Nakayuko lang ako ngayon habang nasa tabi ko si Kian. Kaharap namin ngayon sina Papa Bear, Mama Bear, at Gelai dito sa dining room.
Sobrang tahimik at tanging pag-ulan lang sa labas ang naririnig. Nagkakatitigan na lang kaming lahat at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
Biglaan na lang kasing lumabas si Kian kanina. Gulat na gulat silang lahat at halos gusto ko na lang lamunin ng lupa kanina. Ang sama ng tingin sa akin ni Papa Bear at bahagya pang pinitik ang noo ko.
Ang epic! Sobrang epic!
I kept playing with my fingers nang magsalita na si Papa Bear.
"Anong pangalan mo, iho?" Tanong nito.
Lumingon ako kay Kian at nakitang nakangiti ito sa kanila. Napabungisngis naman ako nang makitang nakakuyom ang kamao niya sa ilalim ng lamesa, sign na kinakabahan siya.
"Kian Jace Constello po, Sir," pormal na tugon nito. Tumaas naman ang kilay ni Papa Bear kaya kinabahan ako.
"Ikaw ba, iho? Nobyo ka ba ng aking unica iha?" Biglaang tanong ni Mama Bear.
"Mama Bear! Hindi po!" Depensa ko.
"Si Kian kinakausap namin ng mama mo, Hartley." Pinanliitan ako ng mata ni Papa kaya tumikhim na lang ako.
Tatanga-tanga naman kasi 'tong si Kian, sabing magtago, e.
"Hindi po, Tita. Magkaibigan lang po kami ni Hartley. Parehas lang po kaming accountancy kaya po magkasama kami ngayon na nag-aaral. Wala naman po kaming ginagawang masama. Pasensya na po," pagpapaumanhin nito.
"Bakit? Bakit hindi?"
Napalingon ako kay Papa Bear nang tanungin niya iyon. Ano?
"Ha?" Takhang tanong ko pabalik.
Uminom na muna ako ng tubig sa labis na kaba.
"Bakit hindi ka niya nobyo? Bagay pa naman kayo."
Tuluyan na akong nabulunan sa sinabi ni Papa Bear. Napaubo-ubo ako kaya hinaplos ni Kian ang likod ko at binigyan ako ng tubig.
"Ayos ka lang?" Bulong nito sa akin. Uminom pa ako ng tubig at hinaplos ang leeg ko dahil kumati ito.
"Ano ba naman iyan, Papa Bear?!" Sagot ko at bahagya pang umubo ulit.
"Bakit? Kay gwapo ng iyong kaibigan. Ganiyan din ako kagwapo noong nililigawan ako ng Mama Bear mo," nakangiting ani ni Papa. Napaawang ang labi ko.
"Wow, kapal mo naman, Papa Bear. Napakapogi mo, grabe!" Sarkastikong usal ni Mama Bear at bahagya pang kinurot ang tagiliran ni Papa Bear.
"Pero seryoso, okay lang, iho, na ligawan mo ang anak ko. Matanda na rin naman iyan, ayokong tumanda siyang dalaga. Nako, malaking opportunity ang magkanobyo ng isang tulad mo. Batid ko ay napakatalino at napakabait mong bata." Nagulat pa ako nang pisilin ni Mama Bear ang pisngi ni Kian.
Oh, Mama Bear.
"I actually admire your daughter po, Ma'am and Sir. Mabait siya at mukhang talented pero minsan po maldita po iyan," pang-aasar sa akin ni Kian. I scoffed and shook my head.
"What? Anong maldita?" Iritang tanong ko.
"Pagpasensyahan mo na, iho. Maldita talaga iyan tapos lutang. Akalain mo 'yon? Pinapakuha ko sa kaniya noon 'yong cell phone ko tapos toothbrush ang ibinigay sa akin?" Tatawa-tawang kwento ni Mama Bear. Natawa naman sila.
Palihim na lang akong umirap at ngumuso.
"Constello ka po, Kuya?" Singit naman ni Gelai at nakitang binitawan na nito ang cell phone niya.
YOU ARE READING
Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)
Novela JuvenilHartley Roses, an accounting student, deals with the stubbornness of a guy he met at the bar. She was soaring high to reach her goals in life, not even thinking of entertaining guys for she believes that those are only barricades that could affect t...