03

140 14 2
                                    

Dumaan na muna ako sa malapit na convenience store at bumili ng yogurt, junk foods, meat, rekado, at iba pang kailangan ko. Biglaan na lang kasi pinauwi si Traila sa mansion nila kaya mag-isa na naman ako sa condo unit ko.

Akmang magbabayad na ako nang makita ko si Kian na kapapasok lang kaya umatras ako at bumalik sa paglilibot. Shuta, nakapantulog pa lang ako, nakapajama pa ng hello kitty! 5 o'clock pa lang kaya. Maaga rin pala nagigising 'yon?

Napunta ako sa mga chocolate at biglaan na lang ako nagcrave ng dairy milk.

Akmang kukuha na ako nang may humablot din nito. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Kian 'yon kaya inalis ko na ang kamay ko sa chocolate.

Nagtakha pa ako nang makitang nakangiti ito.

"Masaya ka 'ata n-ngayon?" Iwas tingin na tanong ko at kunwaring tumingin-tingin pa sa ibang tsokolate.

"Just another great day, kaya huwag mong sisirain araw ko kapag pumalpak ka na naman sa pagkanta," anito at nakangiti.

"Oh." Awkward.

"If I will give you something, anong gusto mong bilhin ko sa 'yo?" Biglaang tanong nito. Napalunok naman ako.

"Panibagong laptop, pinakamahal na scientific calculator, eyeglasse-"

"No, not that. I mean, if am going to court you, anong gusto mong ibigay ko sa 'yo?" Anito at umiwas pa ng tingin. Napalunok naman ako at tila nag-init pa ang mukha ko.

"A-Ah." What the heck, Hartley? As if naman liligawan ka niyan?

"What?"

Nataranta naman ako bago sumagot, "I guess, flowers? Chocolates? Uhm, sing a song for me— I mean, her?" Iyon na lang ang sinabi ko kahit ayaw ko naman talaga sa gano'n. Pero dahil 'yon ang napapanood ko sa movies, edi 'yon.

"Thanks!" Masayang bati nito at tinapik pa ako sa balikat. Hanggang sa nakita ko na siyang may hawak-hawak na bouquet ng rosas at tsokolate na naka-heart shape pa 'yong container.

Akmang magbabayad na ako nang kunin niya ang cart ko at siya na nag-insist na magbayad.

Napakurap naman ako nang ilang beses sa ginawa niya. Trip ba ako nito?

"Tara na," yaya nito at siya na rin ang nagbuhat ng mga pinamili ko.

Sabay kaming naglakad papunta sa condominium, ngayon ko lang nakita suot niya. Naka-plain white t-shirt lang siya at maong na shorts.

"Tinititigan mo na naman ako. I won't doubt if you already have a crush on me," anito kaya napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Pinalo ko ang braso nito at pagak na natawa.

"Mas gwapo pa nga si Henji kaysa sa 'yo," tatawa-tawang saad ko. Napatigil ito sa paglalakad at nagulat na lang ako nang hablutin niya ang mukha ko.

"H-Hoy.." napakurap ako nang ilang beses and I can now feel that I am already as red as a tomato.

Napaatras ako nang kaunti nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Napalunok ako sa sobrang kaba.

Shemay, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ngumisi muna ito sa akin at pinitik ang noo ko bago ilayo ang mukha niya sa mukha ko.

"You're blushing, I have greater impact on you than Henji. So, I am more handsome," ngisi nito at nagpaumuna nang maglakad.

Nang medyo makalayo na siya ay inilabas ko na ang lahat ng hangin na inipon ko sa dibdib ko.

Puto, hindi ako makahinga kanina nang maayos, ha?!

Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)Where stories live. Discover now