I was pacing back and forth for five minutes now pero hindi ko pa rin maisip kung ano ang dapat gawin.
"Should I really go there para sa camera ko? May spare pa naman ako sa Manila---but the pictures in there are very important to me. Pero paano kung masama pala talaga syang tao? A rapist perhaps, ughh! E ano naman diba? Sisipain ko nalang sya sa balls gaya ng sinasabi nina daddy sakin! Ang tanga kasi Prima sa lahat ng maiwawala yun pa na importante sayo!" pagkausap kong muli sa sarili ko. Pardon me but I have a habit of talking to myself aloud when I'm in deep shit.
Mukhang wala na akong choice kung hindi hanapin ang bahay na yun, its either my pride or my treasure. Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago sumakay kay Silas at pinalakad ang kabayo sa tabing dagat. Matapos lamang ang sampung minuto ay natagpuan ko na ang puting bahay na sinabi sa note, yun lang kasi ang kaisa-isang bahay na makikita dito.
Maganda at halatang pinagplanuhang maige ang bahay, purong puti ang kulay nito, the house's windows are made of glass, mayroon itong bakod na kulay asul na umaabot sa beywang at sa loob ng bakuran ay nakalatag ang bermuda grass. Nang mas lumapit akoy napansin ko ang stone path na madaraanan paaakyat sa tatlong baitang na hagdan bago makarating sa front door ng bahay. Ayon sa narinig ko sa mga tao sa hacienda nang dumating ako ay mayroon daw rest house na bagong tayo rito at marahil ay ito nga yung tinutukoy nila.
Nang mapansin kong sumisikat na ang araw ay nilakasan ko ang aking loob at pumasok kasama si Silas, tinali ko sya saglit sa punong nakita ko sa gilid ng bahay at tinungo ang pintuan para kumatok, wala kasing doorbell o kahit bell man lang. Tsk, how inconvenient, papahiharapan pa ako sa pagtatawag, paano pala kung tulog mantika yon e di inabot ako ng siyam-siyam dito. Kumatok ako ng tatlong beses na may kasamang pwersa para siguradong magigising agad sya kung totoo ang naiisip ko.
I was about to knock again when the door suddenly opened with force, kaya't nabitin sa ere ang aking kamay. Sumalubong sa akin ang magulo niyang buhok indikasyon na kagagaling lamang niya sa pagtulog. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, topless nanaman ang loko at naka boxers lang making his bulge under there obvious.
"Who are you and what do you need?" bungad nya agad sa akin na halatang iritado dahil naistorbo.
"I'm the girl kahapon sa beach, yung may-ari nung camera natatandaan mo ba?" pagkukumpirma ko sa kanya habang ibinababa ang kamay.
"Oh you're the clumsy one who foolishly forgot her camera and the one who accused me na may "balak" but turns out ikaw pala ang may ganoon sa ating dalawa?" tanong nya in a straight face, hindi ko tuloy malaman kung iniinsulto nya ba ako or what.
"Agree pa ako sa clumsy e, pero that may "balak" part is so not true fake news ka!" naiinis na tugon ko sa kanya.
"Okay if you say so" walang emosyon niyang balik sa akin
"Asan na yung camera ko? Can you please hand it over para makauwi na ako?" pag-iiba ko sa usapan.
"I see, no thank yous huh?" he said sounding so offended.
"Okay fine. Thank you ha?" I sarcastically said. E hindi ko naman kasi sinabing pulutin nya yun a.
"You could've been more sincere you know?" pabulong niyang ani pero kinig ko naman. Tumalikod na ako para umalis, wala syang kwenta kausap daming request e, balik nalang ako tomorrow baka iba na mood nya. Did I say that I am an impatient woman? Well I am.
"Hey, hey wait where are you going? I thought you want your camera back?" pagpigil nya sa aking pag-alis.
"Balik na lang ako bukas pag hindi ka na mema" harap ko sa kanya na may kasamang nakamamatay na irap.
YOU ARE READING
Captured and Saved (Artist Series #1)
RomancePrimate Isabela Gomez vowed to change, after her Abuela died of a heart attack. She was not allowed to set foot on her funeral because she was exiled to Spain. 7 years after that painful event ay ganap na syang malaya at naging isang successful inte...