Chapter 9
Matapos ang huli naming pagkikita ng mga pesteng iyon ay ilang araw ko na silang hindi nasisilayan, nasindak na ba sila? Ayaw yata nila akong makasamang mag bakasyon, sayang naman at nag handa pa naman ako.
Friday ngayon at nag-aya si Steve na pumunta kami sa bahay nila bukas dahil wala namang pasok. Hindi na kami nakatanggi ni Myles nang mag inarte si Steve, natawa na lang kami dahil doon.
"Minsan na nga lang ako magyaya tapos ganiyan pa kayo," nagtatampo nitong sabi.
"Hindi bagay sayo bro," kantyaw ni Nathan.
"Mas bagay sakin mag tampo Steve kasi alo ang pinaka gwapo sa ating tatlo."
Napakayabang ni Monticalvo ang sarap ibalibag. Pag katapos niya iyong sabihin ay iniwan na namin siya sa labas ng Cafeteria at pumasok na kami.
"H-Hoy sandali!"
"Bakit niyo naman ako iniwan doon?" nagmamaktol nitong sabi. Walang pumansin sa kaniya at nag patuloy lang kami sa pagkain. Bigla itong tumayo at kinuha ang pagkain niya.
"Hindi niyo man lang ba ako pipigilan?" nag iinarte niya paring sabi.
"You can go now bro," asar ni Nathan. Tumingin siya sa akin na parang sinasabing pigilan ko siya.
"Go," taboy ko rito. Padabog niya namang inilapag ang pagkain niya at naupong muli. Tinawanan na lang namin siya dahil sa pagka isip bata nito.
Siya ang matampuhin sa grupong ito, si Nathan naman ang pa cool lang, si Steve naman puro kagaguhan lang at si Myles na palaging tutok sa pag-aaral.
Matapos ang aming klase ay dumiretso na ako sa pag uwi. Nagtataka ako ng maabutan ko sina Mama at Papa sa dinning at kasama nila si Mr. Manuel, iyong pulis. Mabilisan akong nag ayos ng sarili at bumaba pagkatapos. Maaga yata silang nakauwi ngayon. Binati ko muna silang lahat bago naupo.
Nag kukuwentuhan sila Papa tungkol sa kanilang mga trabaho at sa iba pang mga bagay, nasasali lamang kami ni Mama kapag itinatanong nila kami.
"Manuel alam mo ba itong anak ko ay natuto rin ng Martial arts gaya ko? Aba may pinagmanahan ang batang ito," magiliw na sabi ni Papa. Gulat namang napatingin sa akin si Mr. Maunel at binigyan ako ng ngiti.
"Kung interesado ka ay maaari kitang turuan humawak ng baril," masayang sabi ni Mr. Manuel. Natuon sa kaniya bigla ang buong atensiyon ko.
"P-Pwede po ba?" Nagugulat kong tanong. Tumango naman ito sa akin habang nakangiti.
Tuwang-tuwa akong umakyat sa kuwarto matapos ihatid si Mr. Manuel sa labas. Maaari raw akong mag paturo sa kaniya kahit kailan basta tawagan ko lang daw ito. Agad ko namang ni-save ang number niya sa cellphone ko at niyakap iyon.
Bagong kaalaman na naman para sa paghihiganti ko, humanda ka.
Tapos na akong maghanda para sa lakad namin ngayon kaya bumaba na ako, nagtataka ako ng naroon si Zann sa sala at kinakausap si Manang Olga, napatingin ito sa gawi ko.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
Umiling lang ito at nag paalam kay Manang Olga na aalis na kami. Papasok sana ako sa front seat ng makitang nandoon si Nathan kaya sa likod na lang ako dumiretso, gulat din ako nang makitang nandoon na rin si Myles. Binati ko sila nang makapasok ako sa loob, ako na lang pala ang hinihintay.
Tumigil kami sa isang malaking bahay, kila Steve na yata 'to. Pag pasok namin sa loob ay ang masayang mukha ni Steve ang sumalubong sa amin. Pinaupo niya kami sa sala nila at nag handa ng pagkain kahit na mayroon naman silang mga kasambahay, pag katapos no'n ay naupo na siya sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Wounded Hearts
ФанфикSi Aeshynn Brielle Castroverde ay maagang naulila sa magulang at mga kaibigan dahil sa isang kaganapang hindi niya inaakalang mangyayari at ang mas malala pa no'n ay siya mismo ang nakasaksi kung paano patayin ang mga ito. Punong-puno ito ng paghihi...