10

84 12 8
                                    

"Ang daya naman, ba't nagpalit ka na ng damit?"

Inirapan ko si Beatraila habang itinitiklop nang maayos 'yong mga ginamit ko kaninang damit. Pawis na pawis na rin naman ako sa damit na 'yon. Tsaka, kanina pa nila ako pinagtitinginan ng ibang tao. Parang may ginawa akong krimen, puto.

"Boyfriend his ass," I scoffed while shaking my head.

Naalala ko na naman kasi 'yong pagano'n ni Kian kanina. Ang sarap tuloy daganan ng binti niyang injured. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung babalik pa ako roon o hindi na. Baka kasi kapag makita ko na naman pagmumukha no'n, mawalan pa ako ng ganang mabuhay.

Jok!

Naghugas na muna ako ng mga kamay ko and did some retouch kasi mukha na naman akong pale. I just changed my clothes into a simple black oversized shirt and a pair of maong shorts partnered with gucci belt. I also changed my hairstyle from a bun into a ponytail.

"Babalik ka ulit kay Kian?" Tanong sa akin ni Beatraila. I shrugged at isinuot na ang backpack ko.

"Oo, sama ka?" Sagot ko at sumandal sa pintuan ng isang cubicle habang hinihintay siyang mag-ayos.

"Nope, manonood pa kami nina Sydney ng billiard, e. You know that I shouldn't miss a game in that sport," singhap nito at humarap na sa akin habang nakangisi.

"What?" Kunot-noong tanong ko. Lumapit ito sa akin and fixed my belt.

"Hindi ka talaga sasama sa amin? Mas pipiliin mo pa makasama si Kian kaysa sa amin?" Nakangising tanong nito. Sinamaan ko ito ng tingin bago umirap.

"He's injured and.. he's... uhm.. my friend!" I sounded defensive dahilan para mas lumawak ang ngisi niya. Hinila ko na lang ang buhok niya. "It's not what you think!"

"Okay, girlfriend lang ang peg mo, 'te?" Tatawa-tawang anito habang inaayos ang ponytail niya. "Diyan din naman hahantong iyan," kindat pa nito.

"No! Eh?? Hindi mangyayari iyan, 'no! You know that I am dedicated with my studies and I don't have any plans on having a boyfriend," iritang saad ko.

"Whatever, Hartley."

Nang lumabas na kami mula sa banyo ay sinalubong kami ni Henji na may hawak-hawak na mga plastik.

"Oh, bigla kang nawala kanina, ha?" Tanong ko at kinuha ang inilalahad niyang plastic sa akin. Nakita kong mga pagkain ito. "Naglunch na ako, Henji, but thanks!"

Umalis na rin si Beatraila kasama sina Sydney, nakasuot pa rin sila no'ng mga nakakahiyang damit nila.

"Saan punta mo?" Tanong sa akin ni Henji habang sumusunod sa akin na naglalakad.

"Kian," simpleng tugon ko.

"Sama ako!" Sigaw nito nang maunahan ko siyang maglakad. Tumakbo siya papunta sa tabi ko at nagsabay na nga kaming maglakad.

Tahimik lang kami all the way there. Tumango na lamang ako kina Kendrick at Kyros na nasa labas ng room ni Kian. Tumango rin sila sa akin kaya pumasok na kaming dalawa ni Henji sa loob.

Nakita pa namin ang nurse na nakikipagtawanan kay Kian habang inaayos ang bandage sa binti nito.

"Kapag nakaganti ako sa lalaking sumipa sa akin, ikaw rin umasikaso sa kaniya, ha? Dapat higpitan mo rin nang sobra paglalagay mo ng ganiyan, mas mukha namang mahina 'yong gunggong na 'yon," rinig kong saad ni Kian.

"Oh, 'yan, tapos na, Kian. Mag-ingat ka na lang sa susunod. Gwapo ka pa naman," hagikgik no'ng nurse bago tumayo at napaigtad pa nang makita kami. Pagak na ngumiti sa amin ito bago tumango at lumabas mula sa kwartong ito.

Beneath the Dancing Lights (Constello Series #1)Where stories live. Discover now