12

113 12 7
                                    


"Musta naman date niyo kanina ni Kian?"

Sinamaan ko ng tingin si Beatraila at isinalinan siya ng tubig sa kaniyang baso.

"Hindi nga kami nag-date. Tsaka, alam mo namang hindi ako interesado sa ganiyang bagay," singhap ko at umupo sa harapan niya. "Ba't ka pala napadayo rito? Anong oras na, ha?"

Napatingin ako sa wall clock na nandito sa kusina at nakitang alas dos na ng madaling araw.

"Umalis na muna ako sa mansyon. Dito muna ako tumira, please?" Hinawakan nito ang kamay ko at hinaplos. Napakunot naman ang noo ko.

"What?! Lumayas ka?!" Gulat na tanong ko. Nataranta naman ako nang biglaan siyang umiyak kung kaya't nilapitan ko ito at agad niyakap. "A-Anong nangyari? Kwento mo sa akin."

"I s-saw them," hikbi nito. Hindi na ako nagtanong nang mapagtanto kung sino ang itinutukoy niya. "I saw 'him'... with someone."

Nakita na niya siguro kung gaano kababaero 'yong Perseus na 'yon.

"Sabi kasi sa 'yo, e! Masama na talaga kutob ko sa lalaking 'yon! Susugurin namin nina Sydney 'yon bukas!" Inis na usal ko. I flashed his look in my mind and imagined how am I gonna kick his ass off. Not my Beatraila, not my best friend.

Simula't sapul pa lang na nakita ko 'yong Perseus na 'yon, mukhang hindi na talaga mapagkakatiwalaan at babaero. Mukhang adik sa kanto. Ewan ko ba kung anong nagustuhan ni Beatraila sa lalaking 'yon, e, asal kalye naman? Kung makapag-english, akala niya ang ganda pakinggan, halatang trying hard, e, tanggap naman namin kahit magtagalog na lang siya.

Pinapahirapan pa sarili!

Wait..

"K-Kilala mo ba kung sino 'yong babaeng kasama niya?" Tanong ko. Napalingon naman agad siya sa akin at muling bumaling sa kawalan.

I saw how her fist aggresively clenched.

"Mahwa. Mahwa Jaiden Fawzi."

Napapikit naman ako at minasahe ang sentido ko. Akala ko, hindi na nag-uusap 'yong dalawang 'yon kasi 'di ko naman na silang nakikitang magkasama. Halatang magaling talaga magtago.

"Ang kapal lang ng mukha niya magpakita sa bilyaran kasama 'yong babae na 'yon. Alam na alam naman niyang lagi ako tumatambay roon pagkatapos ko malibang sa pag-aaral. I saw how sweet they were! They feel so comfortable with each other!" Napatakip ito ng mukha and started crying, again.

"Shh, he doesn't deserve those precious tears of yours. Wala siyang karapatan para saktan 'yong prinsesa ko," halik ko sa noo niya.

Napagpasiyahan na muna namin kumain ng mga oras na 'yon. Nang mailabas na ni Beatraila lahat ng hinanakit niya ay hinayaan ko na lang siyang matulog sa kwarto ko dahil sa pagod nito kaiiyak. Binantayan ko lang siya magdamag dahil alam kong nag-i-sleep walk 'to kapag may problema.

Baka kung saan na mapadpad 'to.





Kinaumagahan ay nagising ako sa pagtugtog ng alarm ko, sign na kailangan ko nang magising. Agad akong umupo mula sa pagkakahiga rito sa sofa na nasa kwarto ko. Lumingon ako sa kama at napatayo nang makitang wala na si Beatraila roon.

Pumunta agad ako sa side table nang may makitang papel at tray na naglalaman ng breakfast ko.

Binasa ko ang nakasulat.

'Thank you for listening to my rants, again. I cooked you breakfast. Sinundo na ako ng shokoy kong bantay. Nagsumbong kasi kay Daddy kaya kailangan ko na talagang umuwi. Eat your breakfast! Have a nice day! I love you ;)

Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)Where stories live. Discover now