7

10 2 0
                                    


Parehas naming ibinagsak sa buhanginan ang mga naipon naming shells. We both got 12 shells. Marcus and I decided to do the game with no pressure. If the other one asked a question that could cross the line, it is okay not to answer it. Kung ano lang iyong kaya naming sabihin ay iyon lang ang malalaman ng isa. Umalis saglit si Marcus para may kunin sa compartment ng motor. Natawa pa nga ako't handa pala siya sa gagawin namin ngayon.

Malapit na ang sunset kaya hindi na masyadong mainit. Naglakad lakad ako sa dalampasigan habang hinihintay si Marcus. Malamig na ang simoy ng hangin at sumasabay sa paglubog ng araw ang pagkalma ng dagat. Bumalik si Marcus na may dalang tela at mga prutas at inumin habanag nakasabit sa leeg niya ang dslr.

"Ready-ng ready, ha?" Natatawa kong sabi sa kaniya. Inilapag namin ang tela sa bahaging hindi kami aabutan ng mahinahong alon.

"So.. where do we start?" He asked me after we finished setting up. Ipinagpalit namin ang shells na naipon namin. 11 ang bilang ng nakuha ko kaya 11 din ang maitatanong ko tungkol sa kaniya.

"Only child ka rin ba?" I started it with a simple question.

Kumuha si Marcus ng isang shell at itinaas iyon, "Unlike you, I have 3 older sisters. Bunso ako, only son," Aniya ay itinapon na muli kung saan ang shell. "Hmm, what's your favorite ulam?"

"Tinola," Tinapon ko ang isang shell at hinarap siya, "Your favorite color?"

"Earth tones. Your favorite flower?"

"Gladiolus. I like what it symbolizes."

Marcus looked at me, "What?"

I smiled at him, "Hope and strength. Hmm, anong balak mo sa birthday mo?" That was the first thing I had in mind after answering his question. In 2 weeks na kasi ang birthday niya.

"I don't know! But I'll probably throw a party or something, we'll see," He shrugged. Siya naman ang humarap sa akin at pinagsingkitan ako ng mata. "Bakit pala hindi ka pumayag kaninang sunduin kita sa inyo? Hindi ba alam ng parents mo na aalis tayo?" Nakatabingi pa ang ulo niya at halatang curious na curious.

Napakamot ako sa ulo, "Nagpaalam ako! It's just because I live alone. Nakakahiya lang."

"Huh?"

"Nakakahiya lang."

"What do you mean you live alone?"

Sinamaan ko ng tingin si Marcus, "I live in an apartment near our school, okay? Ano bang mahirap intindihin doon," Napapasinghal na sabi ko, paubos na ang pasensya.

"What?" Nakaawang ang bibig niya ngayon habang laking laki ang mga mata. "Wow, it's cool kaya! I want to live by myself na rin but I can't, you know? I guess I am not really that independent unlike you."

"Lahat na lang cool sa'yo, Marcus."

"Hindi no!"

I shrugged, "Comfort food?" I asked.

"Vanilla ice cream with bananas dipped in hot fudge, topped with whipped cream and a piece of oreo to finish," He stated his comfort food very detailed. I gasped upon hearing him but I chuckled after. So like Marcus.

"Favorite song?" He asked.

"Close to you, Carpenters."

"Nice!"

Nagisip ako ng susunod na itatanong, paubos na ang mga tanong at kailangan kong magamit ang shells ng mabuti. "Bakit mo ako laging pinagtitripan? At bakit ako nakarating dito?!" Ngayon ko lamang napagtatanto na si Marcus ang may kasalanan kung bakit ako nakarating sa Siargao.

No MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon