Prologue

363 27 41
                                    



"Hartley, akyat ka na raw sa stage."

Napangiti naman ako at binuhat ang gitara ko. Nang sumilip ako mula sa backstage, nakita ko sina Beatraila and friends na kumakaway sa akin.

"Hooo! Hart! Bilisan mo para shot na!" Sigaw ni Beatraila at itinaas pa ang hawak-hawak nitong bote ng jager.

Tatawa-tawa naman akong napailing at hinintay na lang ang host na tawagin ang pangalan ko.

Hanggang sa nabaling ang paningin ko sa isang dako at nakita 'yong mga kinababaliwan sa campus, ang mga Constello. Bigla akong kinabahan.

"Galingan mo, Hart, para mas maganahan pang pumunta rito iyang mga customers na manonood sa 'yo," akbay sa akin ni Khallista, boss namin. Tumango naman ako at nang marinig na ang pangalan ko ay pumunta na ako sa gitna ng stage.

Itinapat ko muna sa bibig ko ang mikropono at bumaling muli sa mga Constello na nakaupo sa katabing couch nila Traila.

Nanindig ang mga balahibo ko nang makita 'yong isa sa kanila na nakatitig sa akin gamit-gamit ang seryosong mukha. Napalunok naman ako at nagsimula nang magstrum ng aking gitara.

'You don't know, babe,
When you hold me,
And kiss me slowly,
It's the sweetest thing~'

'And it don't change,
If I had it my way,
You would know that you are~'

That guy caught my attention. He looks tall, he has fair skin, thick eyebrows, captivating eyes, and a jaw that I thought could even cut a stone— but I can't tell that he has a perfect nose, it's quite... ironed... I guess? With my description, he looks almost perfect pero feeling ko ang sungit niya! Kanina pa siya nakasimangot, masisira pa 'ata performance ko dahil sa mga tingin niya.

I flinched on my seat when I saw how he was examining my whole and how he smirked at me.

'I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part~'

Sa tingin ko, nakita niya akong nakatitig sa kaniya! Kaya binaling ko na lang ang tingin kina Traila at ngumiti sa kanila.

I just felt the song itself, favorite kanta namin 'to noon, e. Hanggang sa natapos na akong kumanta at ngumiti sa kanila. Mabuti naman at nagpalakpakan naman sila. Ganito ba talaga sa bar? Feeling ko tuloy, contest pinuntahan ko at hindi part time job.

"One more song, Miss!"

"Isa pa, Hartley!"

"Sorry, one song at a time lang ako ngayon, e. Maybe next time na lang po?" I softly said and smiled at them. Some groaned in disbelief.

Umayos na ako ng tayo at bumaba na mula sa stage. Binungad naman ako ni Traila at inakbayan ako. Amoy alak na naman. Lakas talaga uminom nitong gagang 'to.

"Grabe makatitig kay Kian, ah. Siya kinakantahan mo, 'no?"

Binaling ko agad ang tingin sa kaniya at inis na tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Kadiri ka, gaga. Ako? Tititig sa lalaki? 'Di ka sure." Pagak na natawa na lang ako hanggang sa makapunta na kami sa couch.

Kian.

'Yon pala ang pangalan niya.

"Nagandahan 'ata nang sobra itong si Elle sa boses mo kaya nagpass out na," iiling-iling na saad ni Louna.

Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)Where stories live. Discover now