Prologue

24 3 0
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of author's imagination or used for fictitious manner. Any resemblance to the actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

***

Prologue

"Ninong naman!!! Anong gagawin ko dyan??!!"

"Yasmine, hija. You have to do these ikaw lang naman ang pinakabata dito sa ahensya  kaya ikaw lang ang makakagawa nyan" sagot ni Ninong habang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Hmp! If I know gusto nya lang akong i-play time. Arghhhh!!

"Ehh Ninong, halos magkasing edad lang naman kami ni Darwin ahhh!"

"Ayaw mo?" Nagpout ako at tumango tango susko! Sa dinami dami ng misyon bakit iyan pa?? "Ahh ohh sige,.....sayang naman" bahagyang nangunot ang noo ko ng marinig ang tono ni Ninong "...ito nalang sana ang kailangan mo para mapromote ka as SPO1 kaso ayaw mo hmmm maybe I can give it to SPO2 Jimenez" bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ninong. Omyghadd!!! Did he say promotion??? As in Promotion??? Wahhhhh!!!

"Okay, SPO2 Cortez makak----"

"I accept na po Ninong!!!" Ngiting ngiting sabi ko kasabay ng paghampas ng kamay ko sa lamesa na bahagya nya pang ikinagulat pero napalitan din ng ngiti. "Omyghadd!! Imagine... SPO2 Cortez to SPO1 Cortez wahhhh!!! I'm so excited!!" 

"Okay hija. If you say so... Wala nang bawian hahh, makakaalis ka na"

"Yes Sir!" Sumaludo ako bago naglakad palabas ng opisina nya.

"Ohh kamusta? Okay na ba??" Salubong sakin ni Darwin. Anak yan ni Ninong. Sya yung sinabi ko kanina kasabayan ko lang yan mas matanda nga lang talaga sya ng 10 months

"I accepted na"

"Ohh? Akala ko ba ayaw mo?" Nakangiti ko syang inilingan at kinuwento pa ang sinabi sakin ni Ninong kanina. "Really? Congrats. I'm sure magagawa mo yan ikaw pa"

"Ohhh Thank you Dar.... Ohh paano mamaya nalang?" Sabi ko at nilagpasan sya

Nagtungo ako sa table ko at muling tiningnan ang files na ibinigay sa akin ni Ninong.

Ayaw ko talaga nito.. but I don't have a choice, promotion din yun ehh sayang... 

Hmmm... In all fairness ang ganda ng name nya hahhhh, pang mayaman

"Zacharia Shawn Mendez"

Caught you in Action [COMPLETE]Where stories live. Discover now