"How are you Prima? Hindi mo naman pinapasakit ang ulo ng mommy mo?" nakangising tanong sa akin ni daddy.
"Hindi po dad" nakangiti kong sagot sa kanya. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon, kararating lamang ng daddy at sinundo sya ni mom sa airport kanina.
"Hay nako Apolonio hindi nga pinapasakit ang ulo ko e nahihilo naman ako sa sobrang kulit nyan" pagrereklamo ni mommy.
"Hon diba sabi ko sayo Apolo nalang ang bantot kaya ng Apolonio" nakasimangot na sabi ni daddy kaya't napahalakhak kaming mga nasa hapag.
"Aba Apolonio nagrereklamo ka ba sa pangalang binigay ko sa iyo?" kunwari'y galit na sabi ni abuela kaya lalo pa kaming natawa.
"Hindi po mamá, syempre nakikisabay lamang ako sa uso ngayon, bagets lang pakinggan ang Apolo" nangangatwirang sabi ni daddy.
Nagpatuloy pa sila sa kwentuhan sa hapag habang ako'y naging tahimik lamang hanggang sa matapos ang dinner. Humalik muna ako sa pisngi ng mommy at daddy pati na rin kay abuela bago magpaalam na aakyat na sa aking kwarto.
Habang nakahiga sa kama ay hindi ko maiwasang mag-isip kung paano ko haharapin bukas si Sebastian. Dalhan ko kaya sya ulit ng pagkain? Paano ko naman sya mapapapayag na tumambay ako dun sa bahay nya? Ayain ko kayang mag swimming kahit sa tapat lag ng bahay nya? Baka naman isipin nyang inaakit ko sya? Well di ko rin naman sya masisisi kung maakit sya sa alindog ko. Pero paano kung hindi gumana yun?
"Arghhh bahala na bukas nakakapagod mag-isip!" sigaw ko habang giugulo-gulo ang buhok ko.
Wearing a black body suit, white shorts, brown Gucci belt and a white strappy beach sandals, I mounted Silas while holding a picnic basket na may lamang pagkain, paninindigan ko ang advice ni abuela.
"Tao po! Delivery po!" katok ko sa pintuan ni Sebastian.
"Yuhoooo! Anybody home?" patuloy ko sa pagtawag sa labas ng pinto. Mayamaya pa'y biglang bumukas ang pinto.
"Hello! Magandang buhay po, sir! Ito po ba ang bahay ni Sir Sebastian Alistair de Leon? Maga-apply po sana ako bilang jowa e" abot tenga kong pagbati sa kanya.
Tiningnan lamang niya ako ng walang gana na para bang hinihintay kung may interesante pa ba akong sasabihin.
"Good morning sayo din sayo Prima, yun dapat sagot mo e, di bale, I brought breakfast!" I beamed at him, sabay tuloy-tuloy na pasok sa loob ng bahay kahit hindi pa naman nya ako iniimbitahan.
"Why are you really doing this Prima? Are you bored? Wala bang gustong makipaglaro sayo?" he sarcastically said kaya't napa buntong-hininga ako.
"I'm not bored Sebastian, I just really like you gaya ng sinabi ko at sana hayaan mo lang akong ipakita sayo, I'm not asking that you reciprocate immediately, sabi ko sayo I'll make you like me back diba?" paliwanag ko sa kaniya.
"And if that doesn't happen?" tanong niya.
"Then I'll stop. Hindi naman ako ganoon ka-desperada, I know my limits." Nakangiti kong tugon sa kaniya.
"I'll hold on to that" sabi naman niya sa akin sabay kuha ng dala kong basket at punta sa kusina kaya't sumunod na rin ako.
"Pwede ba akong pumunta rito araw-araw?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami. Ako na ang nagbukas ng topic alam ko kasing hindi sya magsasalita pag hindi tinatanong.
"Ikaw ang bahala, there's nothing fun to do here though kaya magsasawa ka ring pumunta dito." kibit balikat niya.
"Hindi ka sure, masilayan ko nga lang mukha mo tuwang-tuwa na ako e. Ikaw lang sapat na" sabi ko sa kanya na kasama pang pagkindat, bigla naman siyang nasamid kaya't agad ko syang inabutan ng baso ng tubig.
YOU ARE READING
Captured and Saved (Artist Series #1)
RomancePrimate Isabela Gomez vowed to change, after her Abuela died of a heart attack. She was not allowed to set foot on her funeral because she was exiled to Spain. 7 years after that painful event ay ganap na syang malaya at naging isang successful inte...