Chapter 4

156 85 20
                                    

Chapter 4

Aalis na sana ako nang mapansin ko iyong babaeng binubully kanina, wala ba siyang balak tumayo diyan?Namamangha niyang pinagmamasdan ako. Hindi naman ako kagandahan kaya anong tinatanga niya diyan? Tsk. Tinalikuran ko na siya at hinayaan na siya do'n.

Pumasok na ako at naupo sa aking upuan. Pag kaupo ko ay ang siyang pag dating din ni Mrs. Obbay. Mabuti nalang at hindi ako na late, dahil kung na late ako ay magkakaroon ako ng plus 10 sa darating naming mga quiz.

Isa rin siya sa mga prof. na ng babagsak ng mga estudyante, mayaman man o hindi. Hindi daw siya nagpapabayad para lang makapasa ka sa subject niya. Palagi siyang ganoon kaya marami sa mga estudyante ang natatakot sa kan'ya.

Nag check na siya ng attendance. Gan'yan siya lagi, para makita niya kung sino ba ang may pagkakataong bumagsak sa kanya. Wala ka talagang lusot.

Habang nag c-check ng attendance ay ang pagdating no'ng babaeng binubully kanina. Ilang sermon muna ang binigay sa kan'ya bago makaupo. Patuloy lang siya sa pag tawag ng mga pangalan.

"Castroverde, Aeshynn Brielle?" agad naman akong nagtaas ng kamay. Ilan pa ang tinawag bago mabanggit ang pangalan nang babaeng binully.

"Sacquillo, Myles?" agad naman siyang nagtaas ng kamay. Nakatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumingin sa akin. Agad naman siyang yumuko ng mapansin niyang nakatingin ako at tinutok na lamang ang kan'yang atensyon sa professor naming nagsisimula nang mag turo.

Sayang siya, matalino naman. Ba't di niya ginagamit yung talino niya kanina sa mga babaeng umaapi sa kanya?

At ano bang pakialam ko?

Tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Mrs. Obbay, dahil baka mag tawag pa ito at hindi ako makasagot.

Natapos na ang dalawang subject at break time na, nakakagutom palang makinig kahit wala naman talagang napasok sa utak ko dahil puro hikab lang ang pinaggagagawa ko kanina.

Pumunta ako ng canteen para bumili ng pagkain. Maraming tao sa canteen. Kaya ayokong kumain dito eh, bukod sa marami na ngang tao, ay ang iingay pa nila.

Bumili lang ako ng coffee at isang slice ng cake pag katapos ay naglakad na palabas, ngunit bago pa man ako makalabas ay nakikita ko na ang paparating na tatlong babaeng bully. Nang malapit na ako sa kanya ay nag salita ang pinuno nila.

"Hoy babae!" inis nitong tawag sa akin. Tiningnan ko lang siya ng hindi tumitigil sa paglalakad, nakalagpas na ako sa kanila nang muli ulit siyang sumigaw.

"Hoy!" sigaw niya. Marami nang nakatingin sa kaniya pero wala akong pakialam dahil nagugutom na ako, bahala siya sa buhay niya.

Naisipan kong sa room nalang kumain dahil pag pumunta pa ako sa garden ay mauubos pa ang oras ko. Ilang minuto lang naman kasi ang break time kaya mamayang lunch na lang siguro.

Kumakain ako nang mapansin kong may tumayo sa gilid ko, nilingon ko ito at nakitang si Myles iyon. Na bigla naman siya sa paglingon ko, tiningnan ko lang ito dahil mukhang may sasabihin.

"A-Ah s-salamat pala kanina," nakatungo nitong sabi. Ba't siya nagpapasalamat? Ah, siguro akala niya niligtas ko siya kanina.

"Bakit ka nagpapasalamat? Hindi ko naman iyon ginawa para sayo," natigilan siya sa sagot ko. Bakit? Akala niya para sa kanya 'yon?

"B-Basta salamat," tugon nito at bumalik na sa kan'yang upuan. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko. Unti-unti ng nag dadatingan ang mga kaklase ko.

"Uy nakita nyo ba kanina yung mukha ni Masha? Grabe galit na galit siya," sabi ng kaklase ko sa mga kasama niya sabay tawa ng malakas.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon