4

15 1 0
                                    

Ang matinding kaba agad ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa school dahil alam ko sa sarili kong weakness ko ang public speaking. Paminsan ay natatapunan ko ng tingin si Marcus na balik na naman sa dating siya at parang walang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano niya nasswitch ang sarili sa ganoong bagay pero wala akong panahong alamin iyon lalo na ngayon. Ito na ang araw ng title defense namin at huling araw na rin bago magsimula ang bakasyon bukas.

Hindi ko matakasan ang kabang bumubuhay sa akin ngayon dahil magsasalita ako sa harap. Tuwing may group presentation kasi ay kaya kong akuin ang lahat maliban sa pagsasalita sa harap. I have always hated public speaking. I am having a hard time expressing what I want to point out through words. Speaking in front of people to present ideas makes me overwhelmingly anxious and uncomfortable to perform confidently. Though I have all the informations inside my mind, I am having a hard time to voice them out.

Mula pa naman noon ay hindi na ako mahilig magpaliwanag. Nakakatakot ang magiging reaksyon ng ibang tao. It triggers my anxiety by just thinking about what other people might be thinking whenever I am speaking in front. Baka ang stand ko ay taliwas sa kanila. At ngayo'y ang isipin pa lang na haharap ako sa mga tao ay pinagpapawisan na ako ng malamig at parang naghahalo halo ang mga organs ko sa loob ng katawan.

Tumayo ako at tumalon talon habang pinakakalma ang sarili. "Hey, mukha kang tanga!" Tatawa-tawang sabi ni Marcus habang tinitignan ako.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawa.

"Parang hindi mo kilala si Szeirra, Marcus. Kinakabahan yan," Dinig kong sabi ni Jefferson sa kaniya ngunit wala na ako sa huwisyo para sumingit. Nararamdaman ko na naman ang pagkahilo at kagustuhang dumuwal dahil sa nararamdam ko ngayon. Hindi ako mapakali at halo halo ang nararamdaman ko.

Tinapunan ko ng tingin si Marcus na nakatitig na pala sa akin habang kunot ang noo. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Ilang segundo lamang ay may inilagay sa tainga ko na siyang ikinatigil ko.

Music.

Tumingala ako at nakita si Marcus na simple lamang ang ngiti sa akin. "Breathe slowly but deeply. Don't think of anything else and just let the music soothe you." Ayaw kong sumunod noong una pero alam kong kailangan ko rin 'to. Pumikit ako at ginawa ang sinabi niya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko na siyang ikinataas ng lahat ng balahibo ko. I was about to open my eyes when he said something, "The more you think about it, the more that it will bother you. Kalma, huy!" Sinubukan niya akong kilitiin ngunit agad kong pinalo ang kamay niya. Napangiti ako nang maisip na hindi lang ang bubbly Marcus ang side niya. May tinatago pa rin talagang bait kahit sobrang lakas niyang mang-asar. Lagi ko talgang hindi inaasahan ang mga ibang sides na ipinakikilala niya sa akin lately. Umalis siya sa tabi ko at nang makabalik ay may binigay siyang tumbler na mainit-init. "What is this for?" I asked.

"It helps to lower stress and feeling of anxiety. Inumin mo na lang, duh! Walang lason yan!" I chuckled and nodded.

"Szeirra."

Hinintay niya akong matapos sa pag-inom bago ako sumagot, "Oh?"

"Movements can help you release the tension, but deliver it in a confident way. Focus on the presentation itself. Draw attention to your points and do not mind the audience. You'll get through it." He gave me a comforting smile and I couldn't help but to appreciate it. "Saan mo na naman nakuha 'yan?" Ang ngiti niya kanina ay agad napawi at napalitan ng simangot. He rolled his eyes and showed his phone, Google.

"These are effective! Sundin mo na lang kaya? Tsk nag-effort na nga ang tao, kukwestyunin pa!" Pabulong na lang niyang sinabi itong huli ngunit 'yun yung tipo ng bulong na nagpaparamdam.

No MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon