"Mom! Did you see my camera?" sigaw ko mula sa loob ng kwarto ko, male-late na kami sa flight pero busy pa rin ako sa paghahanap ng camera ko.
"Hoy unggoy! Dalian mo na dyan. Ingay-ingay mo, mata ang ginagamit hindi bibig!" sigaw pabalik sakin ng Kuya Gabe ko.
Ugghh! How many times do I have to tell them na wag akong tatawaging unggoy, really my parents are to blame, pano ba naman kasi ay Primate Isabela ang ipinangalan sa akin. Primate na as in tumutukoy sa mg hayop particularly apes and monkeys. Ang katwiran nila ay sa unggoy naman daw tayo talaga nagmula kaya ayos lang yun at kasama din naman sa primate ang human beings. Pero kasi pag sinabing Primate syempre unggoy agad maiisip ng mga tao.
"Yes! Found it!" sigaw ko habang tumatakbong pababa ng hagdan at patungo sa kotse.
"Sabi ko naman kasi sayong bata ka ilagay mo lagi sa study table yang camera mo para madali mong mahanap diba? Tingnan mo nga at male-late na tayo sa flight!" may pagkurot sa tagiliran pang sabi sa akin ni mommy.
"Dad si mom o! Kinukurot po ako" pagsusumbong ko sa tatay ko.
"Tama na yan at malapit na tayo sa airport binilisan talaga ni Manong Kaloy dahil nga male-late na kayo, Prima magpakabait ka dun ha? Ang camera mo ilagay kung saan madaling makita para di kayo nagbabangayan lagi ng mommy mo. Susunod ako as soon as I can aayusin ko lang ang problema sa company okay?" paalala sakin ni dad.
Ngumiti na lang ako at nanahimik. Sobrang excited na kasi ako, tuwing summer ay nagpupunta kami sa Liloan, Cebu kung saan naka-locate ang ancestral house and karamihan sa properties ng mga Gomez. I am currently a third year student, sa kursong fine arts and I am mostly focused on photography, the irony na lagi kong name-misplace ang cam ko na very contradicting sa hilig ko just makes me laugh na sya namang ikinaiinis ng mommy parati.But I am thankful na supportive ang parents ko sa tinatahak kong propesyon at hindi nila ako pinilit mag business ad, siguro dahil na rin andyan si kuya para mag-manage ng negosyo.
Hapon na ng makarating kami sa ancestral house. Kahit ilang taon na kaming nagpupunta dito ay hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam ko na parang first time ko ulit. Marami kasing magandang kunan ng litrato lalo na sa hacienda nina abuela.
"Abuela I miss you po!" nakayakap kong salubong sa kanya.
Nababakas ang katandaan sa gatla sa mukha niya ngunit hindi maipagkakailang maganda sya noong kabataan. Her strict brows look intimidating, ang prominenteng ilong ay tila nagmamalaki sa mga nakakakita and my favorite feature of her face, her pristine blue eyes that shouts familiarity and warmth. Ako lang ang nakakuha ng kaniyang asul na mga mata sa henerasyong ito, na kahit sina dad ay hindi nakuha. Naipamana din sa akin ang pekas sa mukha dahilan kung bakit napgkakamalan akong banyaga madalas. My abuela is pure Spanish, nakilala sya ng abuelo sa Spain ng magpunta sya roon at isinama dito upang magpakasal at manirahan. Gomez's also have Spanish blood originally kaya natural din samin ang pagsasalita ng espanyol.
"Como estas nieta?" pangangamusta nya sa akin.
"Bien pi abuela" tugon ko bilang pangungumpirma na naging maayos ang aking kalagayan.
Aftrer the greetings and hugs ay umakyat na ako dala ang mga gamit ko sa kwartong lagi kong ginagamit. Abuela see to it na nare-renovate ang mansion sa tuwing may dadagdag sa pamilya like apo, kasi mas gusto daw nyang may kani-kaniya kaming mga kuwarto to have our own privacy lalo na sa mga apo nyang babae. Its because she can totally relate when it comes to privacy lalo sa adolescence stage.
We had dinner in the garden later that night and immediately retired to our rooms, medyo may mga jetlag kasi. Dumating din ang iba kong mga pinsan kanina to spend their summer here.
YOU ARE READING
Captured and Saved (Artist Series #1)
RomancePrimate Isabela Gomez vowed to change, after her Abuela died of a heart attack. She was not allowed to set foot on her funeral because she was exiled to Spain. 7 years after that painful event ay ganap na syang malaya at naging isang successful inte...