Image 5

25 2 0
                                    

"What the fuck Primate Isabella? What bullshit are you saying?" nanggagalaiti niyang singhal sa akin.

"Paano yung gulat Sebastian? As if first time may mag confess sayo, pa-virgin lang?" nangaasar kong sagot.

"We just met a week ago and yet you're saying that you already like me? Sorry but you're not fooling anyone here." Nakahalukipkip na sya ngayon at halatang naiinis na sa akin.

"Who said that I'm fooling anyone? Totoo ang sinabi ko, I like you, loud and clear" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Besides you're too young for me! Young people nowadays are so reckless and immature" pagpapaliwanag niya sa akin na parang umaasang makukuha ko ang sinasabi niya.

"I don't care! My mom and dad are ten years apart but they worked it out and we can too!" wow Prima! Kung makapagsalita ka parang in a relationship na kayo a?

"Nevermind, I'm getting a headache because of you. If you don't have anything better to say please feel free to get out and lock the door when you leave" nanghihina niyang sambit kaya't medyo napangiwi ako.

"Hey, are you okay? May sakit ka ba? Gusto mong mag-stay muna ako?" nag-aalala kong tanong.

"I'm fine. Just leave me alone please." mahinahon niyang pakiusap sa akin.

"O-okay, I'll go for now. Drink medicine later if you're still not feeling well okay?" paalala ko sa kanya.

"But be ready because I'll be back tomorrow, parang si General McArthur lang I shall return" nakataas kamay ko pang sabi. Napailing lamang sya sa akin at tumalikod na kaya't lumabas na rin ako.

Bagsak balikat kong kinuha si Silas at iginaya pauwi sa hacienda, nang makarating ay agad akong nagtungo at nagkulong sa aking kwarto. He might really be taken aback with my confession. Hindi ko naman kasi talaga planong magsabi agad ng nararamdaman e, gusto ko kasing magpabebe muna kahit konti, pero wala e nasabi ko na so better face the consequences.

Hindi ko namalayang nakatulog ako't naalimpungatan lamang nang maramdamang may humahaplos sa aking buhok. Dahan-dahan akong ngamulat ng mata at bumungad sa akin si Abuela.

"What time is it po abuela?" tanong ko sa kanya habang pupungas-pungas na bumabangon.

"Alas tres ng hapon nieta, hindi na kita pinagising dahil mukhang pagod ka. What are you doing here by the way? Didn't I say to spend your whole day with Sebastian?" napakamot ako sa tanong niya.

"I think I pissed Sebastian abuela" awkward kong ngiti.

"Aba'y bakit naman nieta?" napalunok ako bago sumagot.

"I already told him na gusto ko sya, abuela" nakayukong sabi ko habang nagkakamot ng pisngi. Bigla namng humalakhak si abuela sa naging sagot ko kaya't nakitawa na lang din ako kahit hindi ko alam kung ano ang pinagtatawanan namin.

"Napaka-straightforward nieta, hindi mo manlang pinatagal ng ilang linggo bago umamin?" nagpupunas luha niyang ani.

"E abuela mahirap na po dapat alam nya ng nararamdaman ko sa kanya para di sya magugulat sa mga gagawin ko" pangangatwiran ko sa kanya.

"Bakit nieta ano ba ang balak mo sa kanya?" nagtatakang tanong ni abuela.

"Sikretong malupet abuela, sakin muna po ang mga iyon babalitaan ko na lang kayo pag gumana ang mga strategy ko" nakangisi kong sagot. Humanda ka sa akin Sebastian! Magugustuhan mo ako in no time and I'll make sure that you fall deeper than me, nagulat naman ako ng bigla na lamang akong batukan ni abuela.

"Aray ko naman abuela e, bakit naman po nambabatok?" nakahawak sa ulo kong sabi sa kanya.

"Te ves loca sonriendo asi (You look crazy smiling like that), and please wag kang humawak sa baba mo na parang may masama ka talagang binabalak" nag-aalangang sabi ni abuela sa akin, hindi ko na kasi namalayang ginagawa ko pala yon.

Captured and Saved (Artist Series #1)Where stories live. Discover now