Kabanata 8

16 5 0
                                    


SEVEN

Out of my league..

Alam mo ang masakit? Yun bang wala ka magawa kaya nag paraya ka na lang? Yun bang kahit gusto mo ay wala ka magawa? Dahil babae ka. Maraming dapat tandaan, maraming dapat isa alang-alang. Pero mas masakit parin iyon handang handa kana pero hindi ka pala maka pag laro dahil may regla ka. Lintek na regla lang!

Naka tanaw ako sa aking mga kaklase nag lalaro ng basketball dito sa gym. Syempre physical education ang subject namin ngayon kaya hito kami nasa gym para sa recitation. Nilingon ko si Ma'am na may lungkot sa aking tabi, kahit kasi ano pilit ko na bumalik nalang sa classroom since hindi naman niya ako pinayagan mag laro babalik na lang ako duon, kaysa naman maingit ako dito diba?

"Tigilan mo ako Agheles, hindi ka aalis sa tabi ko" striktang tugon nito. Mas lalo ako ngumuso at nag dadabog sa upuan.

Masama ko ipinukol ang tingin sa mga ka klase na nag lalaro parin. Hinati sa dalawa ang court, since pinag iba ni Ma'am ang mga babae at lalaki.  Hindi naman kasi pwede mag kasama sila dahil sigurado dihado ang mga babae nun.

Ibinaling ko ang paningin sa mga babae nag lalaro na parang nag sa soccer lang, nag hihilaan ng damit, tinatakbo ang bola hindi pwede sa rules. Halata sa mga ito ang disperado maka puntos pero dahil hindi nila inaalala ang mga batas sa pag lalaro ng basketball nag mumukha lamang sila mga tanga nag lalaro. Napatawa ako ng pumito si Ma'am dahil sa nag sasabunutan ko mga kaklase.

Sunod ko naman tinignan ang mga lalaki seryoso nag lalaro, hindi naman na iyon ikapag tataka dahil nature na ng mga lalaki ang basketball. Sanay sila sa laro iyan kaya sigurado ako alam nila ang mga batas ng laro pero maliban pala sa mga bakla.

Halos sumakit ang tiyan ko sa kakatatawa ng matanaw ko si Earos isang bakla kung kaklase, wala kasi ito ibang ginagawa kundi ng chachansing sa mga kalalakihan. Habang ang bola padating sa kanya ay tinatakbuhan lamang, bakas na din ang inis ng iba kung kaklase sa ginagawa niya. Syempre pag basketball ang pinag uusapan seryoso ang mga lalaki tungkol diyan.

"Aray!" Daing ko ng maramdaman ang pag sakit ng puson. Hinimas-himas ko ito pero mas lalo lamang ito kumirot. Sh*t na Dysmenorrhea ka!

"Ano masakit na?" Tanong ni Ma'am na parang inaasahan nito sumakit. Tumango ako habang dinaramdam ang sakit.
"Pumunta ka ng clinic mag pahinga ka duon at uminom ng gamot" agaran ako sumunod sa sinabi nito at tumungo sa clinic.

Pahinto-hinto ako sa pag lakad dahil sa sakit na nararamdaman, ano bag nanyari bakit ganito kasakit ng puson ko? May beses pa na yumuyuko ako dahil sa hindi ko ma paliwanag na sakit. Yuko, tingala, mag lalakad muli,hihinto, iyan lamang ang ginagawa ko habang pinilipit maka abot sa patutunguhan.

"Okay ka lang?"

I can see a man approach me pero hindi ko ito pinansin dahil sa lumalabo ang aking paningin. lintek! Nahihilo ako.

"Hey!what happen?" Naramdaman ko ang kamay niya hinawakan ang mag kabilang pisnge ko habang sapilitan na ipinaharap sa kanya ang aking mukha.

Ilang ulit ako kumurap para ma aninag siya ng maayos, but i cant do that properly dahil hindi ko na alam ano ang nararamdaman. Nag halo-halo ang sakit ng aking puson, hilo at ang pag kalamig ng aking katawan, Nasusuka na din ako ng hindi ko alam.naramdaman ko ang pag lambot ng aking mga tuhod kaya anytime gusto ng bumagsak ng katawan ko.

"Serene! Hey wake up!..... Sh*t!" I can hear him pero wala na ako lakas na mag salita pa. The lasting i just remember I feel he lift me and hold me tightly.

——-

"Shhh.. wag ka nga maingay"

"Ito naman titignan ko lang kung siya ba talaga yan."

Falling, fallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon