Prologo

51 3 0
                                    

They say that a memory is more genuine if we keep them etched into our mind. Sabi nga ng isang kaibigan ko, minsan hindi mo kailangang kunan ang isang pagkakataon para matandaan, mas maganda kung itatatak sa isipan. But I say otherwise, siguro dahil passion at kasama na din sa trabaho, pero for me I love capturing moments because people tend to forget. Nakakalimutan nila na sumaya din sila, minsa'y nalungkot, lumuha, at nakaahon. Para kasing common reflex na ng mga tao kapag may problema, yung nalilimutan ang ibang bagay, Its not that I'm bragging on how I handle every problems easily but I do choose to look at the brighter side, pilit kong hinuhukay ang masasayang pagkakataon para hindi ako humalagpos sa reyalidad na minsan ko ng tinalikuran.

"Okay Em, that's good , yeah show some fierce in there, you're doing good" sabi ko sa isang modelong kinukunan ko ng litrato para sa cover page ng isang magazine.

"One last shot Em, give me your best, and that's a wrap people!" I walked towards Em after announcing na tapos na ang photoshoot.

"Thanks Em, you've done good back there, hope to work with you again" sabi ko sa kanya when in fact I would not rather if possible, pano ba naman 1 week ang tinagal ng dapat 3 days na photoshoot dahil sa dalas nyang pag-cancel, kesyo busy daw ganyan, pero sa ig stories nya panay ang punta sa mga bar.

"Thanks Prima always the pleasure to work with you too, see you again soon and don't forget to include this to your ig feed, alam mo naman na lapitin ng endorsers ang mga naipo-post mo dun" sabi nya at nakipag-beso sa akin.

"Of course, anyways take care" sabay yakap ko sa kanya. I felt a little bad for being a plastic to her pero kasama na to sa trabaho ko, ang pakisamahan ang mga models kahit madalas mga feeling queen bee, mas madali din sakin ang ganito para sa maayos na flow ng shoot. Besides, if she showed professionalism from the start maybe I'd treat her better.

After the goodbyes, I went to the monitor connected to my camera to pick the best pictures. I also included the ones I'm gonna post on my instagram. Nakagawian ko na rin kasi na mag-post ng mga litrato na galing photoshoots na ako mismo ang kumuha. Being one of the successful international photographers really has its perks, if ever I post a model, kadalasang kinukuha silang mga endorsers and pang-cover page. Hindi rin ako masyadong maarte kahit male models. Hell! I even captured nudes para sa mga lalake in my past works.

"Alfy, what is my schedule for this week?" tanong ko sa assistant/friend kong bakla. Monday ngayon, and I usually review my sched sa araw na ito after my first activity to see kung may adjustments.

"You have a meeting later with the editor of the magazine featuring Em at three pm, dinner with your family at seven in the usual place. Tomorrow, you'll have an early photoshoot for a clothing line at 6 onwards, it is for the summer season kaya sa beach sya, at Wednesday naman you have to visit the studio to pick out pictures with three different magazines, it goes until 4 pm, then 5 pm yung siningit mong photoshoot, nightlife ang theme kaya sa streets ang set, Thursday you have 3 consecutive photoshoots for an accessory, footwear and make-up advertisement, Friday you'll have to attend a half day seminar hosted ng alma mater mo and at Saturday you'll have a photoshoot with a hotel and resorts owner/CEO who will be featuring in a magazine you--"

"Wait, what? Saturday? I thought sinabi ko na clear up my sched this coming weekend kasi pupunta ako sa ancestral house namin sa Cebu?" putol ko sa pagsasalita ni Alfy.

"Well, mars siningit kasi to ni Wendy, ito ata iyong favor na sinasabi nya sayo last week nung mag-bar tayo? Saka sa Cebu din ang venue ng shoot na to, Oslob specifically, kaya naman I've been meaning to ask you kung isasama mo pa ako or you can handle it alone, may mga staffs namang available dun at may personal na lakad ka ring aasikasuhin" paliwanag niya.

Captured and Saved (Artist Series #1)Where stories live. Discover now