Chapter 5
"Hoy Aeshynn Brielle."
"Aeshynn Brielle!"
"Aeshynn Brie--,"
"Bakit ba ang ingay mo?" irita kong tanong.
"Woah chill." Nakataas ang dalawa nitong kamay habang nakangisi.
"Pinapatawag tayo ni Mr. Acosta sa office niya." Hindi ko na siya pinansin at tinalikuran na para pumunta sa office.
"Teka sandali lang.."
Kalalaking tao ang ingay-ingay. Wait, lalaki nga ba? Ewan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin pa. Pagdating namin akala ko ay papagalitan na naman kami pero hindi dahil mas malala pa pala ang parusa.
May pinapagawa siya dahil wala siya bukas and by partner daw ang kailangan. Guess what? Partner ko si Monticalvo, nakakaasar.
Bago mag uwian in-explain niya ang sinabi sa amin ni Mr. Acosta sa mga k-klase namin at
nang matapos sa pag sasalita ay dumiretso siya sa akin. Tamad ko naman itong tiningnan."Saan tayo mamaya?" tanong nito. Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot.
"Baka matunaw ako niyan ah?" nakangisi nitong tanong. Parang tanga lang, inirapan ko ito at tinanggal na ang tingin sa kanya.
"Kung okay lang sa iyo pwede naman sa bahay namin," napaangat ang isa kong kilay sa sinabi nito at ibinalik ang tingin sa kanya.
"'Wag kang mag alala wala naman akong gagawing masama sa iyo." Wala ka naman talagang gagawin sa akin dahil mas gusto mo pa yata kasama ang mga lalaki at subukan mo lang may gawin dahil tatamaan ka talaga sa akin.
"Huwag mo kong masyadong titigan." Napatulala na pala ako sa kanya, wala siyang kaalam-alam na pinapatay ko na siya sa isipan ko.
"Kapal," irap ko.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila at hindi ko akalain na ganito kalaki ang kanilang bahay, wala pa yata sa kalahati ang sa amin.
"Tuloy ka," aya nito. Sumunod naman ako sa kanya at umakyat kami paitaas at dito sa library kami dumiretso.
"Maupo ka, mag papalit lang muna ako. What do you want? Water, juice or coffee?"
"Coffee." Tumango ito at umalis na. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay nilibot ko ang paningin ko sa library nila, malaki ito kumpara sa library nila Papa. Sa palagay ko ay nandito na yata lahat ng libro dahil sa sobrang dami nito.
Nag tingin-tingin pa ako sa bandang likuran at napansin ang ilang mga frame na nasa mini table, kumuha ako ng isa at nakita ang isang lalaki na akay-akay ang isang bata na mukhang si Monticalvo. He looks familiar, parang nakita ko na siya somewhere pero hindi ko matandaan kung saan. Dadampot na sana ako ng panibagong frame ng biglang may nag salita sa likuran ko.
"Tapos ka na ba pag masdan ang mukha ko?" Hindi ko ito inimik at tinalikuran na lang. Hindi lang pala kasi kabaklaan ang taglay nito, kahanginan din.
Inilabas na namin ang mga gagamitin para sa gagawin. Binuksan ko na ang laptop ko at tinititigan lang ito habang naka hawak sa aking baba.
Anong gagawin ko? Hindi ko naman alam ito kung paano gawin. Ibinaling ko ang aking paningin sa katabi ko at iyon siya at seryoso sa kaniyang ginagawa.
"Don't stare at me," aniya ng hindi inaalis ang tingin sa kanyang laptop. Napaiwas naman ako ng tingin, masyado siyang assuming ah.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa laptop. Ano bang gagawin ko? Bahala siya diyan, hindi ko naman alam ang gagawin ko dito eh. Sinuot ko nalang ang earphones ko at nakinig na lang ng music.
BINABASA MO ANG
Wounded Hearts
FanfictionSi Aeshynn Brielle Castroverde ay maagang naulila sa magulang at mga kaibigan dahil sa isang kaganapang hindi niya inaakalang mangyayari at ang mas malala pa no'n ay siya mismo ang nakasaksi kung paano patayin ang mga ito. Punong-puno ito ng paghihi...