila , nakita ko naman na nanglaki ang mata nila ng makita ako
Vhong!!!!! ano ginagawa mo dito?! inis na sabi ni Viceral
Vhongskie bakit ka pumunta dito? dapat nagpapahinga ka sa bahay sabi naman ni anning na agad akong niyakap ng mahigpit
Kuys ! ayan kana naman nagpapasaway kana naman! inis na wika ni Billy
sinabihan ko na nga siya na wag umalis eh pero ang tigas ng ulo sabat naman ni Coleen
Eh kasi nakakabagot na sa bahay at namiss ko na kayo nakangiti kong sabi
Kahit na Vhong, you should just text us or call sagot ni Karylle
Sorry na , di niyo ba ako namiss? nakapout kong tanong
syempre namiss ka namin Vhongskie, pero di kana dapat pumunta dito , baka mapagod ka sabi ni Anne
Okey lang naman ako sagot ko
eh andito kana wala na kaming magagawa inis parin na sabi ni Viceral
nga pala anning at kaye , kumusta na yung project niyo? tanong ko sa dalawa
It's all done , mahirap pero natapos naman sagot ni kaye
yeah , buti nalang I dont suck in math natatawang sabi ni Anning
mabuti naman kung ganon sagot ko habang yakap yakap padin si anning
papasok ka na pala next week kuys sabat ni billy
Oo nga maiksi kong sagot
kaya magpahinga kana ng mabuti sabat ni Viceral
tumango nalang ako , mayamaya pa ay kailangan na nilang pumasok kasi magsisimula na ang klasi nila ako naman napagdesisyunan ko na maglakad lakad muna kasi namiss ko din maglakad lakad eh at tumingin sa mga magagandang madadaanan ko .
napa hinto ako sa isang lugar na matagal tagal ko na din di napupuntahan , siguro namiss na ako nito
Pumasok ako sa isang pinto na gawa sa matibay na puno na may anghel na desinyo , pagpasok ko ay nilapitan ko siya agad at umupo sa harap niya
kamusta ka na pa? wika ko sa puntod na nasa harap ko
siguro nagtatampo ka sa amin , pasensya ka na ha kung ngayon lang ako nakabisita , ano balita diyan pa? alam mo pa , namiss na kita , namiss ko yung kakulitan mo at ang pag papatawa mo sa amin tuwing nagkakasakit kami ni bunso ... pero wag kang mag alala pa , malapit na ang reunion nating dalawa , hintayin mo ko diyan ha? nakangiti kong wika , di naman ako parang baliw dito kasi nasaloob ako ng museleo na pinagawa namin para kay papa
nag stay ako , inikot ko ang paningin ko sa loob ng museleo , brown ang marble na napili namin kasi ito ang favorite color ni papa
saan mo ako gusto pa? gusto mo ba diyan ako sa tabi m?o o dito ako sa kabila? nakangiti kong sabi
parang yung sabi mo sa akin pa na magiging sikat ako na artista , di na ata magyayari yun dugtong ko
Kinuha ko ang dala dala kong bag at kinuha ang heartbeat na bracelet at sinout ito sa kanan kong braso
ito yung huling regalo mo sa akin , nakaklungkot kasi malapit na to mag flat line naluluha kong sabi
pero , gaya ng sabi mo sa amin ni bunso noon , hindi madidiktahan ang buhay ang magagawa lang natin ay tinggapin ang lahat .
pagkatapos kong magstay doon ng mga 2 oras , nag paalam na din ako kay papa at umalis na , pero nabigla akong nang paglabas ko may nakita akong bata na naka upo sa may hagdan , nakasandal ang ulo nito sa piste ng museleo at may dala siyang bola , halatang di naman siya natutulog kasi nilalaro niya ang bola na dala niya .
lumapit ako sa kanya , habang lumalapit ako nagiging pamilyar sa akin ang bata pero di ko ma alala kong sino pero parang pamilyar siya sa akin.
Bata? ayos ka lang ba? nawawala ka ba? tanong ko sa bata , nagulat ako nang lumingon ito
N-Niko? utal kong sabi
Hi po , kuya Vhong , kamusta po? nakangiti nitong sabi at tumayo ito at tuluyang hmarap sa akin
bakit siya andito?
BINABASA MO ANG
Stuck on you (Complete)
RandomAno ang gagawin mo kung magising ka sa katawan nang isang tao na Hindi mo kilala ...