Chapter 7

108 62 10
                                    

Chapter 7

Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ang apat dahil sa nangyari kahapon, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.

"Hi Aeshynn, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Naglalakad ako sa hallway ng mapahinto ako dahil sa pagtawag ni Nathan kaya agad ko naman itong hinarap.

"Maayos na ang pakiramdam ko, salamat." Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano pero sa huli ay ginawa ko parin.

"Good. Tara sabay na tayong pumasok," aniya. Tumango naman ako bilang pag sagot at muling nag patuloy sa paglalakad.

"Hi Aeshynn, bakit ka pala pumasok? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ni Steve. Nagugulat ako sa mga asal nila, masyado silang mabait sa akin.

"Uhm yeah, thank you." Ngumiti ako rito, hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero sinasabi ng isip ko na kailangan ko iyong gawin. Bigla namang sumulpot si Monticalvi at nagulat ng makita ako ngunit napalitan agad iyon ng pag kunot ng kaniyang noo.

"Are you okay?" bigla nitong tanong.

"Yeah, I'm okay. Thank you."

Pinasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko at tila sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo, tumango ito ng hindi parin nawawala ang kunot sa kaniyang noo. Naupo na kaming lahat ng pumasok si Ms. Obbay. Nag discuss siya ng kaunti at binanggit sa amin ang mga kailangang i-review para sa mga darating na test dahil malapit ng matapos ang 1st semester. Lahat ng sinabi niya ay inilista ko para hindi ko makalimutan iyon.

Matapos ang ilang subject ay nag ayang kumain sina Steve at Nathan, tatanggi sana ako kaso hindi ko magawa dahil nahihiya naman ako. Isinama rin nila si Myles pero tumanggi rin ito ngunit dahil mapilit ang dalawa gaya ko ay pumayag na rin ito.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at sinisimulan ng kumain. Nasa harapan ko si Monticalvo, katabi niya si Steve, kasunod si Nathan, at nasa tabi ko naman si Myles.

"Malayo pala ang bahay niyo dito sa School Myles, mabuti hindi ka palaging nahuhuli sa klase?" tanong ni Steve habang kumakain.

Sa tingin ko ay siya ang pinaka madaldal sa tatlo, si Nathan ay hindi gaanong palasalita at itong si Monticalvo naman ay madaldal din pero hindi naman katulad nitong si Steve na nasobrahan sa kadaldalan. Naramdaman kong nagulat si Myles dahil sa tanong ni Steve pero hindi ko na iyon pinag tuonan ng pansin.

"A-Ah maaga kasi akong pumapasok," nahihiyang aniya.

"Ang sipag mo namang gumising ng maaga sana all," natatawang sabi ni Nathan. Ngumiti nalang si Myles sa dalawa.

Napuno ng tawanan ang lamesa namin dahil sa asaran ng mga taong nasa harapan namin ni Myles. Nangingiti lang pero hindi ako tumatawa gaya ng gingawa ng mga taong kasama ko ngayon.

"Kagabi bro nag laro ako ng ML si Johnson ang ginamit ko at pinagtripan ko 'yong mga kakampi ko, binabangga ko sila sa torre ng kalaban kaya ayon patay kaming lahat." Malakas na humalakhak si Steve.

"Bugok ka kamong mag drive, anong pinagtitripan ang sinasabi mo?" Si Nathan, nang aasar.

"Kanser ka kasi," dugtong naman ni Monticalvo.

"Hoy anong kanser? Palagi nga akong nagbubuhat sa mga kakampi ko kasi gano'n ako kalakas." Nag mamayabang nitong sabi.

"Anong malakas ang sinasabi mo? Palagi ka ngang nag papabuhat sa amin ni Zann," nang tutuksong sabi ni Nathan. Napasimangot naman si Steve dahil doon kaya humalakhak ang dalawa.

Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan pero natutuwa parin ako sa panonood. Bigla ko tuloy na naalala ang mga kaibigan ko dahil ganito rin kami noon, ayokong malungkot kaya inalis ko iyon sa aking isipan. Bumalik na kami matapos kumain ngunit patuloy parin nilang inaasar si Steve.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon