Image 3

12 3 0
                                    

Kalahating oras na kaming bumibyahe sa una naming destinasyon, ang San Fernando Rey Parish Church pero wala pa rin ni isang salitang lumalabas sa amin. Medyo nahihiya rin kasi akong mag-initiate ng conversation, nag-iipon pa ako ng lakas ng loob at pasensya sa mga maiikli nyang sagot. Lulan kami ng sasakyan nyang Aston Martin dahil  nag-presinta syang dalhin ang sasakyan nya ng malamang balak kong mag-commute na lang kaming dalawa.

"Can I turn on the radio?" tanong ko nang hindi na makayanan ang katahimikin. He just nodded as an answer.

"Is it okay if I ask you questions? Mukhang mahal kasi ang bawat salita mo e" I subtly joked. He just shrugged as an answer, this is frustrating me!

"Where are you originally from? Dito rin ba sa Cebu?" masigla kong tanong, baka sakaling mahawaan ko sya ng pagka-hyper ko.

"Oslob" tipid nyang sagot.

"Ilang taon ka na?" sunod kong tanong.

"Twenty-five" seven years lang pala ang tanda nya sakin, hindi na masama, si daddy nga e ten years ang tanda sa mommy.

"Seven years lang tanda mo sakin, pwede pa kitang jowain don't worry" I jokingly replied but he didn't gave a response even just a shrug from before.

"Anong tinapos mong kurso?" medyo nawawalan na rin ako ng gana magtanong sa kanya.

"Business Management" sa puntong ito hindi ko na alam ko alin ang mas nakakainis iyong kinakausap mo pero hindi sumasagot o yung isang tanong, isang sagot na para bang napipilitan ka lang kausapin.

"May business ba kayo?"

"Yes"

"May kapatid ka ba?"

"Yes"

"Are you the eldest then?"

"Yes"

"Ikaw ba nagma-manage ng business nyo?" kanina ko pa napapansing puro yes lang ang sagot nya.

"Yes"

"Gusto mo ba ako?"

"Yes----wait what?!" pasigaw nyang sagot. Napahagalpak naman ako ng tawa sa sagot nya.

"Pft, you should've seen your face" natatawa ko pa ring sabi. Kinunotan lang naman nya ako ng noo na lalong ikinasiya ko.

After that ay hindi na ulit ako umimik at tanging tunog na nanggagaling lamang sa radio ang maririnig hanggang sa makarating kami sa simbahan.

Pagkababa namin ay agad ko siyang iginaya papasok ng church at umupo sa upuan sa may bandang likod. It's interior is simpler than those churches with majestic drawings in the ceilings, nevertheless the church exudes solemnity that is why I loved our Sunday masses here whenever I happen to be in Liloan.

"Beautiful right?" baling ko kay Sebastian matapos pumikit sandali upang umusal ng maikling dasal.

"Yeah its simply beautiful" sagot nya habang ang tingin ay nasa akin. Hindi ko tuloy alam kung alin ang tinutukoy niya, ang simbahan ba o ako?

"This church is unique dahil ito lang ang simbahan sa isla that faces west and the fact that it does not face the sea, unlike many other churches in Cebu. Alam mo bang nababalot ng maraming misteryo ang simbahang ito? It is said that there is supposed to be a cave at the back of the altar that is full of ancient treasures and that a sea creature protects it. But it remains uncertain if the cave is man-made, but some people think the cave may have been used as an escape route whenever pirates and marauders attacked the town. That's why I think the church is more beautiful because of the stories behind it." pagti-trivia ko bigla, ayos para na talaga ako nitong tourist guide. Tahimik lang naman syang nakikinig sa akin.

Captured and Saved (Artist Series #1)Where stories live. Discover now