"Ito na sweldo mo, galingan mo mag-aral, ha? Baka mamaya, nalilipasan ka na ng gutom. Gabi na, mag-ingat ka," tapik ni Ma'am Khallista sa balikat ko. Tumango ako at inilagay na sa bag ko ang sweldo ko."Maraming salamat po, Ma'am!" Nakangiting bati ko. Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko.
"Khallista na lang."
Tumango na lang ako at iniligpit ang mga gamit ko. Mabuti na lang at maraming costumers kanina, nag-insist na rin ako maging waitress para dagdag sahod. May mga ibang manyak pa akong na-encounter, mabuti na lang at naaasikaso sila ng bouncer.
"Good night, Hart! See you tom!"
"Ingat sa pag-uwi!"
Kumaway na lang ako sa kanila at nabaling ang tingin ko kay Kuya Jobert na naglilinis. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang mop mula sa kamay niya.
"Ako na po, Kuya Jobert. Mukhang pagod na pagod ka na," nakangiting sambit ko at nagsimula nang magmop ng sahig.
"Nako, Hart, trabaho ko iyan." Akmang aagawin niya pa ang mop pero lumayo na ako mula sa pwesto niya.
"Ako na po, Kuya. Hinihintay ka na po ng pamilya mo. Tsaka, wala naman akong requirement na gagawin po," saad ko. Bumuntong-hininga na lang ito at tinapik ang balikat ko.
"Salamat, iha."
Akmang aalis na siya nang muli siyang magsalita.
"Tsaka 'yong nobyo mo, natutulog na riyan sa couch, kanina ka pa hinihintay," anito. Kumunot naman ang noo ko. May nobyo ba ako?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kian na mahimbing na natutulog. Binitawan ko ang mop at tinapik ang pisngi nito.
"Hoy, Kian, gising!" Tinapik-tapik ko pa ang pisngi nito. He groaned for a bit and shifted his body to the other side. "Hoy, tae ka, ala una na! Lasing ka ba?!"
"Gisingin mo na iyan, Hart. Magsasara na ako," rinig ko pang usal ni Khallista. Napabuntong-hininga na lang ako at pinilit na ipaupo ito, buti na lang at hindi nagpabigat.
"Ano ba, Mahwa? 'Di mo po ako sinasagot!" Anito habang nakapikit pa. Mahwa? Siya ba 'yong sinabi ni Henji na nililigawan ni Kian? So, totoo nga?
Napairap na lang ako. Tinapos ko na muna ang paglilinis at iniligpit ang mga ginamit ko in the process.
Iniwan na lang din sa akin ni Khallista ang susi, nakakahiya tuloy. Ang hirap kasi gisingin ni Kian!
Lumapit na muli ako sa pwesto niya at nakasandal na ang ulo nito sa table.
"Lasing ba 'to? Paano 'yong kotse niya?" Tanong ko sa sarili. Tumingin muna ako sa paligid bago ilapit ang ilong ko sa bibig ni Kian.
Inamoy ko naman ito, "Lasing nga."
"Hahalikan mo ba ako?"
Mabilis akong lumayo mula sa kaniya at tumalikod pa.
"Namamalik-mata ka lang. Bumangon ka na nga, umuwi ka na, madaling araw na," sunod-sunod kong saad. Narinig ko naman ang pagbangon nito kaya nakahinga na ako nang maluwag.
Lumingon ako sa kaniya at nakitang nahihirapan siyang maglakad kaya wala na akong choice at inakbay na lang sa balikat ko ang braso niya.
"Your voice is good, buti ikaw ang pumalit kay Loisse. I don't want to see her in my life, ever again," he said in a husky voice. Napabuntong-hininga ako.
Nakatulog na nga, lasing pa rin.
Isinara ko na ang shop bago ko pa siya inalalayan papunta sa kotse niya.
YOU ARE READING
Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)
Novela JuvenilHartley Roses, an accounting student, deals with the stubbornness of a guy he met at the bar. She was soaring high to reach her goals in life, not even thinking of entertaining guys for she believes that those are only barricades that could affect t...