Chapter 3
Makalipas ang maraming buwan ay natapos na rin ako sa pagiging homeschooled. Kaya ngayon ay ipapaayos ko sana ang aking pangalan para makasigurado na hindi ako makilala nang mga naghahanap sa akin. At isa pa ay para na din ito sa darating na pasukan.
Pumayag sina Mama at Papa na mag kolehiyo na ako sa isang unibersidad dito. Lubos ang aking pasasalamat dahil lahat ng naisin ko ay ibinibigay nila sa akin. Hindi ko rin lubos maisip na magiging ganito ang trato nila sa akin. Tratong para bang tunay nilang anak.
Hindi man lang ako naexcite na muling makapasok sa paaralan. Dahil naalala ko parin noon ang mga kaibigan ko. Kaibigan ko na pinatay niya.
Mayroon parin dito sa isip ko na kailangan kong mag doble ingat dahil baka mamukhaan ako nang mga taong pumatay sa kanila. Alam ko sa sarili ko na malaki na ang ipinagbago ko, maging ito man sa itsura o ugali. Kung dati ay patpatin ako, ngayon ay malulusog na. Kung dating mahina ako at 'di ko kayang ipagtanggol ang sarili ko, ngayon ay kaya ko na. Kaya malaki na rin ang porsyento na hindi na rin nila ako makilala, dahil wala pa akong balak magpakilala sa kan'ya.
Nang sinabi ko kila Papa at Mama na gusto kong mag palit ng pangalan ay tinanong nila ako kung ano ba ang aking dahilan.
"Ma, Pa." Tawag ko sa kanila. Nandito kami sa dinning area at kumakain, lumingon naman sila sa akin kaya nagsalita na ulit ako.
"Maaari po bang mag palit ako nang pangalan kasi po malapit na po kasing mag pasukan." Bigla silang natigilan sa aking sinabi.
"Bakit gusto mo pang magpalit ng pangalan?" tanong ni Mama.
"A-Ano po kasi..." nahihirapan akong sabihin sa kanila ang totoong dahilan ko at napayuko na lamang. Ngunit natigilan ako sa sinabi ni Papa.
"Sige papayag ako, basta sa isang kondisyon. Sasabihin mo sa amin kung sino ba ang may gawa sa pagkamatay ng mga magulang mo." Alam kong matagal na nila gustong itanong ito, pero hindi ko magawang sabihin sa kanila dahil hindi ko naman talaga kilala ang demonyong matandang 'yon, dahil sa mukha ko lamang siya nakikilala. Marahil ito na nga ang tamang panahon para sabihin sa kanila ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
Wounded Hearts
ФанфикSi Aeshynn Brielle Castroverde ay maagang naulila sa magulang at mga kaibigan dahil sa isang kaganapang hindi niya inaakalang mangyayari at ang mas malala pa no'n ay siya mismo ang nakasaksi kung paano patayin ang mga ito. Punong-puno ito ng paghihi...