It has been two weeks since we started seeing each other, Kian and I. So far, maayos naman. Paunti-unti ay nawawala na 'yong awkwardness namin sa isa't isa. In these two weeks, it felt warm."Oh, ano na? Musta na kayo ni Kian?" Pagdating ni Sydney. Napaayos ako ng upo at uminom ng orange juice ko.
"Gano'n pa rin. Sa library pa rin, nag-aaral daw for mid term. Hay nako, ginawa pang dating place iyang library sa dinami-rami ng pagpipilian," irap ni Beatraila.
"At least it is worthy of my time. Kaysa naman sa pumunta sa iba't ibang lugar tapos kakain ng fancy foods, magbibigayan ng flowers, magpapalitan ng cheesy phrases and stuffs. Those things are so cliché in a romance story. Alam niyo naman na studying is my best medicine," sagot ko.
Though ang dami nang nangyaring kakornihan sa amin ni Kian.
d-.-b
"Milktea para kay Madame Hartley."
May bumungad na milktea sa harapan ko at agad akong lumingon sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses.
"Oh, Henji!" Bati ko. Umupo siya sa tabi ko at bahagya pa akong inakbayan.
"Yow, na-miss mo ba 'ko?" He messed with my hair kaya agad ko naman itong tinapik.
"Kapal mo," tatawa-tawang saad ko. "Pero na-miss ko 'yang panlilibre mo ng milktea sa akin."
"Sus, ako naman, na-miss kita," kindat nito sa akin kaya mabilis ko naman siyang inirapan dahilan para ngumuso siya. "Sakit mo talaga sa heart, 'no?" He playfully held his chest as if he was hurting.
"Para kang shunga, 'no?" Tatawa-tawa kong sagot.
"Nako, layu-layuan mo iyan, Henji. Baka may bigla na lang umatake sa 'yo nang 'di mo namamalayan," singit ni Sydney sa amin kaya nagtatakha namang tumingin sa akin si Henji.
"May kaagaw ba ako? Hmm? Sino? Suntukan kami?" Kunwaring hamon nito. Natawa naman ako at kinurot ang tagiliran niya. "You hurt my heart na nga tapos you hurt me na naman. You're so sungit talaga and bayolente," nguso nito.
"Siraulo ka talaga," kurot ko sa ilong nito. Natawa naman ako nang makitang sobrang namumula na ito.
"Ay oo nga pala, Henji. Ba't ang tagal mong 'di nagparamdam sa amin?" Tanong ni Beatraila. Lumingon ako kay Henji at nagtatakha akong tiningnan ito.
Oo nga, 'no? Halos ilang linggo na kami 'di nagkita or nag-usap. Last 'ata na encounter namin when Kian invited me to the amusement park.
By the way, sikat na pala 'yon ngayon. Iba talaga kapag Constello, 'no?
"Busy lang sa ilang mga bagay," sagot nito. "Naisipan ko na baka nandito kayo by this time tapos I was right. Nawalan kasi ako ng chances para makausap kayo. Na-miss ko kayo nang sobra tapos 'di niyo 'ko na-miss? Ang sama niyo," nguso nito.
Hinablot ko ang nguso nito at mariin na pinisil. "Nguso ka nang nguso. Kung may problema ka, sabihin mo sa amin. Kausapin mo kami para baka kahit papaano ay may maitutulong kami. Ano ba 'yon?" Bitaw ko sa nguso nito at masinsinan itong tinitigan.
"Wala," simpleng tugon nito.
"Sup, Henji."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Sa isang iglap ay may upuan na sa pagitan namin ni Henji at nakaupo roon si Kian.
"Sup, Kian," tugon ni Henji. Nagulat na lang ako nang tumayo at binuhat niya ang upuan niya papunta sa pagitan namin ni Kian. "Dito ako kanina, huwag kang sumingit. Move."
"Why would I?" Anang nito.
"I was here first." I could sense Henji's sudden change of mood. Nagkatinginan kami nina Beatraila at Sydney.
YOU ARE READING
Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)
Teen FictionHartley Roses, an accounting student, deals with the stubbornness of a guy he met at the bar. She was soaring high to reach her goals in life, not even thinking of entertaining guys for she believes that those are only barricades that could affect t...