Yasmine's POV
Nagising ako sa loob ng isang kwarto, nakakapagtaka lang dahil walang tali ang mga kamay ko.
Diba kapag kidnap dapat may tali lalo na kapag may laban yung tao?
At isa pa nakahiga ako sa malambot na kama. Hindi kaya....
Hindi kaya may nagligtas sa akin??
Tumayo ako at dahan dahang binuksan ang pinto.
"Tss, nahirapan kaya ko sa babaeng yan. Biruin mo tutukan ba naman ako ng kutsilyo?! Aishhh!" Kite?? Hindi ako pwedeng magkamali si Kite nga yun!!
"Hahahhaha, sabi ko naman sayo, manlalaban yan ehh" sagot naman ng isa
"Psh! Grabe ka insan, balak mo pa kong ipahamak"
Dahan dahan akong lumabas at lumapit sa nakatalikod na si Kite.
Sinabunutan ko sya bago ipalibot ang kamay ko sa leeg nya.
"Hayop ka!! Anong balak mo sakin Hahh?!" Sigaw ko habang sinasakal ang leeg nya.
"Ahhh! Ouchhh!! Fvck!! Let go of me!!"
"Demonyo ka papatayin kita!!!"
"Dude, tulong!!" Kapos ang hiningang sigaw nya.
Tumingin ako sa lugar na tinitignan nya at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang lalaking kausap nya kanina
"ZACH?!"
Dahan dahan kong niluwagan ang pagkakasakal kay Kite.
"Sh*t may balak ka ba talagang patayin ako?!" Habol hiningang sabi nya. "Tinutulungan ko na nga kayo sa love life nyo tapos papatayin mo pa ko? Tsk!"
"Anong---panong--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong yakapin ni Zach
"I miss you"
"Ohhh! Live porn. Yuckkk!! Ohh paano insan! Una na ko hahh? Babye?!" Dali dali syang lumabas sa bahay na kinaroroonan namin.
"I miss you so much, Yasmine" tuluyan ng bumuhos ang luha mula sa mga mata ko.
Tinulak ko sya at muling pumasok sa kwartong pinanggalingan ko kanina.
Kinatok nya ang pinto mula sa labas habang ako ay nakaupo lang doon at hindi alam ang gagawin.
"Yasmine, open the door! Yasmine please let me explain!!"
"Bakit mo ba ginagawa tohh?! Ang sabi mo hindi mo ko gusto!!"
"Yasmine, hindi yun totoo! Maniwala ka! May dahilan ako"
"Just leave me alone, Zach. I want to be alone" umiiyak na ani ko bago tumakbo papunta sa kama at doon dumapa.
Ang Akala ko pinsan ni Cole si Kite, yun pala ay pinsan sya ni Zach, pero bakit nya nga ba ito ginagawa?
Nang dahil sa kakaisip ko sa kanya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Umaga na ng magising ako, ilang ulit akong pumikit at inisip na sana panaginip lang ang lahat ng ito ngunit ng muli kong imulat ang mga mata ko nakita ko ang kwartong kinalulugaran ko kahapon.
Hindi nga ito panaginip..
Tumayo ako at nakita ang isang tray ng pagkain sa may side table na malapit sa kama. Dahil gutom na rin ako, hindi ko na pinigilan ang aking sariling kunin ang pagkain na naroon.
YOU ARE READING
Caught you in Action [COMPLETE]
Novela JuvenilI am a police and he's a billionaire. I have to protect him, I have to defend him. It's my duty to serve everybody so here I am, but how can I do my task if he acts like a kiddo with stubborn and jerk personality?? I am Yasmine Jerzelle Cortez the...