Kabanata 10

5 0 0
                                    


********

TEN

"Oh bakit ang aga mo umuwi? Tapos na ba klase niyo?"

Walang lingunan ko dina anan lamang si Mama na busy sa pag didilig ng mga tanim niya. Padabog ko sinarado ang pinto ng kwarto at itinapon ang sarili sa kama.

Ibinaon ko ang aking mukha sa unan upang ma ialis sa aking isipan ang nakakahiya pang yayari kanina. Sigurado sikat na sikat na ako ngayon, sa rami ba naman naka kita sa eksina kasina panigurado kalat na sa buong campus ito.

Inabot ko ang cellphone sa bulsa ng palda ng maka ramdam ng pag tunog duon. Kumunot ang aking noo ng makita ang ilang ulit na pag tawag sa akin ng mga kaibigan. 89 missed call from Marie, 40 to Neri and 10 to Sheina. Meron din galing kay Ray na rare lamang kung mag paramdam pero ngayon mukha nag alala din ito Binuksan ko iyon 5 mag ka sunod-sunod na text at agaran ko binasa.

Sender: Ray G.

Hoy, ano nanyari?

:Okay ka lang ba?

:Serene, saan ka? hinahanap ka na ng tatlo.

:Yung bag mo na iwan mo dito. Ipapabigay ko ba kay Ion para ma bigay niya kay Rain or sina Marie na bahala nun?

:Babanatan ko na ba to weirdo nato?

Natawa naman ako sa huli message niya, Ray is like a big brother to me, pag alam niya may nanakit sa akin sigurado hahanapin niya ito at tatakutin. Huli mensahe aking na tangap ay galing sa estranghero numero, kumunot ang noo ko inalala kung kilala ko ba ang numero iyon. Sa pag ka alala ko wala ako ibang binibigyan ng number maliban na lang sa group chat namin ng mga kaklase ko.

Nag dadalawang isip ako buksan iyon, pero dahil mas namutangi ang pagkausyoso ng aking katawan ay madalian binuksan agad iyon ng aking daliri.

Sender: 09076373825

:Where are you?

Iyon lamang ang naka lagay sa mensahe, ngumuso naman ako dahil hindi ko ma kilanlan kung sino ito. Pilit ko parin iniisip ang possible mga tao nag padala ng mensahe, pero sumuko din ako ng wala talaga maalala.

tinapon ko ang cellphone sa aking tabi, at muli binaon ang mukha sa unan. Mas mabuti nalang siguro ma tulog muna, gusto ko muna kalimutan ang mga problema ko ngayon.

——

"Serene!"

"Serene! Talaga tung bata ito! Hindi ka lalabas diyan sa kwarto?!"

Umungol ako dahil sa ingay na narinig galing sa kung saan, bumaling ako sa aking kaliwa at muli pinag patuloy ang mahimbing na tulog.

"Hoy babae! Gumising ka diyan! Andito mga kainigan mo!"

Napa dilat ako ng Halos ma giba ang aking pinto sa lakas ng pag sipa ni Rain duon. Inis ako umupo at tinignan ang naka sarado ko parin pinto na mukhang nakikita ang lintek kong kapatid sa paraan na iyon.

Hinintay ko ang muli pag ingay nila sa labas pero mukha wala na ang mga iyon duon. Tumayo ako at inayos ng kaunti ang aking katawan, kinapa ko ang mata at bibig nag baba sakali maka kita ng muta o tuyo laway duon. Kinuha ko ang cellphone at agad nag tipa ng mensahe.

Falling, fallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon