2

23 1 0
                                    

Natapos at dumaan ang isang linggo mula noong magsimula ang discussion tungkol sa gagawin naming thesis. Sumabay pa ang paghahabol sa mga requirements at pagasikaso ng paperworks sa ibang subjects na kailangang maipasa bago magsimula ang sembreak. I have one thing to describe that week: hell. I had to experience again sleepless nights and early mornings na hindi na rin naman bago dahil lagi na lang ganito every year.

I sighed upon closing the last portfolio I fixed tonight. Inunat ko ang likod ko at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. It was already 11 o'clock in the evening but I still have some last minute works to finish for our event tomorrow. I belong to a club where economics is under. It is a contest for the 10th graders who have skills on drafting patterns and sewing. Bibigyan ang mga kabilang ng sapat na oras para makagawa ng gown na straight from scratch. Sa amin manggagaling ang lahat ng raw materials na nirequest na ng mga contestants beforehand.

There are 5 groups competing and each has 3 persons. These three will divide the work in order to finish on time. It will surely be a long day tomorrow. Though I know mas mahirap sa part ng contestants dahil sila ang gagalaw. The event will last for approximately 10 hours or so. Iniisip ko pa lang, nangangawit na ako. Hindi rin kasi madali ang paggawa ng gown.

Bumalik ako sa sala at nagligpit ng mga kalat bago binuksan ang laptop to contact other people who are also responsible for the event. I finished before 12 midnight. Thank God, I'll have at least a proper sleep tonight. Isang linggo na akong puyat. I did my night time routine and then scrolled through my phone for a bit to feel sleepy.

Nakukuha ko na 'yung tulog ko with my most comfortable position nang biglang tumunog ang phone ko. Who would call in the middle of the night?

Marcus MacQuoid

Ha? Kinusot ko ang mga mata ko para masigurong tama itong nakikita ko sa screen. Hinayaan ko munang mag-ring ng ilang beses bago sagutin.

"What is your problem? Bakit ka nambubulabog? Hatinggabi na for Pete's sake!" Singhal ko kaagad sa kaniya pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag.

"I'm sorry, babe.. nagising ba kita?" Sandali akong natigilan at tinignang muli ang pangalan. It's Marcus. Sigurado akong kaniya ang boses na 'to. Still high pitched pero parang nanginginig.

"Anong pinagsasabi mo riyan? Lasing ka ba?"

"You know I can't sleep without hearing your voice diba," Bahagya akong natawa dahil sa papiyok piyok na boses niya. He's really trying hard not to sound like his usual self. I didn't know if his voice was husky because he was sleepy or he was just really drunk. Tss. Ilang bote ng alak na naman kaya ang nainom niya? Nung huli kasing makasama ko siya sa party ay birthday ng mutual namin, maya't maya siyang nanginginig dahil naiihi sa sobrang daming alcohol intake niya at kung sino sino ang hinihigit niya at tinatawagan ng kung anu-anong baduy na endearment.

"Wala akong panahon sa mga prank mo, Marcus. Pagod ako," To hang up is all I ever wanted to do. Inaantok na talaga ako at kung wala siyang matinong sasabihin, wala akong oras.

"Okay, babe.. good night. I love you."

I love you? I suddenly found myself holding my breath for a moment. I didn't expect that coming. Humugot ako ng isang malalim na hininga. This is not funny! Kung sa tingin niya'y ganun lang kadaling bitawan ang mga salitang 'yun para sa pampaprank niya, pwes, sa akin hindi. Pabagsak kong inilagay sa bedside table ang phone ko at sinubukang matulog pero hindi ko nagawa. Nawala na kasi ang komportable kong posisyon nang tumawag si Marcus. Alam kong matatagalan pa bago ako antukin ulit kaya tumayo ako sa kama para magsearch na lang ng articles tungkol sa thesis topic namin. Kahit kaunting references and infos lang ang makuha ko.

No MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon