Image 9

9 1 0
                                    

I can feel my face hurting because of the harsh wind slapping me as I willed Silas to run as fast as he can. 

After an agonizing 10 minutes, I arrived at the mansion, dali-dali akong bumaba kay Silas at agad tumakbo papasok. Nadatnan ko agad ang mga kasambahay na alalang-alala,  kaya't agad akong lumapit kay Manang Selya.

"Manang asan po sila? Ano pong nangyari kay abuela?" tanong ko.

"Kumalma ka muna Prima, andoon sila sa kwarto ng abuela mo" kalmadong sagot nya sa akin ngunit kababakasan mo rin ang sobrang pag-aalala niya.

"Sige po Manang salamat po, aakyat na po ako" pagpapaalam ko at tumakbo paakyat.

Nabungaran kong nakabukas ang pinto ng kwarto, tumakbo ako agad papunta roon, I saw them hovering over abuela's bed disabling me to fully see her. Si ate Sam ang unang nakapansin sa pagdating ko na agad naman akong nilapitan.

"Thank God Prima nandito ka na" yakap niya sa akin.

"What happened ate? How is abuela?" I cried.

"Shh don't cry, abuela is stable now" pang-aalu nya sa akin. Lumapit kaming dalawa sa kama, roon ay nakita ko ang maamong mukha ng abuela, bakas pa rin ang pamumutla sa kanya.

"Mamá experienced a mild heart attack" malungkot na sabi ni daddy na syang ipinagtaka ko.

"H-how?W-why Dad? Abuela is still strong for a 70 year old." hindi makapaniwalang sagot ko.

"She was already having problems with her heart anak, hindi lang nagsasabi ang abuela mo. Mabuti na lamang at kasama nya si Zeke ng mga oras na yun, naitawag agad sa family doctor at nalapatan ng paunang lunas" I was speechless for a minute.

Maya-maya ay dumating na rin ang aming family doctor na naka-base dito sa Cebu.

Apparently, my abuela's heart is weakening sabi ng doktor at matagal na ring kinukumbinse nito na sabihin sa aming pamilya nya pero mariin ang pagtanggi ng matanda dahil ayaw daw nya kaming mag-alala at isa pa ay nandito naman si Manang Selya pero hindi rin sya nagsabi sa mga ito.

They decided to leave the room after the doctor gave specific instructions pero nanatili ako sa tabi ng abuela, gusto kong andito ako pag nagkamalay na siya. I refuse to eat dinner because I was too worried to eat, hindi ko namalayang nakaidlip na ako sa tabi ni abuela habang hindi binibitawan ang kamay nya. Naalimpungatan ako ng may nakinig akong umuungol kaya't agad akong nag-angat ng ulo at nakitang unti-unting nagmumulat ng mata si abuela.

"You're awake abuela!" masaya kong pagbati sa kanya at inalalayan sya sa pag-upo.

"How are you feeling po? Do you need anything?Water?Or do you want me to get you something to eat?" natataranta na ako.

"Kalma lang iha, can you please get me a water first? Medyo nauuhaw na ako" nakangiti sya sa akin.

Lumapit ako sa side table kung saan ay may nakalagay na isang pitsel ng tubig at baso.

"Ito po inumin nyo muna" pag-abot ko sa kanay.

"Thanks apo, what is it?" pagbabalik nya sa akin ng baso. Tiningnan ko ang orasan at nagulat naman ako.

"Hala! Its already 2 in the morning na po pala" napakunot ang noo nya.

"Late na pala, ano pa ang ginagawa mo dito at dyan ka pa natulog sa upuan, hindi ba sumasakit yang leeg mo?" nag-aalala nyang tanong.

"Kita mo ito si abuela, don't worry about me, bata pa ako, malakas pa, besides you should worry about yourself, lagot ka nina daddy sesermonan ka nun bukas" pagbabanta ko sa kanya.

Captured and Saved (Artist Series #1)Where stories live. Discover now