Enjoy reading you guys :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I spent the entire day in his house, he cooked lunch na ikinagulat ko dahil hindi ko inaasahang marunong siya sa kusina. Nanood lamang kami ng movies sa viewing room, hindi pa nga sya pumapayag noong una pero pinilit ko sya sa pagbabantang hindi ako titigil kadadaldal sa kanya. One thing about Basti is he is not that fond of talkative people kaya I am trying to tone it down.
Bandang alas quatro ng hapon ay nagpaalam ako sa kanya na uuwi na.
"Bye Basti, see you tomorrow! Dream of me later mwa!" pagpapaalam ko sa kaniya na sinamahan pa ng pagkindat, tinanguan lamang niya ako at tuluyan na akong umalis.
Habang pauwi kami ni Silas ay hindi ko maiwasang isipin kung ano pa maaari kong gawin para magustuhan din ako ni Sebastian, don't get me wrong I am not one of those desperate and shallow girls, nagkagusto na rin naman ako noon pero there's something in him that pulls me and wants to know him more.
"Saan ka galing iha?" pagtatanong sa akin ni daddy dahil sya unang nabungaran ko pagpasok ng bahay.
"Dyan lang sa tabi-tabi daddy" nagkakamot ulo kong sagot.
"Hindi ka raw umuwi ng lunch? Saan ka naman nagsusuot?" nakataas kilay niyang tanong sa akin. Patay! Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
Daddy is not that strict, but when it comes to boys ibang usapan na. Kaya nga lahat ng guy friends ko ay kilala niya dahil he was playboy before and he believes in the saying na kung babaero ka ay babalik ang karma sa anak mong babae.
"Inutusan ko si Prima na tingnan iyong ipinata-trabaho ko sa taniman ng mangga natin Apolonio" biglang pasok ni abuela na siyang ipinagpa salamat ko, hindi kasi ako sanay magsinungaling sa daddy.
"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin Prima? May pa "sa tabi-tabi" ka pang nalalaman?" nagdududa pa ring tanong ni daddy.
"Alam mo naman ako dad, pa mysterious effect lang ganon! Hehe" I awkwardly smiled.
"Huwag mo na ngang gisahin yang anak mo Apolonio, mabuti pa ay iwan mo na muna kaming dalawa at kakamustahin ko ang iniutos ko sa kanya" pagsingit ni abuela ng mapansing kabado na talaga ako.
"Okay mamá, I'll leave two to it" pagpayag ni daddy at umalis na upang siguroy hanapin ang mommy.
"Galing ka kay Sebastian nieta?" pabulong na tanong sa akin ni abuela habang may malapad na ngiti.
"Chismosa ka rin e no abuela?" pagbibiro ko sa kaniya, nakatanggap naman ako ng batok.
"Halika sa patio at kwentuhan mo ako kung ano ang ginawa ninyo" excited na sabi niya.
Nagtungo kami sa patio at ikinuwento ko ang nangyari sa maghapon ko, si abuela naman ay tutok na tutok sa akin, kulang na lang e maglabas ng star ang kanyang mga mata.
"Shipper ninyo talaga akong dalawa iha, kahit hindi ko pa personal na nakilala si Sebastian" kinikilig na sabi ng abuela.
"Hala! Saan nyo naman po nalaman ang shipper?" nahihiwagaan kong tanong.
"Hay nako sisihin mo ang daddy mo, tinuruan nya ako ng kung ano-ano mga salitang ginagamit ng kabataan ngayon, akala mo naman ay babata sya sa ginagawa nya" nakangiwing paliwanag sa akin ni abuela.
"Hayaan nyo na po si daddy at trying hard talaga yan maki-in, kapag nga po nasa bahay ang mga friends ko ay kulang na lang maki chikahan sa amin" natatawa kong sabi kay abuela.
"Aba ay baka naman sumama pa sya sa mga labas nyo?" ani ni abuela sa nanlalaking mga mata na siyang ikinatawa ko naman.
"Anong pinagtsi-tsimisan nyo dyan abuela? Pasali naman" biglang sulpot ni Ate Samantha.
YOU ARE READING
Captured and Saved (Artist Series #1)
RomancePrimate Isabela Gomez vowed to change, after her Abuela died of a heart attack. She was not allowed to set foot on her funeral because she was exiled to Spain. 7 years after that painful event ay ganap na syang malaya at naging isang successful inte...