PART2

89 6 1
                                    

Mag o-one month na akong graduate pero wala pa rin akong trabaho, Pero bakit pa ako mag tra-trabaho if mayaman naman ako right diba!

"matawagan na nga lang si mylabss" bumangon ako sa pangmayaman na kama ko at kinuha ang cellphone ko.

"two pa lang ng hapon, so one palang don" hinanap ko kaagad ang no. ni mylabss habang nakatayo at nakapatong ang pretty one hand ko sa sexy waist ko.

Opss! old habit die hard, Sareeh!

(Ring ring ring ring ring)

tinignan ko ag cellphone ko na patuloy lang ang pag riring.

"Aba! Ang malandi Hindi sinasagot! Dont tell me may kahalayan siyang ginagawa? Nako! mylabss puputulan talaga kita!"

ni-re-dial ko ulit at nilagay ang phone sa tenga ko!

(Ring ring ring ring ring)

"Akala mo tatantanan kita mylabss!"

(Ring ring ring ri--)

[Sorry nasa Cr ako eh]

Cr? OMYGOD!

[MYLABSS! I CANT BELIEVE YOU! MALANDI KA TALAGA!]

[Pinagsasabi mo na naman?]

[Anong ginawa mo sa cr? Dont you dare lie to me mylabss] Tumaas na ang kilay ko abot hanggang heaven.

[Naliligo po ako, Ang dumi dumi talaga ng utak mo]

[Anong tinatawa-tawa mo mylabss may kasama ka no!]

[Anong kasama? manahimik ka nga. nababaliw ka na naman]

Napaka sweet talaga ni mylabss sakin insert sarcastic voice please.

[Mylabss naman eh! Wag na wag kang mambabae dyan ah!] sinabayan niya ang pagsasabi ko niyan. Kabisado na ang favorite line ko.

[Araw.araw mong sinasabi yan, paano pa ko mambabae dito?] sarcastic na pagkakasabi niya.

[So may balak kang mambabae ganon? subukan mo lang talaga myabss papasabugin ko bahay niya.]

[Alam mo bang pwede akong magsampa ng kaso dahil sa sinabi mo?] alam ko nakangiti ang malandi na to!

[Sampahan mo! As if naman ikukulong nila ang dyosa like me! Duh!] Im right naman diba? Hindi maatim ng mga pulis na ikulong ang kagandahan ko.

[Oo na po.] 

[Parang hindi ka naman naniwala eh! Whatever. kailan ka ba uuwi? na mimiss na talaga kita mylabss] I Used my sooo nakakaawang voice para mas effective diba.

[Hindi ko pa alam shainna] That.is.what.he.always.say naman!

[Ilang beses ko na narinig sayo yan mylabss! naiinis na ko!] inikot ko ang pretty eyes ko sa heaven.

[Tss. At palagi ko rin sinasabi sayo na nag tra-trabaho ako dito.] what? siya pa ngayon ang galit? Juice.colord

Pinindot ko ang endcall ang throw my phone. nakakaasar ha! Ilang buwan ko na siyang hinahantay pero hindi pa rin siya umuuwi!

Bakit pa kasi kailangan niyang magtrabaho eh kung nag papakasal na kami edi hindi niya na kailangan mag hirap sa kakatrabaho diba?

Pag ako nainis makikipag break na talaga ako sa kanya.

"Yeah! shaina makipag break ka kung kaya mo" Sabi ko sa sarili ko at inirapan ko ang sarili ko. ako lang ang may kayang gawin yon.

Graduate na ko pero hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko, Mag tayo kaya ako ng ampunan, Nah! hindi naman ako mahilig sa bata eh, uhmm?

Makausap nga si mommy,

Lumabas ako ng room ko and naglakad sa mahabang hallway namin pa punta sa room ni mommy,

(Tok tok tok)

Pagkatapos kong kumatok binuksan ko na ang door,

"Okay bye"

Nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng bed niya and hawak ang phone niya.

"Mom" ngumiti siya pagkakita sakin.

"Yes baby?"

Naupo ako sa bed niya. Mukhang ang blooming ni mommy ah! Anong meron.

"Sinong kausap mo? why look so happy ha?" pang iintriga ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahinhin and sit beside me,

"A friend" hinawakan niya ang hair ko and hinimas yon like sa dog. 

"Friend daw!" tinignan ko siya ng masama "Dont tell me Mom may boyfriend ka? Omg lang ha!"

"Why baby? bawal ba kong mag boyfriend?" painosente niyang sabi.

"Well Mom, Dont get me wrong ha. But you're too old to be inlove" tumawa lang siya. Umiiwas ha!

"Bakit ka pala nandito?"

Umupo ako paharap sa kanya.

"Mom ano bang gagawin ko? Graduate na ko but hindi ko alam kung anong work ang sisimulan ko," ngumuso ako sa kanya.

I think im too young pa din. Wala akong plano para sa future ko kungdi ang magpakasal lang kay mylabss.

"Mag tayo ka ng shop mo, clothing line?"

"Mom anong konek ng designer sa Cullinary arts?" tinaas ko ang isang kilay ko sa kanya.

Cullinary ang kinuha kong course kahit wala naman akong hilig sa pagluluto. Ayon lang kasi ang tingin kong madaling pag-aralan, Pero mali ako. Wala kasi akong natutunan.

"Then baked shop, restuarant? O imanage mo na ang mga bussiness natin."

"Like duh mom! Ayoko nga! Anong alam ko don." tumayo siya and get her bag

"May lakad ako ngayon baby, Next time na lang natin pag usapan ito. Okay?" lumapit siya and kiss my pretty cheeks.

"Okay" lumabas na siya and leave me here sa room niya.

Alam ko sakin maiiwan lahat ng bussiness namin, like duh diba unica ija lang ako. Sure na malulugi lahat yon pag ako ang humawak so malamang ibenta ko lahat ng share namin doon pag ako na ang himawak. Wala akong alam sa mga yon and tingin ko hindi ko matutunan yon. Hindi kakayanin ng pretty brain ko na puro hanzel lang ang laman ang mga ganon. So why effort pa diba?.

Psh! clothing line na nga lang.

Tumayo ako para bumalik sa room ko, lumapit agad ako sa atudy table ko and binuksan ang laptop ko. Titignan ko kung paano mag tayo ng sariling clothing line. Madali lang naman siguro yon diba!

Eto na lang ang pag kakaabalahan ko ngayon. Wala pa naman si mylabss eh.


-----

xx--nabii

BIDA-BIDAHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon