I've been pacing back and forth for about 15 minutes now, nandito na ako sa labas ng pinto ng bahay ni Basti pero hindi ko pa ring magawang kumatok.
"Hi Basti! Uy long time no see-, hindi pangit yun, Wazzup bro!How ya doing-, ay para namang siga, Good morning seye bebe-, masyadong pabebe parang duck" I was talking to myself all the while.
I checked my wristwatch and my eyes bulged, dahil 7:30 na pala ng umaga. Pinasadahan ko muna ng tingin muli ang hitsura ko, I am wearing a printed white oversized shirt that almost passed as a dress, underneath is a black denim shorts and just a casual sandals. Kitang-kita ang kaputian ng bint ko dahil sa outfit ko ngayon, baka kasi hindi magalit si Basti pag pinakitaan ko sya ng konting legs, joke lang! Hindi naman mukhang manyak yun si Basti pero kung hindi pa rin tatalab ang moves ko, I might consider seducing him.
I straightened my shoulders, held my head high and did a breathing exercise one more time before finally knocking on the door. Wala pang sampung segundo ay agad bumukas ang pinto na syang ipinagtaka ko dahil matagal akong pagbuksan ng lalaking ito sa tuwing pupunta ako rito.
"Hi!" awkward kong pagkaway. Tinitigan nya lamang ako kaya't lalo akong nailang.
"U-uhm I brought breakfast!" excited kong pagtaas ng aking mga kamay para makita nya ang mga bitbit ko.
He's still staring at me and I keep squirming on where I stand. Maya-maya ay bigla nyang pinisil ang pisnge ko kaya nagulat ako at napasigaw.
"Why did you do that?" I asked bewildered.
"You're real?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Sa sobrang ganda ko ba mukhang hindi na makatotohanan?" nakangisi na ako ngayon. Alleluiah abuela, mukhang gumana ang plano mo.
"For someone who confessed, declared that she'll do anything to make me love her and afterwards disappearing for almost a week, you have the guts to make a joke?" pagsimangot niya na lalo namang nakapagpangiti sa akin.
I invited myself in dahil mukha namang umubra nga ang advice ni abuela sa lovelife ko.
"Sorry na po Mr. de Leon, nagka-emergency sa mansyon e kaya hindi ako nakapunta" I explained while making my way towards the kitchen.
"Why? What happened?" pagsunod nya sa akin
"Uy si Basti concern, kikiligin na ba ako?" sundot ko sa tagiliran niya.
"Its a common response when someone says that, don't be too assuming" panira naman kinikilig na ako dito e.
"My abuela had a mild heart attack kaya naman hindi ako nakaalis ng ilang araw, ang kulit kasi ng isang yun ayaw paawat sa mga gawain, kulang na nga lang e bumuga ng apoy si daddy e" pagsusumbong ko.
"She's just like my grandparents always agitated when they are not doing something even though they can barely do it" he smiled. Napatulala naman ako sa kanya, bihira lamang syang ngumiti at mabibilang ko pa rin yun sa daliri ko and when he smiles he just brights the whole room kaya naman I grabbed my phone and took a picture of him.
"Hey! Did I say that you can take a picture?" pagsusungit nya ulit.
"Huwag kang mag-alala hindi ko ishe-share sa iba to no baka mamaya agawin ka pa nila e. At saka bakit ka ba english ng english? Dudugo na ilong ko sayo " pagrereklamo ko.
"Then don't talk to me" he answered.
"Ay sabi ko nga mula ngayon magbabasa na ako ng english dictionary araw-araw" pagbawi ko.
After setting the table, we started to eat silently, at dahil hindi gaya sa mansyon na may ingay kahit papaano kapag kumakain ay napagpasyahan kong magbukas ng usapan.
YOU ARE READING
Captured and Saved (Artist Series #1)
RomancePrimate Isabela Gomez vowed to change, after her Abuela died of a heart attack. She was not allowed to set foot on her funeral because she was exiled to Spain. 7 years after that painful event ay ganap na syang malaya at naging isang successful inte...