Chapter 13

80 28 6
                                    

Chapter 13

Tatlong araw na lang bago matapos ang semestral break pero hindi na kami hinayaan ni tita na tumulong mag tinda dahil siya naman daw ang babawi sa amin.

After a long trip we arrived at the picnic grove here in the tagaytay and all of us were amazed by its appearance. There are many nipa huts that anyone can stay, makikita mula rito ang view ng Bulkang Taal at maari ring mag horseback riding at zipline.

Habang nagmamasid sila sa ganda ng tanawin ay isa-isa ko ng inayos ang mga pagkaing dala namin na niluto lahat ni tita.

"Baby picture tayo do'n." Hindi na ako nakaapila ng hinila niya bigla ang kamay ko.

"One, two, three smile!"

Ang daming na niyang nakuhang shots pero hindi parin ito tumitigil kaya nag-isip ako ng paraan para tumigil na siya.

"Baby ayoko na pagod na ako." Nagkukunwaring malabing na ani ko. Bigla itongg napalingon sa akin at rumihistro ang gulat sa kaniyang mukha.

"T-Tinawag mo ba ako?" Hindi makapaniwalang asik niya. Malungkot akong tumango, nag papanggap na pagod na.

"Damn... baby bakit ang ganda mo?" Nakatitig na ito ng mariin sa akin. Hindi na ako sumagot at iniwan siya do'n, sa wakas nakatakas din ako. Naririnig ko pa ang habol na pag tawag niya pero hindi ko na ito pinansin at dumiretso na sa nipa hut kung saan naroon sila.

Masaya naming pinagsaluhan ang mga luto ni tita habang nag kukuwentuhan. Nag paplano kaming sumakay sa zipline at subukan ang horseback riding pero itong si Zann ay palaging tumatanggi kaya ilang pang-aasar na naman ang inabot niya sa amin.

"Bro matuturn off niyan sa iyo si Aesyhnn."

"Kabaklaan mo bro! Hindi ka niyan sasagutin bahala ka."

"Anak, kapag hindi ka sumakay sa zipline na iyan ay hahanap na ng ibang manliligaw iyang si Aesyhnn," panggagatong ni tita na ikinanuot ng noo ni Zann at masamang tumingin sa akin.

"Hindi ka mag hahanap ng ibang manliligaw Aesyhnn, ako lang dapat maliwanag?" May paturo-turo pa ito sa sarili, humalukipkip lang ako at hindi nag salita.

"Ayaw niya daw po kuya sa hindi sumasakay ng zipline," dugtong ng kapatid ni Myles.

"Sino bang hindi sumasakay sa zipline na iyan? Tara na nga!"

Malakas kaming nag tawanan nang nauna na siyang maglakad sa amin. Matapos ang pag akyat ay nakarating na kami sa taas at isa-isa na silang sumubok hanggang sa kaming dalawa na lang ni Zann ang natira.

"Anong hitsura 'yan?" Lumukot lalo ang mukha niya at nakangusong tumingin sa akin.

"Baby kailangan ko ba talagang gawin 'to?"

"Depende naman iyon sa iyo. Kung ayaw mong mag hanap ako ng ibang manliligaw sumunod ka sa akin alright? I'll wait for you baby." I gave him a wink bago tuluyang nag pahila paibaba.

Kalahating minuto kaming nag hintay pero walang bumabang Zann. Tumuloy na lang kami sa nipa hut at nagulat ng doon namin siya nakitang kumakain, ilang pang aasar na naman ang inabot nito at niisa sa amin ay hindi niya pinagtuunan ng pansin.

Napakabakla mo talaga Zann.

"Confirm ka na talaga sis!" Boses baklang ani Steve at kinakaway ang kaniyang kanang kamay, malakas kaming nag tawanan at kinantyawan pa ito.

"Jusmiyo kang bata ka, paano ka sasagutin niyan." Nangingiting ani Tita.

"Mag hanap ka nang bagong manliligaw at palitan mo na itong si Zann," gatong ni Myles.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon