Prologue
"Woah, ang ganda naman dito!" Mika said with the amusement in her voice.
Nagyaya kasi sila na gumala pag dating ng uwian at dito kami napadpad sa isang gubat. Well, she's right 'cause this place is so beautiful. Maraming mga malalagong puno at napapaligiran kami ng mga magagandang bulaklak. Inaayos ko ang mga dala naming pagkain ng nagyaya sila na pumunta pa sila sa gitna ng gubat dahil may naririnig silang agos ng tubig at gusto nilang mag tampisaw doon.
"Tara na kieth," aya ni Mika.
"Oo nga tara na!" Excited na sabi ni Yna.
"Nako mukhang delikado yata diyan huwag na kaya kayo tumuloy?" Dahil sa totoo lang mukhang delikado talaga at baka mapalayo pa kami.
"Nako naman kieth napaka kill joy mo naman! Halika na nga Rhy, Yna, Mika hayaan na natin siya dito." iritadong sabi ni Kris. I smiled to them to assured that it's okay and sanay na ako sa ugali ni Kris.
"Okay.. basta sunod ka ah?" Rhy said.
Mukhang malayo na sila dahil hindi ko na gaanong naririnig ang kanilang mga boses. Ilang minuto rin nang matapos ako sa pag aayos ng pagkain namin. Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi talaga ako nagsisi na sumama sa kanila dahil sobrang ganda talaga dito.
Nakarinig ako ng sigaw at mukhang galing ito sa gitna ng gubat kung nasaan ang mga kaibigan ko. Kinabahan ako at agad na tumakbo patungo roon at nabigla ako sa aking nakikita, isang malaking abandonadong lugar, mga armadong lalaki na hawak ang mga kaibigan ko at isang matandang lalaki na may hawak na baril.
Umiiyak sa takot sina Yna at Mika habang nanlalaban naman sina Rhy at Kean.
Hindi ko alam ang gagawin ko, tiningnan ko silang muli at nag isip kung ano ang puwede kong gawin. Paano kung humingi ako ng tulong?
Tama, hihingi ako nang tulong! Hintayin niyo ako!
Akmang tatayo na ako nang makarinig ako ng dalawang malakas na putok ng baril. Napalingon agad ako at nakitang nakahandusay na sa sahig sina Rhy at Kean. Hindi ako agad nakagalaw, nanatili akong nakatulala habang tinitingnan ang mga kaibigan kong nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo.
"Ano bang ingay iyan?" Iritadong sabi nang magandang babae na kakalabas lang. Ngunit napawi ang kaniyang pag kairita nang nakita nya ang aking dalawa pang kaibigan na umiiyak.
"Oh, ang gaganda naman nito saan niyo nakuha ang mga batabg babae na ito?" Tanong nang babae habang hinahaplos ang mukha ni Mika.
"Nakita lang po namin sa gitna ng kagu-"
"Ah!"
Napatili ako nang biglang may gagamba na nahulog sa aking balikat. Tinakpan ko agad ang bibig ko para hindi nila ako marinig pero mukhang huli na ang lahat dahil nakita na ako nang mga armadong lalaki at bago ako makalayo ay naririnig ko pa silang nag-uusap.
"Ano iyon?!" Gulat na sabi ng matanda.
"M-May batang babae po na---" utal na sabi noong lalaki.
"Ano pang hinihintay niyo?! Habulin niyo!"
Takbo! Takbo! Takbo! Hindi ko na alam kung nasaan ako at alam kong hindi pa ako tuluyang nakakalayo!
Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang tumakbo pa pero kapag tumigil naman ako ay baka maging katapusan ko na rin. Nagtago ako sa isang malaking bato dahil sa pagod at maya-maya lang ay narinig ko na silang nag-uusap.
"Mukhang nakawala na iyong batang babae. Tara na bumalik na tayo." Nang wala na akong narinig ay agad na akong tumakbo, nakarating ako sa kalsada at mukhang bihira lang ang mga sasakyan dito dahil kahit isa ay wala man lang akong makitang sasakyan.
Sa sobrang panghihina ay napabulagta ako sa sahig. Umiikot na ang aking paningin hanggang sa hindi ko na talaga nakayanan at tuluyang nawalan ng malay.
---
BINABASA MO ANG
Wounded Hearts
FanfictionSi Aeshynn Brielle Castroverde ay maagang naulila sa magulang at mga kaibigan dahil sa isang kaganapang hindi niya inaakalang mangyayari at ang mas malala pa no'n ay siya mismo ang nakasaksi kung paano patayin ang mga ito. Punong-puno ito ng paghihi...