"Hi po, Ate Hart!"
"Ang galing mo po."
"Ate, papicture."
"Ate, try mo mag-live audio sa facebook, maraming makikinig sa 'yo. Ganda ng boses mo, Ate."
Ilan iyan sa mga bumungad sa akin pagkapasok ko ng unibersidad. Hindi ako sanay na ganito. Pero ganito pala ang pakiramdam? Ang saya.
Medyo naiilang pa ako sa mga nagpapapicture sa akin kasi hindi naman ako sanay magpicture. Alam kong cute ako pero you know? Mas tutok ako ngayon sa studies at trabaho ko.
Nang mag-flag raising ceremony kami ay napatawag din kami sa stage para roon namin kunin 'yong premyo namin; pera, medalya, at sertipiko.
Hindi ko maipagkakaila, may kaya naman kami. Natutustusan naman nina Mama Bear at Papa Bear ang lahat ng mga pangangailangan ko. Sadyang nahihiya lang ako sa kanila dahil nasa kolehiyo na ako kaya gusto kong maghanap ng trabaho para kumita ng pera. Kahit anong raket, papasukan ko, basta hindi lang involve 'yong prostitution, siyempre 'yong marangal.
Basta hindi sila gagastos nang gagastos ng malaking halaga sa akin. Sinasanay ko na rin ang sarili ko na ako ang nag-aalaga sa kanila. Lalo na't may kapatid pa ako— kapatid sa labas, si Gelai.
Tanggap ko naman siya at ng Mama Bear ko, buong-buo. Sadyang ayaw ko lang sa nanay ni Gelai kasi iniwan na lang siya bigla.
Nasa high school na siya ngayon, grade 10.
"Congrats ulit, Hartley!" Bungad sa akin ni Sydney at pinaulanan ako ng halik sa mukha. "1/4?"
"Anong 1/4?" Takhang tanong ko.
Ininguso niya ang hawak kong sobre kaya natawa naman ako. Medyo malaki rin naman ang natanggap kong pera kaya binigyan ko na lang siya.
"Thanks! I love you!" Halik pa nito sa pisngi ko.
Si Sydney ang tinuturing naming 'ate' sa aming magbabarkada. Sadyang hirap lang siya sa buhay ngayon kasi nagsusugal 'yong nanay niya. Medyo mahilig lang sa toknakan pero mabait iyan.
Minsan nga, kahit nakangiti siya, kita pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Ayaw niyang dumagdag siya sa problema namin. Sobrang bait, sa sobrang bait niya ay naiiyak na lang ako kapag nagkakaproblema siya.
Anyways, simula nang manalo kami ay marami nang customers sa Akashi's, I am so happy for Khallista.
"Thank you for coming," bati ko at tumayo na nang maayos bago tumango. Bumaba na ako mula sa stage at pumunta sa couch kung nasaan sina Louna.
"Nice, nandito na naman sina Kendrick," bulong sa akin ni Louna. Lumingon ako sa itinuturo niya at nakita na naman ang mga Constello. Napaiwas pa ako ng tingin nang makita si Kian na nakatingin dito sa direksyon ko.
"Nasaan si Beatraila?" Tanong ko sa kanila at kinuha ang reviewer ko mula sa bag ko. May test kami bukas.
"Ewan ko ro'n, may magagalit daw kapag nakipag-inuman. May boyfriend na ba 'yon?" Sagot sa akin ni Syd. Naalala ko bigla si Khant.
"Ewan, baka naging strikto na lang bigla ang Daddy niya. Remember? Umalis para sa business sa ibang bansa?" Sagot ko.
Umakyat na ang DJ sa platform. Nang nagsimula na siyang magpatugtog ay inaya na naman ako ni Sydney na pumunta sa dance floor.
"Sama na kasi ako, Syd," nguso ni Elle.
"No, stay there!" Banta ni Syd kaya napabusangot na lang si Elle.
Ay, oo, debut na pala ni Elle next month tapos kailangan ng partner.
Si Henji na lang kaya?
O... si Kian?
YOU ARE READING
Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)
Подростковая литератураHartley Roses, an accounting student, deals with the stubbornness of a guy he met at the bar. She was soaring high to reach her goals in life, not even thinking of entertaining guys for she believes that those are only barricades that could affect t...