Nagising ako nang makarinig ako nang ilang katok mula sa pintuan ng condo unit ko.
Tiningnan ko ang oras mula sa wall clock ko at nakitang 6 o'clock pa lang ng umaga.
"Sino naman pupunta rito ng ganitong oras? Wala namang sinabi sina Traila na daraan sila rito, ha?" Tanong ko sa sarili.
Hindi ko na inabala pang mag-ayos at pumunta na sa pintuan tsaka binuksan ito. Napatakip ako ng bibig ko nang makita si Kian na nakatayo sa harapan ko, napababa ang tingin ko at nakitang wala nang bandage sa binti niya.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko habang nakatakip pa rin ang bibig. Hindi pa kasi ako nagtoothbrush! Nakakahiya kaya! Baka maamoy niya!
"Wala lang, gusto kitang yayain magbreakfast," tugon nito at walang pasabi nang pumasok sa loob at umupo sa sofa. "Mag-ayos ka na, hihintayin na lang kita."
Napakurap pa ako nang ilang beses bago isara ang pinto at tumakbo papunta sa kwarto ko. Pumunta ako sa harap ng salamin at nakitang nakapajama pa ako ng hello kitty! Tapos ang gulo-gulo pa ng buhok ko!
"Aysh!"
Pumunta na ako sa banyo at sinimulan nang maligo.
Nang makaayos na ako ay humarap muli ako sa salamin para ayusin ang buhok ko into a ponytail. Nakasuot ako ngayon ng black sweatshirt, a pair of maong shorts, and a pair of white sneakers. Naglagay na rin ako ng kaunting liptint since I really look pale without it.
Sana all kasi pinkish lips, 'no?
Nang lumabas na ako ay nakita kong naglalaro si Kian sa phone niya kaya pasimple na lang akong sumilip. Nanliit ang mga mata ko para makita kung ano 'yong ginagawa niya sa phone niya.
Napakunot ang noo ko nang makita ang ilang mga stolen pictures ko habang kumakanta sa Akashi's at iba pang ginagawa ko sa ibang lugar. Never ko napansin na may kumukuha pala ng litrato ko.
"Ano iyan?" Tanong ko at napaigtad naman ito. Napaayos siya ng upo bago lumingon sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Gano'n pala siya magulat?
"Tinitingnan ko lang itsura ng crush ko, baka makalimutan ko," ngisi nito. I pursed my lips to hide my smile. I pretended to scratch my nose para hindi mahalata na... na kinikilig ako.
"Oh, gano'n ba?" Sambit ko. Akmang magsasalita muli ako nang tumayo na siya at isinukbit sa balikat niya ang bag niya.
"Tara na? My treat," saad nito. Tumango na lang ako at sumunod na sa kaniya palabas ng condo unit. Nang maisara ko na ito ay saktong tumawag sa akin si Beatraila.
"Oh, napatawag ka?" Bungad ko rito.
[Nandito ako sa baba ng condo niyo, sabay na tayong magbreakfast!]
Napalingon naman ako kay Kian na nakatingin din sa akin habang kausap si Traila.
Inilayo ko na muna ang phone mula sa bibig ko para kausapin si Kian.
"Sasama raw si Traila, ayos lang ba?" Tanong ko rito.
"Sure, ayos lang."
Binalik ko muli sa tapat ng tenga ko ang phone.
[Hoy, bigla ka nawala? Aakyat na ba ako? Hoy, Hartley!]
"Okay, hintayin mo na lang kami riyan sa baba," sagot ko at akmang ibababa na ang tawag nang marinig kong tumili ito. "Anong tinitili-tili mo riyan?"
[Si Kian kasama mo, 'no? Awit! Baka makaistorbo ako sa breakfast date niyo, ha!]
"Siraulo! Anong date ka riyan? Breakfast lang. Breakfast," irap ko at natawa naman ito.
YOU ARE READING
Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)
Teen FictionHartley Roses, an accounting student, deals with the stubbornness of a guy he met at the bar. She was soaring high to reach her goals in life, not even thinking of entertaining guys for she believes that those are only barricades that could affect t...