"Tense na tense ka, ah? Tsk. Hindi ako rapist, 'no! Swerte mo na lang," Ngiwi ni Marcus na sinabayan pa ng irap. Nginiwian ko rin siya at kumuha ng pillow para ihampas sa mukha niya."Umalis ka sa tabi ko. Ikuha mo ako ng pagkain, dali," Pinagtulakan ko pa siya at nakasimangot naman siyang nagpatianod sa mga tulak ko.
Nang mawala siya sa paningin ko ay roon ko lang napakawalan ang hindi ko namalayang naipon ko palang hininga. That was sudden. I did not expect any of it. Pinaglaruan ko ang mga daliri habang nanonood sa tv.
Bumalik si Marcus dala ang tray na may lamang snacks at inumin. Sa tabi niyon ay may maliit na kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. "Thanks," I told him.
"Let's play this!"
Kumunot ang noo ko nang makita ang laman ng kahon na iyon. Cards! I read what was written on the box and it says Drinking Game.
"Iinom tayo?"
"Yeah. Konti lang!"
Nanlalaki ang mga matang napaatras ako upang titigan ang kabuuan niya.
"Szeirra, don't tell me..? Stop thinking nonsense, okay?! I'm not going to do anything to you, duh!" Iritable niyang sabi habang binubuksan ang dalawang bote. Umirap lang ako sa sinabi niya at hinayaan siya sa gagawin.
Right, it's not as if we're going to do something bad. He's my friend, for pete's sake! Medyo naguilty ako sa naisip.
"Game."
Kinuha niya ang dalawang shot glass at naglagay roon.
I shuffled the cards before grabbing the card on top and read it, "Challenge another person for a thumb war. Loser drinks."
Tila nagswitch naman si Marcus into his competitive side and he even flexed his arm. "G."
We started the thumb war at madaya siya! He was placing his thumb on the side para hindi ko makuha.
"Bawal 'yan!" Singhal ko.
He was laughing, "Di kaya, duh!"
Sinamaan ko siya ng tingin at sinubukang patumbahin ang hinlalaki niya pero ako ang nahuli. He was pressing hard against my thumb kaya hindi ko magawang matanggal.
"Tss. Ang daya mo kaya," Nakasimangot kong sabi sabay inom doon sa shot glass. Gumuhit sa lalamunan ang lasa niyon kaya kumuha agad ako ng pwedeng pambalanse sa lasa.
Tinawanan lang niya ako at kumuha ng isang card. "Staring Contest! The first person who blinks will drink."
Humarap kami sa isa't isa at ikinisot ko ang dalawang mata bago siya tinitigan.
"Game."
3 seconds, 5 seconds..
10 seconds.
His eyes somehow changes as time passes.
At first, they were only his hazel blue eyes which I adored so much but suddenly, his eyes started to tell a story.
It was as if I was looking through the mirror of his soul... they wanted to be heard.
I was not looking at him anymore.
I was looking through him.
Right now, I am seeing the truths and emotions untold by Marcus.
Napansin ata niya ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ko kaya bigla siyang umiwas at nilagok nang diretso ang shot glass.
BINABASA MO ANG
No Matter
General FictionSzeirra Davies is good friends with Marcus MacQuoid for 2 long years. But the once 'normal' unexpectedly became something more when the connection between them gets stronger as they get to know each other than before. "There is more to him than the...