Chapter 8
Anong oras na hindi parin ako dinadapuan ng antok, ayos lang naman mag puyat dahil wala namang pasok bukas kaso...
"Susunduin kita bukas ng 9:00 am at bawal tumangi."
Psh! Bwesit ka talaga Monticalvo, pangalawang beses mo na akong hindi pinapatulog. Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa 'yong sinasabi niya kahit wala namang kwenta pero hindi ko kasi maiwasan. Date ba ang nasa isip ko? Damn! Hindi. Hindi. Ba't ba kasi iyan 'yong unang pumasok sa isip ko? Tsk.
Napamulat ako ng mata ng may kumatok sa pintuan ko. Hindi ko iyon pinansin at ipinikit nalang ulit ang mata, kulang pa ako sa tulog.
"Aeshynn gumising ka na at may naghihintay sa iyo sa ibaba," rinig kong sabi ni Manang Olga.
"Manang mamaya na po." Kinuha ko ang isa kong unan para itakip sa tainga ko at muling ipinikit ang mga mata.
"Anong sasabihin ko sa kaklase mo?"
"Paki sabi po mamaya na lang." Hindi ko na narinig ang boses ni Manang marahil ay bumaba na iyon. Pinilit ko ulit matulog ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay ayaw na ng mga mata ko bumalik sa pagtulog at tuluyan ng nagising ang diwa ko. Ano ba kasing sinasabi ni Manang Olga na may kaklase daw ako na naghihintay sa baba?
Wait... Kaklase? Fuck! Si Monticalvo nga pala!
Agad akong bumangon at nakitang 9:20 am na, nag madali akong kumuha ng damit at dumiretso sa banyo. Limang minuto lang yata ang itinagal ko at binilisan ang pag-aayos.
Naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Manang Olga sa sala. Napatingin ito ng bumaba ako sa hagdan at nakikita ko sa mukha niya ang inip.
"Mabuti naman at bumangon ka na kanina ka pa hinihintay ng batang ito." Umalis na si Manang Olga at pumunta na ng kusina matapos niyang sabihin iyon.
"Let's go?" aniya. Tumayo ito at naglakad na palabas kaya sumunod naman ako dito. Nagulat ako ng pinagbukasan niya ako ng pinto kaya naman ay pumasok na ako roon at hindi na inintindi ang inaakto niya. Umikot siya at pumasok na rin sa sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa at walang may balak na mag salita.
Hindi ko alam kung bakit ako sumama dito kay Monticalvo, hindi naman sa natatakot ako sa kaniya, talagang hindi ko lang alam. Siguro dahil nga ito sa pag tulong niya sa akin noong nakaraan, oo tama doon lang 'yon.
"Buti nagising ka pa?" Bigla siyang nag salita. Gusto niya na ba akong patayin at ganiyan siya mag tanong? Pasalamat pa nga siya sumama pa ako sa kaniya.
"Eh ikaw, buti nagising ka pa." Balik ko sa kaniya, nabigla ito sa sagot ko at tumawa.
"I mean, buti at bumangon ka na," he chuckled. I rolled my eyes. Ayusin mo kasing mag tanong!
"Saan pala tayo?" Hindi ko alam kung nasaan na kami kasi hindi ako pamilyar sa mga lugar dahil sa tagal kong hindi nakaka pag gala.
"You'll see."
Hindi nag tagal ay huminto na ang kaniyang sasakyan, agad naman akong bumaba para makita ang lugar. Amusement Park. Isang beses pa lang ako nakakapunta sa ganito at ang huling beses pa noon ay bata pa lang ako. Ang dami kong nakikitang mga kabataan, grupo ng pamilya at marami pa.
Pumasok kami sa loob at napahanga na lang sa mga nag tataasang rides dito. Hindi ko maimagine na sasakay ako sa ganiyan, hindi ko kaya. Babaliktad yata ang sikmura ko kapag ginawa ko iyon.
"You want to ride?" he asked. Mabilis akong umiling sa sinabi niya.
"No."
"Are you scared?" He chuckled. Minamaliit niya ba ako?
BINABASA MO ANG
Wounded Hearts
FanficSi Aeshynn Brielle Castroverde ay maagang naulila sa magulang at mga kaibigan dahil sa isang kaganapang hindi niya inaakalang mangyayari at ang mas malala pa no'n ay siya mismo ang nakasaksi kung paano patayin ang mga ito. Punong-puno ito ng paghihi...