Flashback part:3
DEIB POV
K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N
\d^o^b/
"Babe, Gising na may pasok kapa" Dinig kung tawag sakin ni Taguro. Inuuga pa ako nito habang naka-hawak sa isa kong braso.
Magiging Daddy nako
d^___^b
Nakangiti akong nagmulat ng mata saka sinunggaban ng halik sa labi si Taguro. Nagulat naman siya sa ginawa ko at pinalo ang braso ko.
d--,b
"A-ano ba!" Singhal niya pa at natawa naman ako.
Di na 'ko sumagot at diretsong tumayo saka uminom ng tubig. At dumiretso sa Bathroom. Wala na si Taguro dito sa Kwarto nung makalabas ako. Nagbihis nalang ako saka bumaba. Naabutan ko naman siya sa Dinning area na naghahanda na. Umupo naman ako at maya maya ay sabay kaming kumain.
"Babe, papasok ka mamaya?" Tanong ko nilingon niya naman ako.
"Hindi na, sasama nanaman pakiramdam ko pag pumasok chaka baka biglang mag-init ulo ko masigawan ko uli yung lecturer." Tugon niya na ikinagitla ko.
"Ha?" Nagugulat kong tugon, tumawa naman siya. "Tch, bakit mo sinisigawan?"
"Malay ko Sensui. Basta ayaw ko maingay. Tas andami niya pang tinatanong ayon nasigawan ko."
"Tch, pwede mo namang sagutin nalang yung tanong niya."
"Ano bang Problema mo!?" Tumaas ang boses niya. at nagulat naman ako. "Hindi ko naman kasalanan kung bakit mabilis mag-init ulo ko e, bat moko sinisisi!?" Sigaw niya pa.
dO__Ob
Anong ginawa ko? Bat nag-init ulo nito?
d>>_<<b
Aha! Mood swings.. Deib Lohr.. MOOD SWINGS.
d--,b
Lumapit ako sakaniya saka ko siya niyakap at hinamas himas ko naman ang buhok niya "Shh! Hindi kita sinisisi okay, Im sorry." Paglalambing ko sakaniya para pakalmahin siya.
"Tss, ikaw kasi eh!" Singhal niya pa.
"Shh! Sige na kain na tayo."
Di na siya sumagot at nagpatuloy kami sa pagkain. Pansin ko ang pananahimik niya kaya di nako nagsalita baka mag-init uli ang ulo niya.
Pagkatapos kumain ay lumapit ako sakaniya para mag-paalam. "Babe, papasok nako, galit kapa ba?"
"Ge ingat." Walang emosyong tugon niya.
"Galit ka e."
"Hindi"
"Galit ka."
"Hindi nga, wag ka nang makulit at pumasok kana."
"Galit ka sakin e. "
"Hindi nga! Wag ka ng makulit kung ayaw mong mas lalong mag-init ulo ko." Sigaw niya at nagitla naman ako.
dO__Ob
"Sige Sorry na Babe ah! Wag na mainit ulo mo, please!" Paglalambing ko.
"Mm, sige pumasok kana baka ma-late kapa."
"Mm, sige una nako."
Lumabas nako ng bahay at agad na pumasok sa kotse saka pinaandar ito. Mabilis akong nakarating sa kompanya.
BINABASA MO ANG
He's Into Her (Season 4 On-going)
JugendliteraturThis is the on-going of TagSen. This is connected to LWL. itutuloy ko lang po ang kwento ni Deib Lohr Enrile-Moon at Maxpein Zin Enrile-Moon.