"Excited ka na ba?" Tanong ni mommy habang nasa loob kami ng car, tinignan ko siya ng malungkot.
"Not really Mom" Binalik ko ang tingin sa bintana at tinignan ang nadadaanan namin.
"Importante ang araw na to shaina. Wag ka na malungkot" hinawakan ni mommy ang kamay ko na nakalagay sa hita ko.
"Mommy sabi niya babalik siya ngayon, pero wala pa rin siya." nanatili lang ang tingin ko sa labas ng bintana. at hinawakan ng daliri ko ang singsing na bigay niya.
Six months na nang umalis si mylabss.
hindi naman sa iniwan niya ko, pero parang ganon na rin.
**FLASH BACK**
"Shaina five-months lang naman ako don, babalik din ako kaagad." hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng table.
"Five-months? that's too long mylabss! ano bang gagawin mo sa korea?"
"I told you, gusto ng boss ko na ako ang maging hotel manager sa bagong branch namin sa korea, and para maging adviser din ng anak niya." huminga siya ng malalim.
"Why you?"
Kung kailan malapit na kong maka-graduate syaka pa siya aalis. akala ko ba mag papakasal na kami agad? so nakakaasar ha!
"Hindi ko alam. Five-months lang naman, bago ka makagraduate andito na ko." ngumiti na siya sakin "Pumayag ka na ha?" malambing na sabi niya pa.
Ngumuso ako at tumango sa kanya.
"Promise babalik ka kaagad ha?" malungkot na sabi ko.
Ano pa bang magagawa ko diba?
Kung dati napaka GC niya ngayon naman napaka Workaholic niya.
***END OF FLASHBACK***
Binuksan na ng driver namin ang pinto,
Bumaba kami ni mommy and inayos niya ang black na sumbrerong suot ko.
"Lets go" ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko palakad.
Finally after so many years ga-graduate na ang dyosang katulad ko. but still wala pa rin si mylabss. na mimiss ko na talaga siya.
Pansin niyo naman siguro na hindi na ko masyadong nag eenglish diba? Well twenty-three na ko at isa nang ganap na dalaga. kailagan ko ng umakto sa edad ko, Pero syempre dyosa pa rin ako!
Naupo na ko sa pwesto ko at hinanap agad ng mata ko si hannah,
"Hannah!" nakaupo si hannah sa pinaka unahang bahagi ng mga upuan. kumaway siya sakin.
Kami na lang ang palaging magkasama ni hannah, Hindi ko alam kung nasaan na ba si carla ngayon, Umalis na lang siya bigla pagkatapos ng first year namin. Hindi ko alam kung anong dahilan.
Nakita ko si carlo na nakaupo sa kabilang bahagi ng mga upuan. kumaway ako sa kanya at ngumiti naman siya.
Nag simula na ang graduation at tinawag na isa-isa ang mga gra-graduates.
"Chloe shaina marie pangmayaman" tumayo ako at nilakad ang daan patungo sa gilid ng stage habang nakangiti.
"Congratulation" hinawakan ko ang nakalahad na palad ni princpal "thank you!" at ngumiti sa kanya.
This is it na talaga! Magpapakasal na din kami sa wakas ni mylabss..
---
Pagkatapos ng magulo naming pagbabato ng graduate cap or cap. Naglakad ako papunta sa bench na madalas naming tambayan.
Ma mimiss ko din ang University na ito.
Nakangiti ako habang tinitignan ang buong palaigid ko.
"Mylabss naman bakit wala ka pa" mahinang sabi ko sa sarili ko.
"Shaina!" napalingon ako sa tumawag sakin.
"Uwi na tayo?" tanong niya pagkalapit sakin.
"Mamaya na mommy! wheres my phone?" gumalaw naman si mommy at kinalkal ang loob ng bag niya.
"Here," inabot niya ang cellphone ko "hantayin na lang kita sa car baby"
"What baby mommy? I Am not your baby anymore" nakanguso kong sabi, tumawa siya ng mahina.
"Oo na shaina," ngumiti na ko sa kanya "Sige na tawagan mo na si hanzel" Tumango ako sa kanya bago siya tumalikod paalis.
(Ringg Ringg Ringg)
[Hello] parang kakagising niya lang ha.
[Mylabss!! ang daya mo talaga]
[Shaina, Sorry talaga hindi ako nakauwi sa graduation mo] malungkot na sabi niya.
[Eh! kailan ka ba talaga uuwi? namimiss na kita]
[Hindi ko pa alam, Gusto ko na nga umuwi, na mimiss ko na kayo] malungkot yung boses niya.
Nalulungkot na naman tuloy ako.
[nakagraduate ka ba?] pinasigla na nya ang boses niya , narinig ko ang paggalaw niya.
[Ofcourse mylabss ako pa! So magpapakasal na tayo ha!] tumawa siya sa kabilang linya.
[Opo na maam] tumawa ako ng malakas kinikilig eh!
[Walang bawian mylabss ha! kaya dapat umuwi ka na]
[Kakausapin ko na ang boss ko para makauwi na ko.]
yess!
[Promise ha!]
Tumawa lang siya. naman ayaw mag promise so hindi siya sigurado ganon?
[Congratulation sa graduation mo, Promise babawi ako sayo pag-uwi ko]
[Totoo?]
[Promise]
Napangiti ako ng malaki sa sinabi niya.
[Sige na, Tatawagan kita mamaya]
Nagmamadali naman si mylabss eh!
[Mylabs--HANNAH!] napatingin ako sa tumatakbong si hannah. Anong nangyari don?
[Bakit?]
[Ha? Nothing! sige mylabss mamaya ha! I love you]
[Oo na! I love you too]
Binaba ko na ang phone and tinignan ang tinakbuhan ni hannah..
Ano nangyari bakit parang umiiyak siya?
------
Lame ba?
please vote and comment po
thanks ^^